Maagang nag pa-dismiss ang prof namin kaya kinabukasan kaya naisipan kong pumasok ng maaga sa cafè.
Pag-pasok ko palang ng locker ko ng cafè ay naabutan ko si Kimmy na nag-aayos na ng sarili.
"Hi" bungad sa 'kin ni Kimmy na may matamis na ngiti sa labi.
"ang maganda kong kaibigan ... mukang blooming" dagdag nito
"blooming? matagal na kong blooming no" pigil ngiti ko habang nagpapalit ng uniform.
"Basha table 14" narinig kong sambit ni Mr. Will, pigil hinga kong kinuha ang pad at ballpen.
As expected nandoon siya nakatingin sa 'kin, pero bakit ganito? nakakailang... kaya lalo kong binagalan ang paglakad ko pero parang fast forward kasi ang bilis kong nakarating sa pwesto niya.
"a-ano pong order s-sir?" - gosh bakit ako nauutal? relax Basha... just relax...
"same order"- nakangising sambit nito, dali-dali ko naman imilista iyon sa dala kong pad.
Maaga palang ay pinauwi na ko ni Mr. Wil tinanong ko pa kung bakit at ang sabi may taong gusto daw akong makita.
Pagkalabas ko pa lang ng cafè ay nakita ko na si Eron na nakasandal sa itim na motor, cool na cool itong tignan sa suot niyang V-neck t-shirt na gray na pinarehas niya sa black maong pants at Vanz na sapatos. Napatigil ako kasi nakatingin siya sa 'kin na parang binabasa ang laman ng isipan ko.
" ang tagal mo" inip nitong sabi ng nagpaamang sa bibig ko.
"hindi ko naman alam na hinihintay mo ko"- nasabi ko nalang nang hindi tumitingin sa mga mata.
" nakalimutan mo sinabi ko sa 'yo sa messenger?" kunot noo nitong sabi, napatigil naman ako at napa 'tsk'...
"sorry nakalimutan ko" - hinging paumanhin ko.
Yun lang at nagsuot na ito ng helmet, pagkatapos ay iniabot naman niya sa 'kin ang isa pa, napatingin lang ako dun.
"tititigan mo lang ba?" - tanong nito.
"saan ba tayo pupunta?" - hindi ko napigilang tanong imbes na sagutin siya.
"di 'ba gusto mong malaman kung anong napag-usapan namin ng papa at mga kuya mo?" - sagot nito.
Oo nga pala...
Sukat doon ay isinuot ko ang helmet na pinahiram niya at inilalayan naman niya ako sa pagsakay.
Spark
Yun ang unang pumasok sa isip ko ng magdikit ang kamay ko sa kamay niya... parang kuryente.
Nobody knows
Just why we're hereHabang bagtas namin ang daan ay napapangiti ako kasi yung dating malayo ngayon ang lapit lapit na sa 'kin...
Could it be fate
Or random circumstanceDestiny talaga ang gumawa ng paraan para magkakilala kami ni Eron...
At the right place
At the right time
Two roads intertwineAng romantic...
"nandito na tayo" - napahinto ako sa pag mumuni-muni ng magsalita ito, hindi ko namalayan na nasa isa kaming burol. Pinagmasdan ko ang paligid puro kulay berde lang ang nakikita ko at may isang puno sa bandang taas ng burol.
Ipinarada niya sa malapit sa abot tanaw namin ang motor niya.
Inilalayan niya ko papunta sa puno... grabe lang parang nasa isang kwento kami ng pocketbooks at wattpad... ganitong ganito yung nababasa ko eh, juicecolored baka .... baka magtapat siya!
Oh my gawd...
"ano?"- napalingon ako kay Eron na nagtatakang nakatingin sa 'kin.
" w-wala"- utal kong sagot dito.
Ngayon ko lang nakita ang isang maikling blanket na dala ni Eron, inilatag niya ito at naupo roon kaya naupo na rin ako.
"ang ganda naman dito" basag ko sa katahimikan dahil nung maupo siya ay hindi na siya nagsalita pa.
"yeah"- maikli at halata sa tono na napilitan siyang sumagot, ano kaya problema nito?
" Mahalin daw kita higit sa buhay ko"- bigla nitong sabi ng nagpalingon ako sa 'kanya
"A-ano?"-utal kong tanong
" iyan ang sabi ng papa at mga kapatid mo" - ani Eron pero hindi siya nakatingin sa 'kin
"nako sila papa talaga"- nabahala kong sabi ... lintek talaga naman nako... ako mismo nahihiya sa mga sinasabi nila papa at kuya dito kay Eron
" ang sabi ko, hindi kita papaiyakin kahit isang beses"
Sa sinabi niyang iyon lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko, alam kong sandali lang ang pagkakakilala namin pero yung tibok ng puso ko nung nakita ko siya at ang tibok ng puso ko ngayon ay walang pinagbago... mas lumala pa nga eh.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" - bigla niyang tanong na ngayon ay nakatingin na sa 'kin. Nangunot naman ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"- nagtataka ako dahil alam ko sa sarili kong kakakilala pa lang namin.
Ngumiti siya at umiling na wari'y natatawa sa nangyayari samantalang ako heto at gulong gulo dahil sa tanong niya...
" Don't worry ipapaalala ko sa 'yo katulad noon"- sabi nito na ngayon ay may malaking ngiti sa mga labi.
Kahit na gulong gulo ako ay hindi ko mapigilan na mapangiti ng makita ko ang isang ngiting higit pa sa lahat ang ganda.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Oh My Basha!
ChickLitNaniniwala kaba sa destiny? eh sa red string of fate? pwes ako oo! naniniwala ako!- Basha