Chapter 5: New Kyla... ^_^ And us?

382 38 19
                                    

Michaella Ponciano at this side(before and after) ------------------->

I dedicate this story to my bestfriend, she is Michaella Ponciano, siya po ung real na Michaella Ponciano. =)

---------------

"Meimei"

Naalimpungatan ako dun sa boses na tumatawag sa’kin at sa daliring sumusundot sa pisngi ko . Nakatulog pala ako . Akala ko kasi nagpapantasya lang ako , nananaginip na pala ko .

“Meimei”

Boses ni kuya ito ah .

Minulat ko ung mata ko at bumungad sa’kin ang isang lalaking gwapo at chinito. For short, kuya ko. (^_^)

"Bakit kuya?" tanong ko habang kinukusot-kusot ang mata ko.

"Kumain ka na ba?" tanong ni kuya sa'kin.

"Ah, oo." sabi ko habang tumatango-tango

"Ayusin mo ung sarili mo kasi may pumuntang group of girls dito. Ikaw ang hinahanap." sabi ni kuya sa'kin saka lumabas ng kwarto ko.

May pumuntang group of girls dito?  Sino naman kaya ung mga yun? Ka-uuwi lang namin kanina ah? Baka ung CS yun? (dami kong tanong xD)

Pumunta na ko ng C.R. , naghilamos, nag-toothbrush saka bumaba.

"Yzel!" sigaw ni Nikka. Siguro lahat ng energy niya binuhos niya dun sa pagsigaw niya.

"Oh? Nakasigaw ka na naman?" tanong ko sa kanya with a sarcastic tone

"Trip ko sumigaw eh!" sigaw niya ulit sabay nag-belat sakin. Binelatan ko rin siya syempre.

*boogsh*

Eh? Ano yun?

"Hahahahahaha! Tingin-tingin din kasi sa taas pag may time! Hahahaha!" pang-aasar ni Nikka kay ewan. Di ko kilala kung sino ung nauntog eh. :P

"Sino yun?" tanong ko habang tuluyang bumababa sa hagdan

"Ako." sabay pout ni Angelica. How cute! (^_^)

"Sakit nga eh." dagdag ni Angelica habang hinihimas ang parte sa ulo niyang nauntog at naka-pout pa rin. Ang cute niya talaga.

"Bakit ba siya nauntog?" tanong ko kay Nikka

"Kasi pagkatayo niya hindi niya alam siguro na may hagdan sa taas ng sofang inuupan niya kaya siya nauntog." paliwanag ni Nikka na medyo matawa-tawa ang itsura. Kahit kailan talaga ito. Mapang-asar! Maliit lang kasi bahay namin.

Inirapan lang siya ni Angelica. May powers din pala itong mag-taray. Di kasi halata kasi nga, childish siya diba?

"Teka nga, bakit ba kayo nandito?" tanong ko sa kanila

"Ime-make-over natin si Kyla. Said Kyla's mom." masayang sagot ni Angelica. May salamin kasi si Kyla and I think, hindi pa masyadong litaw ung ganda niya? Ewan ko eh. Pero sabi ng mom ni Kyla, i-make-over daw siya. Edi go lang. (^_^)

"Saan?" tanong ko ulit sa kanila

"Sa mall, pinuntahan ka namin dito para sumama. Wala nga si Precious eh. Di pinayagan ng kanyang oh-so-bait na mother." sabay pout ulit ni Angelica. Pout lang, cute ka naman eh. :)

"Ah sige. Wait lang, akyat lang ako." sabi ko sa kanila at umakyat sa kwarto ko.

Nagbihis na ako at kinuha ko ung shoulder bag ko at nilagay dun ang cellphone, wallet, panyo, payong and extra t-shirt. Girlscout ako dati kaya natuto akong maging handa. (^_^)

Nag-isip muna ako saglit kung may nakalimutan ako and nung sa tingin ko ay wala naman siguro ay bumaba na ako.

"Tara na!" pag-aaya ko sa kanila

Playing With Him (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon