● Casanova 11

295 5 0
                                    

*( Keita Lee POV )*

"Good Morning Miss!" lahat ko na ata nabati. Pag mula sa alarm clock ko hanggang sa mga nurse dito sa hospital. Since kakatapos lang ng intrams . Free day ngayon. At ngayon din ang labas ng pinakamamahal kong Charity.

Bakit masaya ako? Kasi naman eh . Ikaw ba naman manalo sa isang game kung saan kalaban mo ang babaeng pinaka kinaaayawan mo? Nung una talaga medyo may doubt ako na baka matalo ako lalo pa't nalaman kong naka apat na medal na agad si Ciarra.

Hindi naman ako user ng mga babae pero sa unang pagkakataon nagawa ko yun. Yun lang din kasi ang tanging paraan na naisip kong makakatulong sakin sa mabilis na pagkatalo ni Ciarra at hindi nga ako nabigo. Pag katapos ko mag chess . Hinanap ko agad si Kate. Sakto namang may fan club pala sila at lahat ayaw kay Ciarra. Gusto ko na talagang mamatay sa kakatawa nun.

Tinulungan nga ako nina Kate. Sinalihan nila lahat ng contest kahit mga contest na hindi naman talaga nila kaya. Bukod kasi sa sports may mga contest ng kung ano. Eh for sure , sasali naman dun si Ciarra. Ipaglalandakan yung katawan niya. Pasalamat siya wala akong mailait sa katawan niya. Maganda naman talaga si Cia----- Ano ba tong sinasabi ko?

"Good Morning Tita!" masayang bati ko sa mama ni Charity. Naramdaman ko naman na medyo malungkot ngayon mama ni Charity. Kaya nakiramdam naman nadin agad ako.

"Si Charity po?"

"Nasa banyo hijo." pinuntahan ko naman agad tutal malapit naman dun sa pinto. Sakto namang lumabas si Charity. Agad akong napayakap sa kanya. Hindi ko alam pero parang ang saya saya ko. Siguro masaya lang talaga ako dahil hindi na kami guguluhin ni Ciarra.

"Woah , Keita hindi ako makahinga.. hehe" agad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Nahiya tuloy ako. Masyado bang obvious na namiss ko siya? Nakakapag taka lang kasi tatlong gabi naman ako laging nagbabantay sa kanya pero miss na miss ko siya. Abnormal na ata ako.

"Namiss kita..." sabay hawak sa batok. Hindi ko akalaing magiging ganito ako kay Charity. Napayuko tuloy ako. Napansin ko namang hindi siya umiimik o gumagalaw. Kaya hindi nadin ako nakatiis at iniangat ko nadin ulo ko. Pag tingin ko nakatitig lang siya sakin. Pero nagulat nalang ako ng biglang....

*Poink!"

"Para san yun?" pinakita ko naman sa kanya na kunwari nasaktan ako pero bakit ganun? kung ibang babae lalambingin na yun. Sasabihin pang . Nasaktan ka ba? Pero tinawanan lang ako ni Charity. Epic.

"Ikaw kasi , bakit mo naman nasabing namiss mo ko kung lagi ka namang nasa tabi ko?" sabay alis sa harapan ko. Napa hapo nalang tuloy ako ng noo. Bakit kasi nasabi ko pa yung Namiss kita.. nakakahiya tuloy kay Charity.

"Hijo? Tara na!" nagising naman ako ng marinig ko yun. Nasa labas na pala sina Charity. Pinuntahan ko nalang kahit medyo nahihiya pa ako sa sinabi ko kay Charity

"Masaya ba nung intrams?" biglang taong ni Charity sakin. Sasabihin ko ba sa kanya yung about sa deal namin ni Ciarra? Siguro wag na ngayon. Kakalabas pa lang ni Charity tapos yung rason pa kung bakit siya napunta dito yun agad ang ikwekwento ko? Wag nalang.

"Ayus naman Charity . Masaya , katulad ng dati. 7 gold medals nanaman nakuha ko." sabay pogi pose. Natatawa naman ako ng napangisi si Charity. Mukha siyang may binabalak.

"Yabang mo parin katulad ng dati." sabay iwas ng tingin sakin. Mayabang ba ako? Gusto ko lang naman maging proud siya sakin. Para sa kanya naman kasi yung mga medal na yun.

"So san tayo ngayon?" Kunwari lang na wala akong inihanda sa kanya pero meron talaga akong ginawa para sa kanya. Ayaw ko lang ibulgar ng sobra sobra. Isa pa , Girls do like surprises.

The Female CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon