あなたは読んでいます
Enchanted: Chapter 7I ARGUED WITH A GREEK NERD AND A WINGED HORSE
–
Halos mapunit ang labi ko dahil sa sobrang lawak ng ngiti ko. Paano ba naman kasi . . . ngayong araw na 'to ay nandito kami sa Training Hall. Dahil magt-training kami! Siyempre, duh.
Sa sobrang excited ko ay nauna na ako kay Brina pumasok. Hindi ko na siya hinintay dahil busy pa siyang mag-ayos.
Malapad ang ngiti na pumasok ako sa loob ng Training Hall. Halos mabura nga lang ito nang bumungad sa akin ang mukha ni Zach.
Kalma, Arya.
The win was on you last time, remember? At isa pa masiyadong maganda ang araw mo para masira ng isang mukhang bisugo lang, okay?
Calm down, puwede mo siyang tustahin ngayong araw. Training niyo naman. Kapag napatay mo, sabihin mo nagt-train ka lang kung paano pumatay ng bwisit sa buhay.
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakita ko si Sir Homeres, which will be our trainer and also our adviser. Nagsisimula na siyang mag-head count pagkaupo ko pa lang.
Err, bakit parang mas excited pa yata si Sir kaysa sa 'kin? Joke.
"Okay, class. Listen," Nanahimik ang buong klase nang magsalita si Sir. "This year ay napagdesisyunan ng teachers na magkakaroon kayo ng Training Partner – "
Hindi pa natatapos ni Sir ang sasabihin niya ng marami na akong narinig na pagkabigla. Ang O. A.? Char.
"Makinig muna ang lahat. Hindi pa ako tapos magsalita. Attitude ba kayo?" Naikagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa. "Siya ang kasama mo palagi kahit saan. What are those? Student's duties, like assignments. Yes, decided na. Puro by pair na ang task natin, okay?" Tumango naman ang ilan.
"Sir, paano po 'yong charmer's task?"
"Tapos na po ba ako magsalita?" Walang bakas ng pagkainis na sabi ni Sir. Yep, hindi siya napikon sa pag-butt in ng isang estudyante. I love his patience. "Charmer's missions or tasks, like chamber guards? Yes, by pair na kada chamber."
Madami namang natuwa sa sinabi niyang 'yon. Ako? Hindi ako makapagsalita, hindi ako relate. Kakapasok ko lang eh.
"And siyempre, you can ask for his or her help. Kung may bagay ka na hindi nalalaman, nandiyan naman ang partner mo. You will be working out hanggang matapos ang school year."
Samu't saring opinyon ang narinig ko. Marami ang natuwa. Ang iba naman ay hindi mapakali. Ako? Okay lang naman sa akin na may kasama. Basta ba ay makakasundo ko siya.
Tumikhim si Sir kaya namatay ang ingay na namukod-tangi sa Training Hall. "I have the copy of your seating arrangment. At dito ko iba-base ang magiging partners niyo. Wala namang problema rito sa nakikita ko. Dahil boys to girls ang nangyaring partnering. So, kung sino ang katabi niyo kahapon, siya ang magiging ka-partner niyo," dagdag ni Sir Homeres.
Hindi ko mapigilang manghina. Capital N and O.
NO!
"WHAT?" Umalingawngaw sa buong Training Hall ang boses ko.
Tumingin sa 'kin si Sir at tinaasan ako ng kilay. "May problema ba?"
MAY PROBLEMA BA?! Yes, of course! Mayroon, dahil sino pa nga ba ang katabi ko kahapon, 'di ba?
"'Wag ka na ngang mag-inarte riyan. Alam ko naman na gusto mo rin akong maka-partner. Bakit naman hindi, 'di ba? Sa lakas ko ba naman eh," Ngumiti ito sa 'kin. "And I think we're a perfect match," dagdag pa niya
BINABASA MO ANG
Enchanted: Camster Academy
FantasyEnchanted I: Camster Academy Camster Academy, a prestigious academy which is known for its mark to create elite charmers of Olympus. A popular school for every teenagers. But deep within, it has its secret that no one has ever know - or what they th...