Chapter 7: The Five Bullies

343 37 25
                                    

Reyzel's POV

Andito kami ni mama ngayon. Mag-uusap ng masinsinan. May nakalagay pa na beer este juice sa lamesa para daw feel na feel ang pag-uusap. Haayyss, si mama talaga.

"Sige na nak, start ka na." sabay inom niya sa juice niya. Juice lang naman. Kala talaga nito ni mama eh noh? xD

Nag-start na ako. Bla bla bla bla.

"Nak, gusto mo sapakin ko mga magulang nun ni Darren? Kung makapagsalita. Ipalamon ko sa kanya yung lahat ng pera natin eh. (-_-)" - mama.

"Hayaan mo na ma. Matapobre lang talaga sila, pero... kanino nagmana si Darren ng kabaitan niya? Ibang-iba siya eh." sabi ko kay mama.

"Baka ampon siya." badtrip na sabi ni mama sabay inom ulit sa JUICE.

"Ma, wag ganyan. Ganyan si papa, remember?" sabi ko kay mama para matigil siya.

Diba? Ganyan si papa. Ampon din. Kaya masakit para sakin na mang-ganyan siya kasi ganun yung kay papa.

"Ay, oo nga pala. Sorry." sabi ni mama tapos nag-peace sign pa.

Binehlatan ko lang siya.

"Akyat na ako ma, tulog na ako. Bye." sabi ko sa kanya tapos nag-beso kami.

-----------------

Wednesday : Voting of our Class Officers : Classroom

Reyzel’s POV

“Ma’am ma’am!” grabe talaga ka-hyper ‘to si Lyka! Magtataas na lang ng kamay para mag-nominate kailangan sumisigaw pa!

“Ms. Angelica low down your voice! What’s it?” napagalitan tuloy ni ma’am.

“I nominate Nikka Ella--- ano ba! Wag kang magulo, haha--- Acuatin for president.” sabi ni Lyka habang si Nikka hinihila niya si Lyka paupo. Ang kukulit talaga nitong mga ‘to.

Ayaw siguro ni Nikka maging president, ako rin naman siguro ayaw ko eh. Ang hirap kaya ng trabaho nyan.

“Ma’am.” sabi ni Euchie ata yun.

“Yes Ms. Euchie?” – ma’am.

“I nominate Beatriz Tuvera for president. Guys, vote her or else.” sabi niya sa buong klase at pinandilatan pa kami ng mata.

Siya yung isa sa mga nagsa-side comment kapag ako na yung topic. Natural ngang maldita siya.

“No more nominees?” tanong ni ma’am samin.

“None.” sabay- sabay naming sagot kay ma’am.

Playing With Him (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon