Chapter 17 - Thesaurus

11.9K 338 0
                                    

Dumating kami sa school ng maaga. May special seats para kay mommy at daddy kasi cum laude ako. Kaso hindi ako kasali sa mag-iispeech.

Alam ko si Ross ang isa sa mga magsasalita, kasi siya ang may pinaka mataas na average sa buong department. Natalo pa niya yung matalino kong kaklase na kulang na lang mapunit ang kili kili sa pagtaas ng kamay every recitation.

Teka, asan kaya si Ross? Di ko pa siya nakikita. Missed ko na agad ang bebe ko.

Bebe daw? Hahaha feelingera!

Tagal ng oras. Opening remarks. Blah blah blah. Ang haba naman ng program, nakakaantok. Nagising na lang ako ng biglang tinawag ang pangalan ni Ross para sa kanyang speech.

Super excited ako. Sinenyasahan ko na sina mommy at daddy. Aba, ang dalawang matanda, mukhang excited din.

Actually, di ko naintindihan yung speech ni Ross, English kasi. Ang lalim ng mga choice of words, halatang gamit na gamit ang thesaurus. For almost ilang minutes, nakatulala ako sa kanya, tulo laway parang asong may rabies.

Napaka confident kasi niya magsalita. Ang ganda pa ng boses, I can listen to him for hours. Alam ko na gwapo si Ross, pero mas gwapo siya ngayon habang nagsasalita sa harap ng maraming tao.

Gosh! Boyfriend ko ang magna cum laude ng buong school. That heartbreaker is mine bwahaha!

Nagsimula na ang speech ni Ross. Introduction ng college life, how he end up studying in the University of the Country. His struggles and his hardship, in other words, kung pano ko pinaghirapan ang mga homeworks at essays niya.

Inspirational message para sa mga graduates, patawa ng konti, kilig naman ang ibang babae sa mga jokes niya. Generic thank you para sa mga teachers, parents and students.

After mag-end yung speech at napuno ng palakpakan ang auditorium, he searched for me sa crowd. And when our eyes met, he flashed his most gorgeous smile.

Tumakbo ko papuntang stage at niyakap ko siya ng mahigpit sa harap ng maraming tao.

Charot lang! Hindi po ko agaw eksena.

After ng program, picture picture ang mga students. May mga iba pa nga nakipagpicture picture pa kay Ross.

Ano siya, artista?

Sabagay sikat talaga siya sa campus. Both boys and girls admire him for being talented, intelligent, sweet and down to earth.

"Belle Belle..." bulong ni Ross sabay tusok ng daliri sa tagiliran ko. Alam na alam niya kung saan ako may kiliti.

"Ay kike!"

"Asan na?" ngisi ni Ross. Tuwang tuwa siya palagi kapag nagugulat ako.

"Ginulat mo na naman ako. Busy pa ba ang Mr. Magna cum laude? Pakilala sana kita sa parents ko."

"Di na po busy, sayong sayo na. In fact, pwede mo na ko iuwi, now na!"

The Heartbreaker is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon