Yun nga ang ginawa ko, pagkagaling ko ng school ay pumunta ako sa park kung saan ko nakita si Manang manghuhula.
"Aba.. bumalik ka"- puna nito ng makita ako sa bukana ng tent.
Ngumiti ako ng malaki dahan-dahan akong lumapit sa 'kanya
"anong maipaglilingkod ko?"- agaran niyang tanong.
"manang nakita ko na siya"- mahina ngunit may halong landi sa boses ko.
"sino?"- takang tanong niya habang binabalasa ang baraha.
"yung ka-destiny ko... yung may blue eyes manang"- nangingiti kong sabi na animo'y nangangarap habang gising
"ah ganun ba"- walang gana nitong sabi nawala ako sa pagde-daydream ko ng may maalala.
"eh manang ano bang dapat kong gawin para .. you know magustuhan niya ko?"- usisa ko "may ritwal po ba na dapat gawin? spells?"- dagdag ko.
Napabuntong hininga ito at tumingin sa 'kin na medyo nilakihan ang butas ng ilong.
"hija manghuhula ako hindi magkukulam no"- taray ah.
"eto naman si manang syempre baka lang naman ano diba"- nakanguso kong sambit.
Ayun nga lumabas akong nakahaba ang nguso at nakakunot ang noo. Isa lang naman ang sinabi niya "wag atat matutong maghintay sa mangyayari".
Ayun nga, yun lang ang sinabi niya sakin matuto daw akong mag-hintay pero diba pag lumapit na ang opportunity dapat i-grab na agad? Destiny na yun oh ka red string ko na jusko naman. Nasa ganoon akong pag-iisip ng may biglang may mahagip ang mata ko."pampaswerte sa pag-ibig available here".
Literal na napa O ang bibig ko at nanlaki ang mata ko agad ako lumapit sa tent na may nakalagay na karatula, ngumiti ako at excited na pumasok doon.
Pagpasok ko... walang tao tanging mga estante lang na may mga botelyang maliliit na may likidong laman ang meron sa kanan yun nakapwesto. Sa kaliwa naman mga nakasabit na charms bracelets. Sa gitna ay may parang pwesto siguro ng cashier... tumingin tingin ako sa mga charms bracelets, halos lahat puro pink iilan lang ang iba ang kulay.
"ano maipaglilingkod ko?"- napatigil ako nanliit ang mga mata ko pamilyar yung boses ng babae eh...
"Manang!?"- nanlaki ang mata ko ng mapag sino yung kaharap ko.
"side line ko"- ani manang napatango ako ... aba bukod sa manghuhula may halong witchy witchy si manang ah tsaka siguro half chinese siya.
Pinag-patuloy ko ang pag usisa sa mga charms bracelets, hanggang sa lumipat ako sa kabilang side yung mga estante nanliliit ang mga mata ko sa mga nakasulat...
"para sa maging faithfull si jowa"
"mapasayo si crush"
"ligawan muli ni ex"
Nangingiwi ako sa mga naka label pero isang botelya ang umagaw ng atensyon ko...
"mapalapit sa taong nakatakda sayo"
binuksan ko ang estante at hinawakan ang botelyang iyon, kulay pink ito.

YOU ARE READING
Oh My Basha!
ChickLitNaniniwala kaba sa destiny? eh sa red string of fate? pwes ako oo! naniniwala ako!- Basha