Enchanted: Chapter 12

87 5 0
                                    

あなたは読んでいます
Enchanted: Chapter 12
WHAT A NEWS

-

2:00 PM

Kinabukasan ng huling walk-out-an ako ni Zach, nanatili pa rin ako sa kuwarto habang hinihintay na palabasin ako ng nurse.

Sa ganitong oras, dapat pumapasok na ang nurse para kumustahin ang kalagayan ko. At isa pa, panigurado ay dapat na nandito si Zach para magtambak ng bagong gawain sa akin.

Nasaan na ba sila? Break time na kaya.

Bumuntonghininga ako habang buryong-buryo na nakaupo sa kama na hinihigaan ko habang tahimik na nagbabasa. Wala kasi akong kausap dito kaya hindi ko maiwasan na maghanap ng ibang gagawain. Kaysa naman na hayaan kong matuyuan ako ng laway, 'di ba? At saka iniwan naman ni Zach sa kuwarto na ito ang ilang gamit. Ang iba ngang assignment ay hindi niya na tinapos kasi umalis siya kaagad kahapon.

Ay, ewan, ang moody.

Agad akong nag-angat ng tingin nang biglang bumukas ang pinto. Automatic na nabanat ang labi ko para sa isang masayang ngiti. "Brina!" bati ko sa kaniya na siyang may hawak sa door knob.

Bumungad sa akin ang nakangiting bruha na suot ang uniform ng academy. Nakasuot ito ng kulay dark green na palda na hindi umabot sa tuhod ang haba. Naka-tuck in din ang suot niyang blouse na kulay puti. Nasa kaliwang parte ng hati ng blouse ang isang bulsa, nakalagay roon ang tatak ng Camster Academy, at sa itaas noon ang salitang ELITE in bold letters. Nasa kanan naman ang badge na halos kamukha ng kay Zach, ang pinagkaiba lang ay kulay berde ito na halos kakulay ng mata ni Brina. Maingay rin na tumatama sa sahig ang itim niyang sapatos na may maliit na heels.

"Hi, Arya! Na-miss kita kaya dumalaw ako habang break time pa," aniya.

Naglakad na ito papasok kaya agad akong sumilip sa likuran nito para makita kung may kasunod ba siya. Pero wala.

Nasaan na ba si Zach?

Napansin niya ang inakto ko kaya pati siya ay napatingin sa likod niya. "Hm, bakit? May hinahanap ka ba?" nakangiting tanong niya.

Pero ibang ngiti iyon, ang ganoong klase ng ngiti ay parang hinuhuli ako sa bawat tanong. Actually, ngisi na nga ang tawag sa ginawa niya, e.

Pabiro akong umirap sa hangin. "Akala ko nasa likuran mo ang kambal mo, e." palusot ko saka natawa. Tuluyan kong ibinaba ang hawak na libro saka isinara iyon. Inilapag ko ang makapal na libro sa kaliwang bedside table na walang laman.

"Ah, wala. Susunod lang iyon. Tapos si Zach ay nagliligpit pa sa classroom," sagot niya naman habang bitbit pa rin ang ngiti.

"Um," para akong napipi dahil sa bigla niyang sinabi. "I didn't ask but . . . thanks?" patanong na sabi ko na lang. Narinig ko itong tunawa nang mahina.

Pinanood ko itong umupo sa upuan sa gawing kanan ko. Iyon din ang kapareha na inupuan ni Zach kahapon.

"Ay, shocks! Hindi pala ako nakapagdala ng pagkain dito. By the way, kinumusta ka na ba ng nurse?" tanong niya sa akin.

"Huh, hindi pa, e," sagot ko sa kaniya.

"Ay, ganoon? Baka maya-maya ay babalik iyon bago matapos ang break time. Eniweyz, nagpunta ako rito kasi . . ." humaba ang nguso ni Brina nang huminto siya sa pagsasalita. "may misyon na ibinigay sa akin ang lolo mo, e. Simple lang naman siya. Pero mawawala ako ng ilang araw." Pinagdikit niya ang dulo ng kaniyang hintuturo habang nakatingin sa akin.

"Okay, and?" tanong ko, naghihintay ng karugtong.

"Hindi ako makakatambay rito! Tapos hindi kita makakasama," aniya na mas lalong pinahaba ang nguso.

Enchanted: Camster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon