"Gusto ko sapakin si Kurt sa mga oras na yun, pero hindi ko ginawa. Di kasi ko basagulero noon. Umalis na lang ako at never ko na inattempt makipag-usap kay Martina simula noon," pagtatapos ni Ross ng kwento habang nakaclose ang fists na parang ready sumapak ng tao.
"Di ba siya nag-sorry? Like Ross, patawarin mo ko, makati pa ko sa higad. Di ko napigilan ang kalandian ko. Wala man lang ganun?"
"Hindi niya ko kinausap after that incident at wala din naman ako plano na tanggapin ang sorry niya. I loved her and she wasted it."
"Aww bitter ka pa no? Ang ampalaya ay gulay at hindi inuugali, lam mo yun?" sabay hampas ko sa likod niya.
"Ma-iinlove ba ko sayo kung hindi pa ko nakaka-move on? Ano magagawa ko, inakit mo ko ng todo? Saka kawawa ka naman, gusto kita pagbigyan baka magpakamatay ka pa, multuhin mo pa ko."
"Eh aba, mas gago ka pala saken! Kailan kita inakit? Kawawa ako? Namamalimos ba ko ng pag-ibig mo?"
"Yan ka na naman, ang presyon mo tumataas. Wala pa naman ako baon na Catapres. Bakit ba napaka delicate mo masyado recently, parang anytime sasabog ka. Ano ka nagdadalaga?"
"Mukha ba kong nasa puberty stage? Pero Ross, matanong ko lang. Siya ba ang reason kung bakit ka naging babaero?" sabay hawak sa kamao niya. Ayokong nakikita na affected si Ross masyado kay Martina, nagseselos ako.
"After ko malaman na niloloko lang pala niya ko, I became motivated to improve myself. Sumali ako sa martial arts club, natuto ko mag gym, kinareer ko ang basketball. Naging confident ako at natuto ko na maging babaero. Lahat naman ng babae pare pareho."
"Oo nga naman, igeneralize mo lahat ng babae based sa single experience mo kay Martina."
"Belle Belle naman, alam mo naman na ikaw ang reason kung bakit tumino ako di ba? Ikaw ang nakapagpabago ng view ko. I realized na may babae palang tanga dyan na kaya akong mahalin for being me."
"Sino bang tanga yun? Bakit ka ba pinatulan nun, eh heartbreaker ka?"
"Ewan ko. Siguro baliw na baliw siya sakin at mahal na mahal ako."
Baliw nga ba ko kay Ross? Natatawa na lang ako ng tahimik dahil alam ko ang sagot sa tanong na yan.
Ganun ba talaga kapag mahal mo isang tao, para kang baliw sa kaiisip sa kanya? Para kang baliw na gagawin lahat para sa kanya?
"Oh, bakit tatawa tawa ka dyan na parang abnoy?" tanong ni Ross.
"Naalala ko lang yung first kiss natin. Para kong lukaret na palagi inaalala yung first kiss natin sa cave."
Hinawakan ni Ross ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang palad at hinalikan ang noo ko.
"Wag mo na masyado isipin yun dahil gagawa tayo ng maraming memories para mas lalo ka mabaliw sakin. Tatawag na ko in advance sa mental hospital para maprepare na yung ward mo," sabay angkin ulit sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker is Mine
Romance[Completed] Book 2 of My Bestfriend Is A Heartbreaker. Ross is my bestfriend, pero certified heartbreaker. I have the perfect love story when this heartbreaker fell in love with me. That is what I thought until I met Martina - my biggest nemesis, m...