Chapter 11 - Plain of Luzon

12.6K 324 13
                                    

Medyo mahaba haba ng ang kwentuhan namin nang biglang dumating ang kontra bulate na si Martina sa gitna ng aming tawanan.

Kinuha ko bigla ang kutsilyo at sinalubong ko siya. Sinimulan ko siyang pagsasaksakin sa leeg hanggang sumirit at maubos ang dugo niya.

Charot! Para naman akong psychopath sa Criminal Minds nun.

"Oh, Martina! I am glad you are here," excited na sinalubong ni Sophia si Martina. Niyakap pa niya ito at nakipag beso beso.

Sige na, kayo na ang close.

Maganda at matangkad si Martina. Sosyal na kontra-bida talaga. Pustahan, hindi pa siya nakakapasok sa wet market ng Balintawak.

After makipagbatian ng hitad sa parents ni Ross, si Ross naman ang hinarap niya. Umupo siya sa chair na kaharap ko pero naka-fixed ang mga mata niya sa boyfriend ko.

Excuse me Martina, kumain ka ng pagkain, wag si Ross ang papakin mo! Baka gusto mong isungalngal ko yung pasta sa bibig mo!

"Hi, Ross. It has been long time since I last saw you. My god, you look so great," she said in a sexy and sultry voice.

Hoy, Martina, umayos ka ah? Boyfriend ko tong pinagnanasahan mo! Bawal siya tignan! At saka bakit kailangang plunging neckline ha? Parang Central Plain of Luzon yang hinaharap mo, flat!

"Hey, Martina. You look good too. By the way, this is Belle, my girlfriend," kinuha ni Ross ang kamay ko sabay halik sa likod ng mga palad.

Gusto ko magtumbling sa saya. Bwahahaha, babaeng mukhang bakla na walang dede, in your face!

Martina smiled at me quickly and disregarded me as if I don't exist. At least, lumabas agad ang kulay niya, kulay tae.

Nagsimula siyang magkwento ng achievements niya sa school. Sa isang international music school pala siya nag-aaral. Famous violin player din pala si Martina at may mga concerts na rin siya. Ang mother ni Martina at ang mother ni Ross ay best of friends. Kaya pala botong boto si mommy Sophia sa kanya.

To make the story short, nafocus ang dinner kay Martina. Kulang na lang, mamigay siya ng copy ng resume niya para may hard copy kami ng background, skills and experiences niya.

"I am happy for your accomplishments, Martina. Alam ko naman na dream mo noon pa maging famous violin player. I did not know that you would take the word player literally," Ross sarcastically said while smiling.

Boom! Behlat! Try mo kaya maging humble for a change!

Namula naman si Martina sa sinabi ni Ross. Naalala siguro niya kung paano niya pinagtaksilan si Ross during their high school years. Alam kaya ng mommy Sophia niya na kerengkeng tong babaeng to?

"It is getting late. Ipapasyal ko lang si Belle sa garden at ihahatid ko na siya pauwi. Please excuse us," mabilis na tumayo si Ross at niyaya ako palabas ng dining room.

Nagpasalamat ako sa dinner at nagpaalam na din. Suffocating kasama si Martina at si mommy Sophia sa loob ng isang room.

The Heartbreaker is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon