Chapter 21: Bad Boys' Revenge

84 4 0
                                    

Aaron's POV

Ngayon na namin gagawin 'yung revenge namin sa lima. Ewan ko na lang kung anong mangyari sa kanila. Hahaha.

Inabangan namin sila sa tapat ng elevator.

Sabi kasi ni Lyka, dito daw nila dadalhin 'yung lima.

Si Darwin, Francis, at Alvin, nakapwesto sa 1st floor ng building na 'to. Si Darwin, do'n niya ibubuhos 'yung ketchup. Si Alvin naman, harina ang ibubuhos. Tapos, si Francis sa feathers. Sakto lang naman kapag ibinuhos, eh. Si Nathan naman ang mananakot na sumayaw sila. Kapag hindi natinag, si Darwin naman. Ewan ko na lang kung hindi pa sila matakot.

Nagbukas na 'yung pintuan ng elevator.

Tinignan ko kung sino 'yung nasa loob.

Sina Euchie na.

Tumingin ako kay Darwin saka ngumisi.

Alam niya na ibig sabihin no'n.

Lumayo kami ng bahagya ni Nathan. Baka mabuhusan din kami, eh.

Saktong pagkalabas ni Euchie, ibinuhos ni Darwin 'yung isang timba ng ketchup.

"HAHAHAHA!"

Tawanan lahat ng tao na dumadaan at nakakita.

Dumami ang tao sa paligid namin.

Nagmadaling lumabas si Aishia at siya naman ang nabuhusan.

"Ow, gross!" pag-rereact ni Euchie.

"Eew! Is this blood? Eeew!" sabi naman ni Aishia.

Nagtaka ata si Ainjel kaya lumabas din siya at tumingala.

Tanga-tanga. Hahaha. Sinasalo niya ata 'yung ketchup.

Tawanan lahat ng tao sa paligid namin nung sinalo ng mukha ni Ainjel 'yung ketchup.

Mautak 'yung isa nilang kasama dahil sa gilid siya dumaan pero buti nahagip pa rin siya nung ketchup.

'Yung huli naman, nagtakip siya ng payong.

May payong nga pala sa loob ng elevator. Tsk.

Sa sobrang bwisit ata ni Nathan, kinuha niya 'yung hawak na pagkain ng mga tao na nasa paligid namin saka niya itinapon sa mukha nung babae.

Kawawa naman. Hahaha.

Biglang kinuha ni Lyka 'yung payong sa babae.

Hinila niya sina Reyzel at Natalie ata. Ewan ko kung anong pangalan.

Ibinuhos na ni Alvin 'yung harina at tinulungan siya ni Darwin.

"Oh shit, meron pa?!" inis na sabi ni Euchie.

"Chalk na dinurog? Ugh. An-an! Ew, kadiri." sabi naman ni Aishia habang pinapagpagan ang katawan niya.

"Kanina ka pa tanga-tanga, nakakainis na. Bobo ka ba? Hindi naman dugo 'yung kanina, ketchup 'yun. Tapos ngayon, hindi 'yan chalk na dinurog. Harina 'yan! Boba!" sigaw nung nakikinood sa'min. Inirapan lang siya ni Aishia.

Tapang talaga nito.

Pagkatapos nilang ihulog 'yung harina, feathers naman. Nagtulong-tulong sila do'n para mas malawak ang pagbagsak nung feathers.

"Ew! Pakpak? Ugh." sabi na naman ni Aishia.

"Whoa!" react ng mga tao.

Hindi ko sila masisisi. Nakakairita nga ang pagiging shunga ni Aishia. Pa'no pa 'yan napunta dito sa Heartthrob University kung gan'yan ang utak? Baliktad.

"Tanga ka, 'Te? Hindi 'yan pakpak, feathers 'yan!" sigaw na naman nung kanina.

"Ewan ko sa'yo! Epal!" sigaw ni Aishia do'n sa kaaway niya.

Tss. Bahala kayong dalawa d'yan.

Hinarangan ni Nathan 'yung lima nung papaalis na sila.

"We're not yet done. Go, dance a chicken dance on stage." utos ni Nathan.

"Eh, ayo'ko nga." "Eew," "No."

"NOW!" with death glare.

Nanlaki ang mata nila at nagsitakbuhan sila sa stage.

Napangiti si Lyka at Reyzel dahil sa nakita nila.

Tumugtog 'yung chicken dance at nung una ay ayaw pa nilang sumayaw. Pero nung nakita nila si Nathan at Darwin na nakatingin ng masama sa kanila, ayun with energy pa ang mga gago. Tss.

Kinukuhaan ni Nikka ng video 'yung lima at madami na din kumukuha ng videos. Mga tao na nakikinood.

Habang tuwang-tuwa kaming nanonood...

*ring ring* *ring ring*

Argh! Sayang, mahaba pa 'yun, eh. Tsk.

Mabilis naman silang tumigil sa pagsayaw at tumakbo papuntang CR.

Tawanan lahat ng tao.

Nagsibalikan na kami sa classroom namin.

Pinabayaan na namin 'yung kalat. May janitor naman, eh.

Reyzel's POV

Tawa kami ng tawa nina Kyla nung sumasayaw na sila sa stage.

Parang tanga si Euchie.

Laging sinasabi, "Ano ba 'yung sunod?" "What's next?"

Si Ainjel naman, sasayawin 'yung next step. "Gan'to ata?"

"Alam na alam mo. Dancer ka ba?" tanong ni Aishia kanina.

"Tanga! Ang bobo mo, Aishia. Syempre, tinuturo 'to sa'min sa bahay." sagot ni Ainjel.

"Bahay nila puro manok kaya pala mukha siyang manok." singit ni Lykes.

Hahaha. Sa bahay nina Ainjel puro manok. Tinuturo daw kasi sa bahay nila, eh. xD

Ang tanga-tanga nilang magkakaibigan. Hahaha. Sarap tawanan, ampf.

Bumalik na kami sa room namin pati si Nat.

"Girls, bukas punta kayo sa bahay. We're going to plan some things. Ay, sunduin ko na lang pala kayo." sabi ni Lykes.

Tumango na lang kaming lahat tapos bumalik na ako sa seat ko.

---

"Nathan, pupunta nga pala ako bukas kanila Lykes. May gagawin kami do'n. 'Wag ka nang pumunta sa bahay, okay?" paalam ko kay Nathan habang nagda-drive siya.

May student's license naman siya.

Tumango lang siya kaya binalik ko na ang tingin ko sa bintana.

---

Saturday...

"Reys! Tara na!" with beep beep sound pa.

Ang kulit talaga nitong si Lykes. Kanina pa siya bumubusina at sumisigaw.

Nag-thumbs up na lang ako sa bintana ng kwarto ko saka ako bumaba.

"Mama! Alis na po ako!" sigaw ko tapos ininom ko 'yung gatas na inihanda ni Kuya.

"Kuya, ingat ka dito. Ba-bye." sabi ko tapos kiniss ko siya sa pisngi.

Nag-wave na ako tapos lumabas na ako sa bahay.

"Ingat, Meimei!" rinig kong sigaw ni Kuya kaya napangiti na lang ako.

"Hello Girls! Good morning!" bati ko sa kanila tapos pumasok ako sa loob ng kotse.

"Good morning, Reys!" bati naman nila.

"So, saan ang destination natin?" tanong ko.

"Kanila Prey and Kyla's house. Kina Prey muna tayo then kina Kyla."

"Okay, go na."

Habang bumabiyahe kami, wala kaming magawa.

"Uy, uy! Tignan niyo, o!" sigaw ni Lykes habang may itinuturo sa labas ng kotse.

Sinundan naman namin ng tingin kung saan nakaturo si Lykes.

Nagulat kaming lahat.

Playing With Him (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon