Chapter 3

209 6 1
                                    

Sean's POV

It's been one week. One week since nabatuhan ako ng cookies at unconsciously nagsorry sa isang babae. Kung tatanungin nyo ako kung bakit problema ko pa rin to kahit one week na ay dahil hindi lang pala kami ang nandoon ng mga panahong iyon. Sakto kasing dumaan yung pinakachismosang student ng school namin. Di ko alam ang name nya pero sabi sakin ni Jason, Aria daw. Kaya ngayon kalat na sa buong school ang nangyari lalo na ang first time ko na pagthank you sa isa sa mga girls na tumitili sakin which I don't even care. Eversince mas lalong dumami yung mga babaeng lumalapit sakin at nagbibigay ng kung anu-ano. Akala yata nila ay mapapansin ko sila. Ang nakakapagtaka lang ay parang tumigil si Freya sa pagbigay sakin ng mga binebake nya. Oo, naaalala ko ang pangalan nya. Tinama ni Jason para sa akin.

Break time namin ngayon at papunta na ko sa locker ko pero napaatras ako dahil may mga nakita akong mga babaeng nakaabang sa akin. Hindi sa assuming ako pero mahirap na baka ako nga naman kasi. Hindi ako takot sa babae, sadyang ayoko lang sa kanila. What happened to Freya is an exception and iyon ang magiging una at huli.

"Pare." Narinig kong tawag ni Jason sa akin.

"Doon na tayo dumaan." Sabi ko dito. Nakita ko naman syang ngumiti at akmang tatawa nang bigyan ko sya ng masamang tingin.

"Ang di ko alam sayo Sean kung bakit ayaw na ayaw mo sa mga babae na tila ba allergic ka sa kanila pero parang imposible naman yun, wala namang ganun diba? Or mayroon talaga?" Pagdadaldal nito habang naglalakad kami papuntang canteen in a pathway na konting students lang nadaan and in our current situation, kami lang ni Jason ang dumadaan.

"Annyeong Kitty! Waeyo? Did you lost your mom?" Narinig ko ang isang malambing na tinig. Alam kong korean yung mga unang salita na nabanggit nya dahil mahilig manood ang dad ko ng korean dramas. Ewan ko ba kay dad wala na yatang magawa. Alam ko pinapanood nya ngayon ang title ay Scarlet Heart. Yung may mga prinsipe ba yun basta ayun lang natandaan ko.

Di ko na alam ang mga susunod na nangyari. Parang dinala ako ng mga paa ko sa narinig kong tinig. Napahinto ako nang makita ko ang source na yun.

Hindi ko alam pero parang tumigil ang mundo ko. Siya lang ang nakikita ko. Bawat parte ng mukha nya ay nakita ko. Gusto ko siyang yakapin at hindi ko alam kung bakit. Hindi rin magawa ng utak ko na sabihin na hindi ito tama dahil parang puso ko na ang nagsasalita. Ano bang nangyayari?

"Alam mo hindi ka nga allergic sa babae. Napatunayan ko ngayon ngayon lang. Baka matunaw." Narinig ko ang sinabi ni Jason pero parang wala pa din. Patuloy pa rin akong nakatingin sa kanya.

Hindi ko alam pero biglang sumakit ulo ko. Nandilim ang paligid ko. Pero ang kakaiba, may nakita ako. Siya, si Annys. Si Annys na nagpatigil ng mundo ko minutes ago. Si Annys na nakikipag-usap sa pusa kanina. Si Annys na binato ako ng cookies. Si Annys na tinawag akong asshole. Si Annys ang kauna-unahang babaeng tinignan ako sa mata. Si Annys na natatandaan ko ang pangalan kahit hindi ulit-ulitin sakin. Si Annys na nakikita ko ngayon sa harap ko na nakahandusay at duguan. Ano ba tong nakikita ko?

"Uy, Sean, pare okay ka lang?" Parang naibalik ako sa mundo nang magsalita si Jason.

"Ha? Okay lang ako." Assurance ko sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hindi ako okay. Ano yung nakita ko? Bakit duguan si Annys? Bakit ganun yung suot nya? Parang pangsinaunang panahon. Siguro kulang lang ako sa tulog kaya ganito. Hayaan mo na nga lang iyon.

Pinauna ko na si Jason sa canteen at ako naman ay dumiretso ng library. Matutulog muna ako doon. Tama, kulang yata talaga ako sa tulog.

Annys' POV

Andito ako ngayon sa clinic. Dinala ko ang pusa na nakita ko kanina sa may gilid ng school grounds. May sugat ito at kailangang magamot. Tinawanan pa nga ako nung nurse dahil hindi daw sila vet. Eh ano naman ngayon? Alam kong may materials sila para magamot yung pusa. Kawawa naman. Sa bandang huli ay napagdesisyunan nilang lagyan na lang muna ng bandage yung sugat ni kitty tapos dalhin ko na lang daw mamaya sa vet. Pumayag naman sila na iwan ko muna sa kanila ang pusa. Dali-dali akong tumakbo papuntang classroom at time naman na.

Next TimeWhere stories live. Discover now