Chapter 18: Big DOOM

184 12 3
                                    

A/N: Sorry kung matagal. Hihi. ^_^v At least, 'di na abot ng one month. Hahaha. Enjoy reading! 

Nathan at this side ------------->

Tuwang-tuwa siya, baby kasi nila ni Reyzel. XD

====================

Pagkadating namin sa gate, sarado na! Kasi itong si Nathan eh! Kung pinansin niya ako kanina eh ‘di sana nakauwi na kaming dalawa! Ay, nako! Ito talagang lalaking ‘to! Arrgh! >_<

Biglang may guard na lumabas mula sa isang room.

Yes! Savior! Akala ko pa naman makukulong na kami dito sa university!

“Manong! Kuya manong!” pagtawag ko kay kuya Guard. Ang layo pa kasi nung room sa gate eh.

“Oh, bakit hija sigaw ka ng sigaw? Hindi pa ba kayo nakakauwi nitong boypren mo? Sakto hindi pa ako umaalis, makakalabas pa kayo.” Sabi niya sa’min ng nakangiti.

Ngumiti din ako sa kanya, pero itong si Nathan pokerface ‘yung mukha. Mukhang badtrip. Anyare naman dito? Napakabipolar talaga. Psh.

“At bakit kayong dalawa ay walang payong baga? Hala sige, magkakasakit kayo niyan sa ginagawa ninyo. Ito, sa inyo na lang itong payong na hawak ko.” pagpapaalala niya sa’min saka niya inabot sa’kin ang payong.

“Hindi na po manong, sa inyo na po ‘yang payong na ‘yan. Basa naman na po kami eh. Okay lang po sa’min, kaysa naman po kayo pa ang magkasakit.” Sabi ko kay manong at binalik ko ulit sa kanya ‘yung payong.

“Makulit na bata ire. O sige, basta kapag kayo nagkasakit huwag ninyo akong sisisihin ha.” Sabi niya tapos lumapit siya sa gate at binuksan ‘yun.

“Salamat po kuya manong.” Pagpapasalamat ko sa kanya habang nakangiti.

“Walang anuman iyon, Hija.” Sabi niya saka lumabas sa gate.

“Sige po, aalis na po kami.” Pagpapaalam ko kay manong.

“O sige, mag-ingat kayo ng boy---“

“Tara na. Tss, too many goodbyes.” Sabi ni Nathan saka niya ako hinila habang naka-akbay pa rin.

“Sige po manong! Uuwi na po kami! Pasensya na po kayo dito sa mainiping ‘to! Mag-ingat din po kayo!” sabi ko kay manong habang kumakaway.

Huminto kami sa may waiting shed at do’n naghintay sa driver ni Nathan.

“Ang sama mo talaga! Nakakainis ka! Wala kang respeto sa matanda!” panenermon ko sa kanya habang kinukurot-kurot siya.

“Ouch! Stop it!” Hininto ko naman ‘yung pangungurot ko sa kanya.

“Nakakainis ka kasi!” sigaw ko sa kanya tapos pinalo-palo ko siya. Final wave ko ‘yun! :P

Playing With Him (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon