"may minamahal kaba ngayon? kung meron sino naman? pwede ko bang malaman?"
"panong mahal? as in mahal? Oo ata hindi pa ako sigurado eh, kaya hindi ko pa sinasabi sa inyo kung sino...bakit mo naman naitanong?"
"ganun, sino naman?"
"eh nahihiya ako eh, secret nalang muna..tsaka na pagkami na."
"ok sabi mo eh" may shooting star na dumaan.
"nakita mo yon?" tanong ko.
"nakita ang ano? may shooting star na dumaan dapat nagwish tayo" sagot ko.
"di bale next time na lang"
"o ayan meron na naman, wish na tayo" pinikit naming ang aming mga mata at nagwish kami.
"o anong winish mo mike?"
"sana payagan mo ako manligaw?"
"ako, kanino ka ba manliligaw? Bakit sakin ka nagpapaalam?"
"kung pwede sana akong manligaw.........sayo" nanahimik ako ng sandali. Parang gusto kong magtatalon sa tuwa, pero syempre pademurepadin.
"huh?!? Sa akin? Ok lang pero bakit?!?" itinayo niya ako,
"hindi nga? Pwede talaga?"
"tse, baka naman niloloko mo lang ako?". Nagtatalon si mike. Teka parang ako yung gustong tumalon kanina sa tuwa. Bigla siyang naupo at nagdasal. Sinabayan ko na din siyang magdasal. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil sa wakas nagtanong na siya, pero humingi ako ng tulong kung ano bang dapat kong gawin. "AMEN"
"mike anong pinagdasal mo?"
"wala naman, nagpasalamat lang ako"
"ganun"
"pwede ko ba kitang mayakap?" tumungo nalng ako, niyakap niya ako, sabay binulong niya,
"jerzy, salamat, wagkang magalala hindi na kita sasaktan ulit, mahal na mahal kita"
"aba mike, pinayagan lang kita manligaw, hindi pa kita sinasagot"
"oo nga, gusto ko lang malaman mo" dumating si meg at alice ng hindi naming namamalayan, nakita nalng naming tumatakbo na yung iba. Yun pala alam na nilang lahat nag balak ni mike, sa manila palang alam na nila.
"o mike kamusta na?" tanong ni Sylvester.
"okay na, pumayag na siya!!!"isinigaw ni mike.
"congrats tol!!!"
"huwag mo siyang sasaktan ha, pagsinaktan mo ulit yan, malalagot ka samin" sabi ni Stephen.
"pinayagan ko lang naman siyang manligaw ahh, bat o.a. naman ata kayo, hindi ko pa po siya sinasagot" sabi ko sa kanila.
"ahh hindi pa ba, akala naming kayo na ulit eh. Di bale, kainin nalang natin tong pagkain nila." Sabi ni troy.
"kaya pala tanong kayo ng tanong sakin kung mahal ko pa si mike...kayo talaga...pinagkaisahan niyo ako ha..." sabi ko sa kanila.
Habang kinakain nila yung pagkain naming ni mike, nahiga kami at naghintay ng shooting stars habang nagkwekwentuhan.
"jerzy may pagasa ba si mike sayo?" tanong ni thom.
"uhmm.,..ewan tignan natin" sagot ko.
Nagkwentuhan kami buong gabi..kinabukasan, kung saan san kami nakarating, bumili ng pasalubong, pagdating ng lingo, umuwi na kami sa manila. Hinatid kami ni mike isa isa, pero yung iba sumabay na kay Stephen..ako ang huling hinatid ni mike. Pinagbukasan niya ako ng pinto, binaba niya yung gamit ko, hinatid niya ako sa gate..
"jerzy,thanks ha..good night"
"ikaw din, ingat sa pagdridrive..."
![](https://img.wattpad.com/cover/97430995-288-k240815.jpg)
BINABASA MO ANG
Nang lumubog ang araw
RomancePwede ba bang buhayin ang naudlot na pagibig? Madami ng nang nangyari, malayo na ang inyong narating, pero siya padin ang tinitibok ng iyong puso. ------------------------------------------------ This story was created when I was still in 4th year H...