あなたは読んでいます
Enchanted: Chapter 8I FED THE KING A HANDFUL OF SAND AT THE HIPPODROME
-
Pinagmamasdan ko ang mga estudyante na nag-iikot dito sa Metroville. Kasalukuyan akong nagpapahinga matapos ko suyurin ang buong market.
"You're not going to treat your buddy?" Sinamaan ko ng tingin ang preskong umupo sa tabi ko.
"Ano na naman ba?"
"Psh, tinatanong ka lang kasi wala kang dalang treats. You don't know the rules here, do you?" Nakangisi niyang tanong.
"Okay, ano ba ang hindi ko alam, Mr. Know-it-all?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Biglang sumama ang hitsura niya kaya napangisi ako. "Alam mo. Kung pikon ka, huwag mo akong kausapin." Pinanood ko na lang muli ang mga estudyante na namimili.
"I'm just saying – " Napahinto siya sa pagsasalita nang lingunin ko siya. Tumikhim siya saka umiwas ng tingin. " – bilhan mo ng sugar cubes ang Pegasus mo. Kung ayaw mo tumilapon ka habang nakasakay sa kaniya."
Bumalik ang preskong vibe niya nang lingunin niya ako. "I don't know everything pero hindi naman hamak na mas marami akong alam kaysa sa 'yo."
Sumama ang hitsura ko nang sabihin niya 'yon. "I guess you don't even know how to manoeuvre a horse," dagdag niya.
"Excuse me?" Nakamaang na tanong ko. "I can ride a Pegasus."
"That doesn't mean you can ride a horse." May diin na sabi niya. "You want me to prove it?"
Nanahimik ako sa sinabi niya. Ano ba ang pinaglalaban ng isang 'to?
"Oh. The absolute charmer declining my challenge?" May pang-uuyam na sabi nito. Nag-init ang tainga ko sa sinabi niya. Ikinuyom ko ang kamao ko habang nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang sinasabi nito.
"Oh come on. You can't be serious. You're declining my challenge?" imik nito. "Well, I'm not just a challenger. Because I'm also the Master of–"
Tumayo ako bitbit ang mga binili ko. "Tara, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo." sabi ko saka nagsimulang maglakad.
Napahinto ako nang bigla niyang hatakin ang kuwelyo ng damit ko mula sa likod. "Ano na naman ba?" iritableng tanong ko.
"Wala ka talagang alam, 'no? Dito ang daan. Psh," sabi nito habang hinahatak ako.
"Kaya ko maglakad. Hindi mo ako kailangan hatakin," angal ko habang inaalis ang kamay niya sa kuwelyuhan ko.
Napansin ko rin ang nang-uusisang tingin ng ibang estudyante sa amin.
Tumawa siya na may pang-aasar. "Baka kasi kabahan ka habang kaharap ako sa laban. Edi tinakbuhan mo pa ako,"
Tumaas ang kilay ko. Ang kapal naman yata ng mukha nito. Hindi niya ba ako kilala? I'm an absolute charmer. For sure, kaya ko naman patakbuhin ang isang kabayo. Psh.
I can do anything. Right? Right?
"We're here," sabi niya saka ako binitawan. Tinignan ko naman kung nasaan kami.
An ancient oval stadium with sands welcomed us. By looking at its architecture, it looked like a U-shaped with a closed top. The other end is a semi-circle while the other is a square with an extensive portico. Sa baba noon ay mayroon mga stalls na para sa mga kabayo.
Mataas ang gusali na ito at malawak. Ang pagkakaayos ng upuan ay kadalasan na nakikita sa mga covered courts or theatre na pataas ang pagkakagawa. Bukod nga lang sa purong bato ang upuan dito. Kakulay rin nito ang mga Greek architectures na nakikita ko sa internet.
BINABASA MO ANG
Enchanted: Camster Academy
FantasyEnchanted I: Camster Academy Camster Academy, a prestigious academy which is known for its mark to create elite charmers of Olympus. A popular school for every teenagers. But deep within, it has its secret that no one has ever know - or what they th...