● Casanova 14

409 10 3
                                    

At the side , Photo of Hongdae Club.

***

*( Ian Castro POV )*

"Keita ang pangit mo pala pagtulog? HAHAHA!" Kinakausap ko si Keita habang tulog kasi bigla akong pinuntahan ni Ciarra at sinabing nahimatay daw si Keita sa gitna ng debate. May kakaiba sa mata ni Ciarra kanina pero di ko nalang pinansin basta alam ko maganda siya.

"Ian.." nagulat naman ako ng biglang nagsalita yung nurse. Ang pangit pangit nung nurse. Sa dami dami ng school. Siguro kami lang ang merong pangit na nurse.

"Nelepesen leng neng getem se Keita. Peg geseng niye demeretse ne keye se kehit eneng keinen. Pekeinin me eged siye. Fer sure getem ne getem ne yen." Mention , Bakla ang nurse ngayon. Kapal ng mukha magpalda. Sampalin ko to eh

"Oo na. Shu! Shupe! Alis!" Nag-hmp naman yung nurse. Lakas ng loob magpalda puro buhok naman.

"Type mo yung Nurse nuh?" Pagtingin ko kay Keita. Gising na. Loko siya ah? Ako ?! Type ko yung nurse? Over my dead hot body. Madaming nagkakandarapa sakin tapos papatulan ko yun? Kay Ka---- erase erase.

"O type mo si Kate?" Nanlaki naman ang mata ko kay Keita. Tatayo na sana siya pero kamuntikan na siyang matumba. Ano ba to. Dapat babae ang ginaganto ko.

"Tara na sa club. Hongdae Club." Nagulat naman ako sa sinabi ni Keita. Anong nakain nito? Ayy oo nga pala. Di pa siya nakain. Pero kasi. Seryoso talaga siya? Tinignan kong maigi yung pagmumukha niya. alam ko namang mas gwapo ako sa kanya. Hindi naman siya mukhang nagbibiro.

"Bakit club?" binigyan nalang ako ng nakakalokong ngiti ni Keita. Nalipasan lang ganito na? Nabangag na? Dapat pala laging nililipasan si Keita para lagi niya akong aakitin sa club.

"Itretreat kita. Dahil binantayan mo ko dito." Magrereact na sana ako na kakadating ko lang dahil kakatapos lang ng klase eh hinila na niya ako. Pero sympre , pagewang gewang siya.  Tinalo niya pa ako pagnalalasing ng sobra.

"Hindi ka naman pumupunta sa club Keita. Allergic ka dun." habang tumatagal. Hindi na siya pagewang gewang na parang lasing. Hindi naman niya ako kinausap hanggang sa makapunta kami sa parking lot. Madilim na pala. Pero sympre , merong mga klase tuwing gabi. Kaya hindi lang kami ang mga estudyante dito.

"Well , ngayon  hindi." Ganun na ba kadesperado si Keita para maglasing? Dahil umalis lang si Charity? Kung pwede ko lang kasing pangunahan si Charity sa pagsabi ng dahilan eh. Pero sa totoo lang , nag-aalala ako dito kay Keita kasi isang linggo palang naman wala si Charity nawawala na siya sa sarili niya samantalang may natitira pang 6 na buwan at 3 linggo. Baka bukas bukas mabalitaan ko pa sa balita sa TV na . Isang lalaki , natagpuang patay sa sarili niyang kwarto. sinasabing ang dahilan ay iniwan ng kasintahan niya kaya ganito ang kinalabasan. Wag naman sana.

At hindi nga nagbibiro si Keita. Ilang minuto lang nakapunta na kami sa Hongdae club na lagi kong pinapuntahan. One fact about Keita , he really hate this club. Bukod kasi sa mga babaeng kulang nalang eh wag ng magdamit , sa mga couples na walang hiya.... ang sama ng term ko. For a better term. PDA . , at sa mga usok na galing sa mga smokers. Ayaw niya ng AMOY ng alak.

"Ano bang gagawin natin dito Keita?" Sa totoo lang , wala ako sa mood para mag inum. Hindi ko din alam kung bakit. Tumigil ako eh since sinabi ni Ka--- erase erase. Basta tumigil ako. Yun na yun.

Ng makapasok na kami. Napatakip ng ilong si Keita. See?  amoy ng alak o usok mula sa sigarilyo ayaw niya talaga. Kaya nakakapagtaka kung bakit kami andito. Umupo siya sa may bartender at sumunod naman ako. Naalala ko yung sinabi nung nurse

"Keita , pinapasabi nung nurse na pangit na hindi mo alam kung sinong engkanto ang kamag - anak  na kumain ka daw muna. " Tinawanan naman ako ni Keita sa sinabi ko. At hindi pa man  ako nakakapagexplain pa ng iba. May nakapatong na na pulutan sa tapat namin at dalawang gabble na may lamang vodka.

The Female CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon