Chapter 4 - Caller ID

14.5K 357 3
                                    

"Wala ba si Kyle ngayon?" tanong ni Ross habang kumakain ng lasagna sa living room namin. Madalas siya magstay sa bahay namin after our classes.

"Nasa Singapore, umalis kaninang umaga."

"You mean, solo natin ang bahay?" binaba ni Ross yung plate at nagflash ang kanyang naughty smile as if meron siyang diabolical plans.

"Parang ganun na nga. Teka, bakit ganyan ka makangisi? May balak ka masama no? Pagsasamantalahan mo ko no?"

"Assuming ka talaga no? Pero this time, tama ang assumptions mo."

Kinuha niya ang plate ko at binaba sa table. Tapos kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinila ko palapit sa kanya. Muntik na ko ma-out of balance at sumubsub sa dibdib kanya.

Naku Ross, wag mo ko pilitin, marupok ako, madaling bumigay!

Hahalikan na sana niya ko nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Ross, may tumatawag sayo..."

"Wala ko naririnig, mas importante ka."

"Ross... Ang daddy mo nakalagay sa caller ID. Baka importante yung tawag."

Nanlaki ang mata ni Ross at biglang bumitaw sakin na parang may kinakatakutan. Takot ba sa daddy niya si Ross? So gay!

"Belle Belle, excuse lang. I have to take this. Kahapon pa ko kinukulit ni daddy."

Sinagot ni Ross ang phone habang lumalakad papunta sa kitchen.

Ayaw ba niya marinig ko ang usapan nila ni daddy niya?

Nasa abroad din ang parents ni Ross. Nag-iisang anak at walang kasama sa bahay. Ang tanging kasama lang niya madalas ay yung mga doggies niya.

Matapos ang ilang minuto, bumalik si Ross sa living room. Yung mukha niya nakabusangot. Parang batang inagawan ng candy.

Anyare?

The Heartbreaker is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon