Pang-Anim

15 10 1
                                    

Pagkatapos ng araw na iyon ay may ilang beses na kaming lumabas ni Eron. Si Kimmy ay nagtatanong kung anong status na kami tanging ngiti lang ang naisasagot ko dahil hindi ko naman kasi alam kung ano ba talaga kami? friends? close friends? ewan hindi ko alam. Nagtataka din ako kasi isang beses ko lang nagamit yung laman ng botelya ni Manang... siguro unlimited yun?

"Manang alam mo ba na ramdam kong siya na iyon"

Nagpunta ako sa park kung saan naka pwesto si Manang manghuhula dahil ilang araw na rin na hindi ako nakakapunta sa 'kanya.

"tsaka manang yung binigay niyong botelya ay isang beses ko lang siya nagamit... ang tagal pala ng epek nun no?"- dugtong ko.

Huminto si Manang sa pagbabalasa ng baraha at tumingin sa 'kin

" Ano? kamo?" - nakangiwi nitong tanong na wari'y hindi naniniwala sa sinabi ko

"sabi ko Manang ang tagal nung epekto nung nasa botelya mo isang beses ko lang nagamit"- ani ko

" tsaka Manang alam mo ba super close na kami ni Eron ngayon?"- dugtong ko na hindi pa rin makapaniwala. Pero nawala ang ngiti ko ng may maalala...

"Nga pala Manang alam mo ba? ang weird ni Eron nung nakaraan? tinanong niya ako kung hindi ko daw ba siya natatandaan"- lintanya ko.. pero si Manang ay naka tunganga lang sa 'kin.

Napansin ko naman na nangingiti ito sa sinabi ko ...

" Hija ... isipin mo nalang na nakatakda kayong magkakilala" - iyon lang at pinagpatuloy na nito ang pagbalasa. Nagulat ako ng kunin ni Manang ang kanang palad ko sabay hipo sa doon.

"Maganda"- tanging nasambit niya habang may malaking ngiti sa labi

" Manang alam ko namang maganda ako h'wag mo ng sabihin"- biro ko, pero ganun pa rin napaka laki pa rin ng ngiti nito sa labi.

"Maganda ang mangyayari sa puso mo"- patuloy nito na lalong nagpangiti sa 'kin.

Lumabas ako nang tent ni Manang at nagpasyang maglibut-libot muna sa parke. I need a fresh air dahil hindi nagsisink in ang mga nangyayari sa 'kin ... sa amin ni Eron.

" You're here"

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong boses.

Eron...

Lumingon ako... tama si Eron nga. Ang gwapo talaga nito kahit anong suot, kahit anong ayos ng buhok at kahit saang anggulo ko siya tignan. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"ikaw din"- ewan pero yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"May dinaanan lang ako d'yan... then i saw you"- ani niya sabay namulsa ito. sheet na malagkit ang gwapo talaga

" t-talaga? a-ako k-kasi may... may pinuntahan lang bandq dito"- sheet ulit naman Basha ba't ka nauutal? as if naman na ngayon lang kayo nagkakilala

Lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mata ... ewan ko lang ha pero bakit parang may nag twinkle twinkle sa mga mata niya? hala.

"Meryenda?"- nakangisi nitong tanong? ewan basta.

Date na ba 'to?

sheet naman hindi ako ready

" Basha? okay ka lang? bakit namumula ang mukha mo?"- tanong niya na may pag-aalala sa mukha.

"ha? oo okay lang ako"- napabuga ako ng hangin.

***

Nang hapon na iyon ay dinala ako ni Eron sa isang karinderya malapit sa parke. Hindi ko alam na kumakain pala siya sa mga ganitong kainan kasi ang akala ko sa mga sosyal na restaurant siya kumakain.

"paborito ko dito"- bigla niyang sabi ng makaupo kami at makaorder ng kakainin.

" tsaka dito kita madalas makita"- dugtong nito.

Napatigil ako... madalas ako kumain dito noong high school pa ako kasama ang mga kaibigan ko pero...

"siguro mga lima kayo noon"- patuloy nito

" ha? pero hindi kita matandaan"- sabi ko.
Ngumiti lamang siya at kumain, ako naman ay ganun din.

Pag katapos namin mag meryenda ay naglakad lakad kami, nagkwe-kwentuhan ng kung anu-ano. Minsan naiisingit niya na minsan daw ay nakikita niya ako dito sa park noon.

Napunta kami sa mga nagkukumpulan na tao may naririnig kaming kumakanta. Nangiti ako at inaya siya.

"Tara?"- tanong ko

Hindi siya sumagot at basta na lamang hinawakan ang kamay ko. At iyon na naman ang mga kung anu-anong gamu-gamo na lumilipad sa tiyan ko.

Nakakakaba
Nakakaaliw
Nakakakilig

Iyon ang kantang nadatnan namin ... may isang lalaki na may hawak na gitara at isang babae na kumakanta, sinasabayan ng lalaki ang babae kumanta

Nakakabaliw
Napapakanta
Napapaisip
Napapangiti
Nakakabaliw

Lahat ng tao ay sumasabay sa bawat pagkanta ng babae at lalaki. Maski ako ay hindi ko napigilan ang sumabay sa awitin na iyon, para kasing iyon ang nararamdam ko ngayon dahil magkahawak kami ng kamay ni Eron.

Napaka romantic nito...

" Maraming salamat po"- nagpasalamat ang babae na kumanta ... tumango ito sa lalaking kasama sabay nagtipa muli sa gitara...

"More than words"- napalingon ako kay Eron.

Nagsimula ng kumanta ang babae. Ang ganda ng blending nila ng kasama niya hasang hasa talaga siguro pwede silang sumali sa mga singing contest sa tv.

"May I dance with you?"- nanlaki ang mata ko sa tanong na iyon.

" Ha?"- nautal kong sambit

Hindi na nagsalita pa si Eron, siya na ang naglagay ng kamay ko sa balikat niya at ang kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Ngayon ko lang napansin na marami na palamg nagsasayaw na magkakapareha sa paligid namin.

Ang romantic nito... Lord please sana h'wag na huminto ang oras...

"Tama nga ang kasabihan"- bigla nitong sabi. Nakangiti ito sa 'kin na may kislap ang mga mata.

" History repeat itself"- dugtong nito na nagpabilis lalo ng tibok ng puso ko.

itutuloy....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oh My Basha!Where stories live. Discover now