*( Keita Lee POV )*
"Oy? Babyboy? Gising na." Andito nanaman si Ian. Ilang beses ko ba sasabihin sa kanya na tigilan niya muna ako? Gusto ko munang maagoahinga! Gusto mo munang mag-isa!
Simula ng umalis sa Charity , pakiramdam ko naiwan ako mag-isa sa ere. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naging miserable buhay ko. Siguro nga , minahal ko ng todo si Charity at di na ko nakapagtira para sa sarili ko.
"Keita , babae lang yan! Tara na! Tanghali na oh!" Napabangon ako sa sinabi niya. Isa siya sa mga saksi . Isa siya sa mga nakakita ng pagmamahal ko kay Charity. Tapos sasabihin niyang babae lang yan? The fact na pinsan niya pa yung nang iwan
"Ano nga bang alam mo? Laruan lang naman tingin mo sa mga babae?" Pagkatapos kung sabihin yun. Tinalakbong ko na ulit yung kumot ko sa mukha. Narinig ko namang nagbuntong hininga si Ian .
"Oo nga , wala nga akong alam eh. Tsk." Mukang badtrip nadin siya. Pero wala akong magagawa/. Magaspang ang ugali ko ngayon. Bwisit naman kasi. Sa tuwing maiisip ko na iniwan ako ni Charity pakiramdam ko pinag sakluban ako ng langit at lupa.
Hindi man lang kasi nagpaalam si Charity na aalis na siya. Malay ko naman sa dahilan. Wala naman kasi akon naaalalang ginawang masama.... Hindi man lang siya nagsabi kung break na ba kami? Kasi kung meron man , hindi ako papayag . Tagal kong inintay ang pagkakataon na maging kami tapos ganun lang yun?
Isang kislap mata iiwan nalang ako ng ganun? Alam ko naman pating hindi ako iiwan ng walang dahilan ni Charity. Pero ano nga yung dahilan na yun?! Bakit ganun nalang kadali kay Charity na iwan ako?! B*llShit!
"Alam mo , hindi ko naman talaga gustong mangielam sayo. Sa nararamdaman mo. Yung Papa mo kasi, I mean . Si Tito kasi... tinakot ako. Pag di daw kita naakit sa school. Isusumbong niya daw ako kay Dad na ginagamit ko lang yung pera ko sa kung ano ano. Sira ulo din naman Papa mo nuh?" Gustuhin ko mang makipag-away sa kanya dahil sinabihan niya ang Dad ko ng Sira ulo . Hindi ko kaya. Wala talaga ako sa huwesto na makipag away sa kanya.
"Keita? Please , may pinagsamahan naman tayo eh. Hindi lang naman pati Papa mo ang nag-aalala . Ako , yung mga fangirls mo sa school. Hinahanap ka nadin ni Coach Albi. At ni Cia...." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sumagot na ako. At katulad ng kahapon. Wala paring gana ang tono ng boses.
"Wala akong pakielam sa babae na yun Tsk." Hindi ko naman alam na may taglay talagang kadaldalan si Ian at sinagot pa ako.
"Pero siya may pakielam sayo." Napakunot naman ang noo ko. Kelan man. Hindi nagkaron ng pakielam sakin si Ciarra. Kaya lang siguro ako hinahanap nun kasi wala siyang kaaway o mapagtritripan sa school.
"Keita! Pinapasabi ni Cha...." Agad akong napabangon at hinawakan ang kwelyo ng uniporme niya. Wala akong pakielam kung masaktan siya. May sinabi na pala si Charity tapos ngayon lang siya iimik. Halos isang linggo na niya akong kinukulit tapos... tapos ngayon niya lang sasabihin? Sipain ko to eh
"Ano?! Ano?!" Medyo mataas na ang boses ko. Nanggigigil na kasi talaga ako kay Ian. Imagine? 1 week. Tapos....... Arg. Awan. Basta kailangan ko ngayon marinig kong ano mang pinapasabi ni Charity.
"Tamo to. Ang bilis pag si Charity. Wala . Wala siyang pinapasabi . Gusto ko lang mabuhayan yang dugo mo. tignan mo , namumutla kana! Isang beses ka lang kumain sa isang araw. Ang swerte mo pa nga dahil may pagkain kang nakakain . Alam mo bang madaming namamatay sa gutom?" dahan dahang tinanggal ni Ian yung kamay ko na nakahawak sa kwelyo niya. Ako naman tong nalanta at bumalik sa pagkakahiga.
"Bakit? Pag kinain ko ba yan? Mabubusog lahat ng nagugutom?" Nakatingin ako sa kisame kaya hindi ko nakita reaksyon ni Ian sa sinabi ko.
"Mahirap pala pagnabrobrken hearted ka? Lalo kang nagiging masungit." Naglibot nalang si Ian sa kwarto ko. Nakita ko naman kasi similip ako sa kanya ng saglit. Wag lang siya papasok sa isang kwarto dito sa kwarto ko. Basta. May collection ako dun na hindi pwedeng makita.
"Alam mo Babyboy , Walang mangyayari sayo kung tatanga ka nalang dito. Akalain mo yun? Isang linggo ka ng nagkukulong . Tignan mo nga yang sarili mo. mas gwapo na kaso sayo. " Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Wala naman kasi akong pakielam sa itsura ko. Basta ang gusto ko ngayon eh malamn kung bakit ako iniwan ni Charity.
"Pero pare , ito lang masasabi ko. Kung kaya pa nating maghintay. Gawin na natin. Mas maganda nadin kung kusang puso na natin ang mapagod. Para sa ganun , buo na ang desisyon natin sa susunod na gagawin." Napaisip tuloy ako. Siguro alam ni Ian ang rason. Ayaw niya lang sabihin sakin? Pero bakit naman ? Siya na mismo nagsabi na may pinagsamahan kami?
"Alam mo ba ang rason kaya sinasabi mo sakin yan?" para nadin makasigurado. Para may magawa akong paraan para mapaamin si Ian.
"Hindi , hindi ko sasabihin sayo na ako ang naghatid kila Charity sa airport." Napatingin naman ako sa sinabi niya. Hindi yun ang specific na sagot pero binigyan niiya ako ng clue na totoo nga ang nasa isip ko kaya dahan dahan akong tumayo. Napalaki naman ang mata niya .
"So? Alam mo?" Pagkatayo ko. Naglakad ako ng dahan dahan papalapit sa kanya. At nakaisip pa ako ng isa pang paraan para mapaamin siya.
"Kei...Keita , hindi ka na mabiro . hehehe.. Di ako ang naghatid. Di naman nila ako driver." Paglapit ko , pag atras niya. Siguro natakot siya nung dinamput ko yung cutter na nasa tabi ng bed ko. Kasalanan ko bang medyo malapit ang study table ko sa kama ko?
"Hindi , Ian . Alam mo ang gusto kung malaman. Sabihin mo na hanggat di pa kalat ang dugo mo sa kwarto ko." This time . Kunting distansya nalang kaya tinutok ko na sa kanya yung hawak kong cutter. Kung meron mang makakakita samin. Alam kong pagtatawanan kami. Para kaming bata na nagtatakutan.
Namumutla na si Ian. May phobia kasi siya sa matitilos na bagay kaya agad siyang natakot ng itinapat ko yung cutter sa kanya. Meron siyang peklat sa braso niya. Yun ay dahil sa kutsilyo. Kasi may nangyari samin nung bata pa kami. Ayaw ko magkwento. Wala ako sa mood.
"Keita . Please." Ang goal ko lang talaga ngayon ay makuha ang dahilan ni Charity. Siguro pati narin address nila sa States para masundan ko. Wala na akong pakielam sa maiiwan ko dito basta gusto kong makita si Charity.
Sa sobrang pag-iisip ko. Hindi ko na napansin na nakapasok na sa isang kwarto si Ian. B*llshit! Sabi ko wag papasok dun! Kitang may sign board sa tapat ng pinto! Agad kong binitawan yung cutter at pinipilit kung buksan yung kwarto. B*llshit! B*llshit!
"IAN! Wag kang magkakamaling hawakan mga gamit diyan!" Namumula na ako sa galit at sa hiya. Wala na! Ian blow it away! ang sekretong matagal ko ng tinatago. Agad kong kinuha ang susi ng kwartong iyon sa drawer ko at nabuksan ko naman agad ito.
"Wow , Keita , Lawak ng koleksyon mo ng mickey mouse ah?" Pag pinaka kita ko kay Ian na naaasar ako . Mas lalo niya akong kukulitin. Kaya kunwari walang nangyari. Walang nangyari. Inhale , Exhale. ASDFGHJKL! Yung koleksyon ko nakita niya! Sh*t! Bakit kasi di ko nilock yun!
Pero sa halip na ako ang maging matapang. Nagulat nalang ako ng pagtingin ko kay Ian. Muka siyang demonyo. Yung katulad sa anime. Kapag nakakaisip ng masamang plano? Nagiging diamond yung shape ng mata. Sh*t. Di ko gusto yung ganung uri ng tingin ni Ian.
"Pano ba yan Keita? I already discovered you're hiden secret. Pag di ka pumasok. Ipapagkalat ko sa school." at mas ikinagulat ko pa eh yung bigla niyang hinulog yung favorite kung stuff toy na binili namin ni Mom sa disney nung bata pa ako. Tatakbo na sana ako ng piglang may nagflash.
"May patunay na ako. Hintayin kita sa baba huh? Maligo ka na." Nabato ako sa kinatatayuan ko! ASDFGHJKL! Ian Castro! What are you doing?! Naglakad ako ng padabog at pinipilit kung kumalma. Kahit sa loob loob ko sasabog na ako. Naghalo halo na yung emosyon ko. Pakiramdam ko gusto ko ng makain ng lamang lupa.
Pinulot ko yung stuff toy. Mickey mouse. Oo na. I love Mickey mouse . Why? Kasi nga . Dad ko lang may time sakin. Walang time Mom ko sakin. Last time na nakasama ko siya ng matino eh nung 8 years old ako. Ng nagvacation kami ni Mom sa Hong Kong. Ako na ata ang pinaka masayang anak nun. Pero kinabukasan . ako na ata ang pinaka malungkot na anak sa buong mundo. Kaya kahit abnormal Dad ko. Pinipilit kong makisama sa kanya dahil siya nalang ang pakiramdam ko eh nakakasama ko.
Pero yun nga, since that day , I've started collecting mickey mouse stuff. Kaya sobra talaga naging hiya ko ng makita ko yung swimming trunks ko na mickey mouse ang design. Bwisit na Ciarra na yun! Ayaw ko na talaga sa kanya! Para siyang si Ian!
Kamusta na kaya si Mom? Malamang Keita. Busy sa work. Ibinalik ko nalang sa isang lalagyan yung stuff toy. Importante kasi yung laruang yun kaya nakalagay sa isang istante. Para tuloy akong nagtatago ng diamond. Well , that thing is more precious than a diamond.
Naalala ko naman yung ginawa ni Ian kanina. Bwisit talaga. Nabahidan na ng kasamaan ang kwartong ito. Ako lang ang nakakapasok dito at si Untie Mel. Pero dahil nga matagal ng retired si Untie Mel. Hindi na siya nakakapasok dito.
Naligo naman ako at nagbihis. Di na ko kumain. Wala ako sa mood para kumain. Hangga't di ko nalalaman kung anong dahilan ni Charity kung bakit niya ko iniwan hindi ako kakain. It may sounds gay pero naiiyak ako. Tinignan ko nalang sarili ko sa front mirror ng kotse ko. Nakita ko naman na umandar na kotse ni Ian kaya sinundan ko.
Maaga palang umalis sina Mom at Dad sa bahay. Parang di na ko nasanay. Habang nagdradrive iniiisip ko yung gagawin ko para mapaamin si Ian . Napaka desperado ko na kung titignan. wala akong pakielam. Mahal ko si Charity eh. "Tignan mo Keita , sa sobrang tagal at kupad mong kumilos . Second subject na naabutan natin. Mabuti nalang at mga 6:40 ako pumunta sa inyo. Naku kung hindi baka 10:00am na tayo nakapunta dito." Napataas naman kilay ko. Anong nangyayari sa lalaking to? Hindi naman siya ganun ka concern sa pag-aaral niya.
"Wow , Nag-aaral ka pala? Di ba dapat ako ang nagrereact ng ganyan. Dapat ako yung nagsasabi ng mga bagay na dapat ko ikahinayang? 1 week akong absent Ian. Ilang lesson yun? Isama pa yung rabbit rab---" napatigil ako. At ito nanaman ang pagkakataon na asarin ako ni Ian
"Ayie. Rabbit Project with Ciarra. Ayie Ayie! Wag ka munang mangaliwa. Buhay pa pinsan ko." Napatakip naman siya ng bibig. Ngayon lang ako magpapasalamat sa Panginoon dahil sa kadaldalan ni Ian. Sobrang makakatulong to sakin.
Pakiramdam ko ngayon . Nabuhayan ako ng loob. I'm a smart guy. Bakit hindi ko agad naisip na wag magmukmuk. Siguro nga may mga tao talagang matatalino pero bobo pagdating sa mga ganitong bagay.
Naglakad na kami ni Ian sa loob. As usual , papunta na yung ibang estudyante sa second subject nila. Kaya dumiretso nadin ako sa lab. Dapat pala medyo nagpahuli pa ako para naman third subject nalang naabutan ko .
"Keita! Keita!" Pagpasok ko palang. Agaw pansin yung bwisit na Ciarra na yun. Kaya napatingin sakin yung iba pa naming mga kaklase.
"Tumahimik kang higad ka." tumahimik naman siya at ginawa ang signature pout niya. Muka siyang patu.
"Anong ginagawa nila?" napansin ko kasing may kanya kanyang mundo mga kaklase ko isama pa na hindi nakatingin samin si prof. May ginagawa din siya.
May ibinigay naman sakin na folder si Ciarra. Tinanggap ko naman to. "Ano to?" pagtatanong ko. Sabi naman niya. Buklatin mo nalang para malaman mo Keita babes. Sinamaan ko nalang siya ng tingin kaya napaiwas siya ng tingin.
"Isang week lang pala yung rabbit project ek ek na yan. Pero damay na yung isang sem. Grabe . Isang linggo kang wala. 7 parts yan. Laging may minus 10 points kasi wala kasagot sagot." Binuklat ko ang bawat page at tama nga sinabi ni Ciarra. Laging may red mark na naka sulat na -10 .
"Bakit di mo man lang sinagutan?!" napasigaw ako ng di oras. Mukha namang nagulat si Ciarra.
"Keita , calm down! di lang kayo ang tao dito sa room." suway ng prof. namin. No choice.
"Bakit di mo nasagutan?! Ganyan na ba kahina kokote mo?" alam niyo yung pabulong na sigaw? Ganun ginagawa ko ngayon. Naghalo halo na ang frustration ko unang una , iniwan ako ni Charity ng walang VALID REASON. Pangalawa , nalaman na ni Ian ang pinaka tago tago kung SEKRETO at ngayon?! Never pa ako nadihado ng ganito.
"Hoy?! Oo , mahina utak ko. Pero please lang. Wag mo ko sisihin. Kasalanan mo yan! Kawasat umabsent ka! Ikaw na mismo nagsabi na mahina kokote ko!" Nilapit niya mukha niya at sinermon sakin yan. Katulad ng pabulong kong sigaw. Ganun din ginawa niya sakin..
"Talo pa ng taong matalino ang taong masipag. Edi sana man lang , kahit mahina yang kokote mo nagbasa basa ka man lang ng rabbit related books para naman may madagdag na kaalaman dyan sa utak mong puno ng hangin!" Nang gigigil na ako kay Ciarra! Arg!
"Yun na nga eh. Di din ako masipag. Shocks . Keita , Ako nga tong kawawa dahil wala akong partner ng isang linggo tapos yan pa ang isasalubong mo sakin?!" at nag act pa siya ng parang pagod na pagod.
"Kelan ba pasa nito?!" Inisnaban niya ako at tumingin sa board. Tinuro niya yung board kaya napatingin ako.
Deadline : October 8 , 2014
Complete your rabbit project or else. You'll get a lower grade + Summer Class on your vacation
*KRING*
"Save by the ring. Bye Keitababes. See you later. In quadrangle." Napanganga nalang ako sa nabasa ko. For sure magugulat si Dad pag nalaman niya to. At ayaw ko siyang magalit dahil alam kong paparusahan niya ako.
"Keita? Ano pang ginagawa mo dito?" nagulat naman ako ng tanungin ako ni Prof. Pag tingin ko sa paligid ko. Wala na nga ang iba kung mga kaklase at ako nalang tong natira dito. Patay ka talaga sakin Ciarra Del Rosario.
"Oh, paalis nadin ako Sir. Bye." kinuha ko nalang yung gamit ko at isinakbit. Habang naglalakad sa hallway . Sinilip ko yung folder. Merong 9 chapters na natitira. Before akong iwan ni.... Charity. Naaalala ko nanaman. Ano ba yan!
Tinuun ko nalang ang atensyon ko sa folder. Nasagutan naman na yung Chapter 1. 9 Chapters to go. Pumunta na ako sa cafeteria. Dahil , nakaramdam na ako ng gutom. At pakiramdam ko nagwawala naa mga bulate ko sa dyan. Kanina pa kasi kumukulo.
"Miss isa ngang----" Nagulat ako ng may biglang humila ng braso ko. Muntikan ko ng mahulog yung folder. Sino ba to?!
"Keita , mabuti nalang nakita kita. Si ano.. si Ciarra." Kilala ko yung boses na yun. Lumingon naman sakin yung nanghihila kahit tumatakbo kami. Si Kate lang pala. Kala ko kung sino. Teka , ano yung sabi niya?!
"Teka? Pakielam ko kay Ciarra?!" pinilit kong kunin yung braso ko kaya nabitawan naman niya.
"Kasi ano.... sa quadrangle. Si Ciarra . Pambato nung Singing Club sa debate. Walang nagtatangkang lumaban sa kanya. Di ba kamember naman kita sa Science club? Please naman. Ilaban mo naman." Napakunot naman noo ko. Hindi naman kasi ako pala sale sa club. Sa pagkakakalala ko. Si Ian lang naman ang nagsali sakin sa club na yun kasi daw madami mga babae sa club na yun. sira ulo talaga yun
"Pero Kate , di pa ko naka----" hindi niya pinansin yung sinabi ko kaya hinila nalang ulit niya ako. Bakit ako pa?!
"Bakit kailangang ako pa Kate?" Nagmamakaawa na boses ko. Pakiramdam ko kasi mahihimatay ako sa gutom.
"Kasi duwag lahat ng lalaki at babae sa science club Keita. Alam mo namang mga nerd lang ang sumasali sa club di ba? Di ko nga alam kung pano kayo nung Ian napadpad sa member list." Eh kasi nga babae lang habol ni Ian! Di ko din alam kung sinong babae ang hinahabol ni Ian eh puro nerd naman pala. Don't tell me?.... ahm...Ian! Naku kang bata ka, alam ko na talaga gagawin sayo.
"Sige , pero after nito ililibre mo ko sa cafeteria." Hindi ko alam kung nakinig ako ni Kate kasi nagmamadali talaga siyang tumakbo . Maya maya tumigil na siya sa paglalakad. Pag tingin ko . Nasa quadrangle na pala kami. At alam niyo? Sumalubong sakin?! Ngiti ni Ciarra.
"Kala ko hindi ka na dadating Keita." Ginamit pa talaga ni Ciarra yung mic. Bwisit na!
"Anong topic Kate?" hindi parin binibitawan ni Kate yung braso ko kahit nasa itaas na kami ng stage. Nilapit ko naman mukha ko at sinabing "HOY" Tsaka lang siya natauhan. Muka kasi siyang galit na galit kay Ciarra. Nanlilisik na paningin niya pero may halong lungkot.
"Oy? Kate? Okay ka lang?" pagtatanong ko. Ngayon , may kasama ng luha ang kanyang mga mata.
"Tignan mo sila." Napatingin na ako kay Ciarra nung mga oras na yun. At sa pagkakataong ito. Nakita ko yung ex boyfriend ni Kate. Chinicheer si Ciarra.
"Ako ng bahala Kate huh? Wag ka mag-alala." at pinat ko ang ulo ni Kate para patahanin siya.
"Okay , Tama na ang dramahan. Ciarra Del Rosario will be the representative from Teatro , our singing club. and Keita Lee , will be th representative from Matrix , our science club." May kinuhang papel yung Mc dun sa isang box. Nakalimutan kong meron nga palang taonang debate ang school namin at ang magiging mga contestant eh mga clubs.
"Topic for this round. LOVE." Nadurog naman puso ko narinig ko. Love? Bakit ngayon pa? Charity.... Charity... Charity.... Please give me strenght.
"We have 25 question here. Please give us your best of the best answer!" Lumipas ang 15 questions. Lamang ako ng isa. Iba't iba ang tanong nila. Merong "Do you believe in true love?" ang sagot ko . Yes , True love is real . If you both have commitment and willingness to be together forever. Kaso anak ng kekang, ang bilis kumalat ng issue na umalis na si Charity kaya ito sagot sakin ni Ciarra. "No, True love isn't true. Then why Ciarra left you? huh?" .
Nanghina ako sa sagot niyang yun. Bwisit lang. Unti unti ko ng nalilimutan na iniwan niya ako eh. Pinapaalala niya pa.
Nagpatuloy lang yung game at habang tumatagal . Pahirap na ng pahirap ang mga tanong. Mas lalo lang akong nanghihina. Lahat nalang kasi ata ng isasagot ni Ciarra damay si Charity. Nakakainis. Isama pa yung sabay na pagtunog ng chan ko. Bwisit.
"Mukang nagkakainitan na ah? Tie na kayong dalawa. After 24 questions , 12 all. For the last question. Dito na natin malalaman kong mananalo ba ang Teatro o Matrix!" Nakakathrill naman to . Naramdaman ko namang may nangungulbit.
"Keita , tyan mo ba yung nakikinig kong umuungol.?" Nahiya naman ako sa tanong ni Kate kaya hindi ko nalang pinansin.
"Keita , pagnanalo ka dito . Hindi lang ako ang matutuwa. Pati narin club natin. Satin mapupunta yung fund ng intrams. Tapos magkakaron tayo ng trip! Wooo. Kaya galingan mo!" Pagchecheer sakin ni Kate. Langya . Meron pa palang ibang dahilan. Pero seryoso. Nanginginig na tuhod ko.
1 hour na ang debate at 1 hour nadin akong nakatayo. Gutom na gutom na ako. Baka hindi na magfunction utak ko. Wag naman sana.
"Last question for this round. What is Love?" Pinoprocess ko pa sa utak ko. At habang ginagawa yun. Nakahawak na ako sa noo ko. Pakiramdam ko magbrebreak down na ako anytime.
"Love ..... Love is..... When you accept his or her defects... And love is the way to be with him.." nagpalakpakan naman yung mga kasali sa Teatro . San naman nakuha ni Ciarra yun? Hindi naman niya alam ang meaning ng love? the fact na nakatingin pa siya sakin habang nagsasalita.
"Okay , Mr. Keita? What is Love?" Ako na pala tinatanong. Sh*T . Ano tong nararamdaman ko. Nahihilo na ako. Parang umiikot na paningin ko.
"Love..." Lahat sila nag - iintay ng sagot ko. Naiiyak ako sa tanong . Ano nga bang meaning ng love? Hangga't wala si Charity. Wala akong alam na meaning ng love.
"Love ... is..." Bumubulong na sa likod ko si Kate. To be specific . Chenicheer niya ulit ako. Wala ng sagot na nagproprocess sa utak ko. Ano ba yan!
"Love is... Charity." Hindi na nakayanan ng katawan ko . Huli ko nalang nakita eh ang nag-aalalang mukha ni Kate. Then everything went black.
****
BINABASA MO ANG
The Female Casanova
Teen FictionN. | Who said only boys can be called as a "Casanova"? Well , guess what? Ciarra Del Rosario will break the record. Let's call her the "Female Casanova". All Rights Reserve © 2014 Romance