1

4.4K 32 2
                                    

Nagkakatuwaan ang barkada, kumpleto kami ngayon, sa wakas, matagal na kasing hindi nangyayari ito, may taon narin ang nakalipas noong huling magsama-sama ang barkada. May nagguiguitara, may kumakanta at meron ding nagkwekwentuhan. Kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa buhay buhay simula nang kami'y grumaduate. 

Napagusapan din ang mga nakaraan. Nandun kami sa terrace ni Alice, wow asenso na talaga. Lahat naman kami ay umasenso na, si Troy isa nang model/artista. Si Stephen naman malapit na magtapos ng kanyang Masteral Degree, si Meg naman pabalik balik na lang nang Amerika, at sila din ang nagkatuluyan ni Dave, may balak na nga silang magpakasal, si Thom naman isa nang Direktor , naaalala ko dati lagi niyang kinekwento sa akin na gusto niyang maging isang direktor kahit sa isang commercial man lang, pero tignan niyo naman ngayon direktor na siya ng madaming pelikula. Si Christina naman malapit na magtapos ng Medisina. Si Alice naman eto asenso na, paalis alis nalng ng bansa kasi isa na siyang Stewardess kasama niya si Sylvester, kasi si Sylvester naman ay isa nang piloto...o diba...nagpropose na nga din itong si Sylvester at magpapakasal na sila ni Alice baka after 6 months daw. Si Emily naman isa na siyang Head Nurse nang isang malaking ospital sa ibang bansa. 

Teka, si Mike, ano na bang nagyari sa buhay ni Mike? Si Mike isa nang dalubhasa sa musika o diba... sa bagay high school palang kami ibang klase na talaga yan si Mike, Astig, all around, marunong mag piano, magguitara, magdrums, kumanta..lahat kaya niyang gawin. 

At ako naman pala si Jerzy, isa narin akong successful na Doktor sa ibang bansa.

Grabe ang bilis ng panahon, dati kakagraduate lang naming ng High School, naaalala ko pa nga noon na ganito rin kami, after graduation yon...

Nang lumubog ang arawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon