Enchanted: Chapter 5

126 15 0
                                    

あなたは読んでいます
Enchanted: Chapter 5

OH, WOW. I'M STILL ALIVE?

-

Nagising ako nang maramdaman ko na may tumatamang liwanag sa nakapikit kong mata. Marahan ko itong idinilat saka sumalubong ang nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala?

Teka nga . . . nasaan ba ako? Puro puti ang nakikita ko pagkadilat ko. 'Wag mong sabihing patay na 'ko? Aba naman talaga. Hindi ko tatantanan ang katawang-lupa ng mga 'yon.

Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko, niluwa noon ang isang tao na pumasok sa loob ng kinalalagyan ko. Isang babae na naka-all white. Empleyado ba 'to ni San Pedro? May hawak siyang stainless basin. Nakapaskil sa mukha niya ang isang matamis na ngiti. Mukhang nabigla pa nga siya na gising ako.

"Hi, Arya. Mabuti at gising na po kayo. Ito na pala ang gamot na kailangan niyong inumin at maaari na po kayong pumasok sa klase," sabi niya habang naglalakad papalapit sa 'kin.

Pagkalapit ay binaba niya sa gilid ko ang dala niyang basin saka ako giniya paupo. Pakiramdam ko nga ay nanghihina pa ako habang pinanonood ko siyang asikasuhin ang mga burns sa katawan ko. Mostly sa braso at binti.

"So . . . I'm still alive . . . ?" paniniguro ko habang nasa part na kami na nilalagyan niya ng gauze ang ibang parte ng katawan ko.

Natawa naman ito. "Ah, yes po," tumikhim ito bago magsalitang muli, "Pinapasabi rin po pala ni Mr. Arucis na mamayang dinner ay sa office po kayo kakain. Para raw po hindi na maulit ang nangyari,"

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya. Ang aga-aga pa lang. Dinner agad? Ikinumpas ko ang kamay ko at may isang orasan na lumitaw sa harap ko.

9:45 AM

May oras pa ako para makapag-ayos. Nakita ko na inabutan niya ako ng dalawang gamot na magkaiba ang kulay. Kinuha ko sa kaniya ang mga ito at saka ininom agad.

"Maraming salamat," sabi ko sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama saka nakaramdam ng panginginig. Pakiramdam ko ay nagiging Jell-O ang tuhod ko dahil hindi ako makatayo nang maayos.

Eugh, kaasar!

"Wala 'yon. Mag-iingat kayo,"

Tinanguan ko lang siya at lumabas na ng clinic. Tinitingnan ko ang katawan ko habang naglalakad. Iniinspeksyon ko kasi ito upang tignan kung may mga sugat pa akong hindi naghilom bukod sa mga may gauze. Malay mo may malala pa pala, 'di ba?

Napaupo ako nang biglang may malakas na puwersa akong nabangga.

"Aray, ha!" daing ko. Napatingin ako sa nakabangga sa 'kin. Agad na nag-init ang ulo ko nang makita ko siya.

Isang matangkad na lalaki at may manly built na katawan ang bumungad sa 'kin. Tumaas ang tingin ko sa mukha. Ang matang seryoso, pointed nose at pinkish lips. Ang makapal na kilay nito ay nagsasalubong pa na parang galit.

One word. ZACH.

Tiningnan niya lang ako na parang hindi ako kilala at nilagpasan. Tumayo ako at binato siya ng sapatos. Napatigil siya sa paglalakad nang tamaan siya sa ulo. Buti nga.

"Sorry, ha. Sorry talaga. May masakit ba sa 'yo?" bakas ang sarkasmo na sabi ko.

Humarap naman siya habang nakapaskil ang nakapanggigigil niyang ngisi. "Apology accepted. And don't worry, bukod sa tainga ko wala ng ibang masakit. Ang lakas kasi ng boses mo kaya naiirita, e." Tinapik niya ang tainga niya, dahilan kung bakit mas lalo akong nainis.

Enchanted: Camster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon