Enchanted: Chapter 11

75 3 0
                                    

あなたは読んでいます
Enchanted: Chapter 11

WELCOME HOME TO ME, INFIRMARY.

HIRAP akong makahinga habang nakatingin sa ibaba. Nakailang inhale na ako pero sa palagay ko ay kulang pa rin. Panay lupa pa rin ang dinaraanan namin pagkalipas ng ilang minuto. Ilang beses ko na rin naranasan na mahulog mula sa pagkakabitbit sa akin ng pegasus pero hindi ko magawang magreklamo.

In return, panay siya hingi ng tawad dahil doon. Hindi ko na lang siya sinagot, na naintindihan niya naman. Mabuti na lang.

"We're almost here," imik ng pegasus pagkaraan ng ilan pang minuto.

Nag-angat ako ng tingin saka nakita ang mataas na kahoy na nagsisilbing gate ng Camster Academy. Malayo pa ito mula sa inaasahan ko. Akala ko pa naman ay ilang hakbang na lang.

"Arya!"

Agad na hinanap ng mata ko ang pamilyar na boses sa paligid ko. Ngunit wala sa paligid ko ang nagmamay-ari noon. Tanging mga puno lang ang aking nakikita sa paligid, pati na ang makakapal na bush.

"She's behind us," sagot ng pegasus nang mapansing naghahanap ako.

"Ah, I see," sagot ko na lang. Dahil sa pagkangalay ay napilitan akong ibaba ang aking ulo. Sumasakit na ang batok ko kakatingala.

Nakarinig pa ako ng maraming yabag na parang kumakaripas ng takbo palapit sa amin. Doon na huminto ang pegasus kasabayan ng pagharang ng ilang pares ng paa sa harapan ko. Saglit kong sinilip kung sino ang mga iyon saka nakita ang mga kasama ko kanina.

Bakas sa mga hitsura nito ang pag-aalala at pagod. Binalot din ng pawis ang kanilang mukha at leeg.

"Arya, kumusta ka na?" tanong ni Mia. Naka-focus ang mata nito sa tatlong palaso na nakatarak sa likod ko. "Baon na baon ba, Arya? Kailangan mo na ba ng paunang lunas? Punong-puno na ng dugo ang likod mo, e. Kaya mo pa ba?" nagp-panic na tanong niya.

"Hindi na kulay puti ang suot mong damit, Arya, kulay pula na dahil sa dami ng dugong tumatagas," puna ni Ale na matiim na nakatitig sa aking likuran.

"Ayos lang . . . sa i-infirmary na lang . . . ako m-magpapaasikaso," putol-putol na sagot ko sa kanila. Sa isang buong pangungusap, halos ilang beses akong huminga nang malalim. Pagkatapos ay marahas akong huminga na parang nauubusan ng oxygen.

"Sigurado ka ba?" tanong pa ulit ni Mia. Tumango ako bilang sagot. Nakarinig ako ng ilang buntonghininga sa paligid ko. Hindi na ako nagsalita pa dahil para sa akin ay nahihirapan na ako.

Nakamasid lang ang matanda sa amin, pinasadahan ko ito ng tingin para makita kung may galos ba siya sa katawan.

Mabuti na nga lang at wala.

Kung magkaroon man ay baka balikan ko ang mga hinayupak na iyon saka sila tuluyan.

"O, siya. Tutal ay desidido na ang prinsesa. Magsimula na tayong muli maglakad at nang makauwi na siya." Tumalikod ang matanda saka naglakad na papunta sa Camster Academy. "Paumanhin kung hindi ka namin nagawang protektahan. Humihingi ako ng pasensiya dahil halos wala kaming nagawa," paghingi nito ng tawad.

Ang mga kasamahan naman niya ay parang binagsakan ng langit at lupa. Nakayuko ang mga ito habang naglalakad. Panigurado ay sinisisi ang mga sarili dahil sa nangyari.

"H-Hindi ko naman hiningi iyon . . . " sagot ko. Nagbabakasakaling kapag sinabi ko iyon ay hindi na sila maging malungkot. "d-don't be too hard on yourselves. You did great by just sensing that someone's after us," dagdag ko pa.

Enchanted: Camster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon