***********
Matiyangang nanligaw si mike sa akin..nagising nalang ako ng isang umaga.. "grabe 9 months na palang nanliligaw sakin si mike..sagutin ko na kaya yun, oo tama sasagutin ko na siya sa sabado, gusto ko sa subic din...tama!!" tinext ko si mike..
"mike, pwede kaba sa sabado, kasi gusto kong pumunta ng beach, gusto ko sa subic, eh busy naman silang lahat, ikaw pwede kaba??kung busy ka ok lang...hahanap nalang ako ng ibang makakasama"...message sent... after five minutes tumawag na si mike.
"sure, sa Saturday? Tamang tama wala akong gagawin sa Saturday...sunduin nalang kita..."
"sure, mga 9 am? Ok lng po ba sa iyo un??"
"oo naman, basta para sayo, kahit madaling araw pa...sige po, yngatz ka lagi baby ko ha...love you...may ginagawa po kasi ako ngayon eh..."
"ay sorry po sa istorbo...anyway, thanks po...yngatz ka din poh...love you too...mwaah...."
***********
maaga akong nagising...[parang iba yung feeling ko ngayon, siguro excited lang ako]...ihinanda ko na yung mga dapat kong dalhin, naghanda nadin ako ng mga pagkain naming ni mike...aksidenteng nalaglag ko yong baso, nabasag ito...tapos biglang tumunog ang aking cellphone...si mike nagtext, ang aga naman niyang magtext 6 palang eh..."jerzy, mahal na mahal kita...hinding hindi kita lolokohin...alam ng Diyos kung gano kita kamahal...I love you Jerzy...hinding hindi magbabago yon...makakaasa ka...hinding hindi kita papabayaan, lagi akong nandito para sayo...I love you!!" hindi ko pinansin, magkikita naman kami mamaya, mamaya ko nalang sasabihin ang gusto kong sabihin... after 30 minutes, tumatawag si meg sa cell ko, [ ang aga naman nitong tumawag, nagbago siguro ang isip]
"hello meg, good morning, bakit ka napatawag?"
"jerzy, pumunta ka dito ngayon na..."
"bakit anong nangyari? Saan?"
"basta, pumunta kana ngayon...nandito kami sa st. lukes hospital...iintayin kita sa lobby...ngayon na."
[bakit kaya, anong meron] edi nagpunta ako..hindi ko na naisipan pang itext si mike, im sure nasabihan na ni meg yon..pag dating ko sa hospital.. lahat sila umiiyak...
"bakit anong nangyari?"tanong ko.
"jerzy si mike, si mike jerzy" sabi ni meg..
"Bakit anong nangayri kay mike?"[hindi ko namalayan umiiyak na ako]
"nasa emergency room siya jerzy" tumakbo ako papuntang emergency room...pag pasok ko, nakita ko si mike...duguan...iyak ako ng iyak...nagdasal ako..tapos lumabas yung doctor, hinanap ako...
"sino sa inyo si Jerzy?"sabi ng doctor.
"Ako po, bakit po? Kamusta na siya?"
"halika, gusto ka niyang makausap"...pagpasok ko... lumapit ako kaagad kay mike.. hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya..
"mike kala ko ba hindi mo ako iiwan, mahal kita mike..wag mo akong iiwan"
"jerzy...mahal na mahal kita...hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari...lagi akong nandito sa tabi mo...lagi kitang babantayan..."
[iyak ako ng iyak..hawak ko nang mahigpit ang kamay niya]
"mahal na mahal kita mike, wag mo akong iwan.."
"jerzy lagi mong tandaan, kahit anong mangyari mawala man ako, lagi lang akong nandito para sayo, tsaka hinding hindi ka naman papabayaan ng diyos at ng barkada natin...i...love...you...jerzy..."
tooooooooottt...pinuntahan agad ng doctor si mike..nagkakagulo sila.. iyak ako ng iyak...feeling ko wala akong silbe, kung hindi ko siya inaya sa subic hindi naman magkakaganito, kasalan ko ang lahat..."
"jerzy hindi mo kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo" sabi ni meg...niyakap ako ni meg.
Nilapitan ako nang doctor.. "miss jerzy..we're very sorry, wala na po si Mike, hindi po siya umabot, we're very sorry"
Iyak ako nang iyak, hindi ko alam ang gagawin ko ngayong wala na siya...lumapit sakin si meg..."jerzy, mga 5:30 nangyari ito, nagtetext kasi siya hindi niya nakita may kasalubong pala siyang truck. We're very sorry jerzy." Umuwi ako kaagad..iyak ako ng iyak...tinititigan ko ang mga litrato naming dalawa...
"mahal na mahal kita mike, hinding hindi kita makakalimutan!" hanggang sa nakatulog ako kaiiyak...
~ T H E E N D ~

BINABASA MO ANG
Nang lumubog ang araw
RomancePwede ba bang buhayin ang naudlot na pagibig? Madami ng nang nangyari, malayo na ang inyong narating, pero siya padin ang tinitibok ng iyong puso. ------------------------------------------------ This story was created when I was still in 4th year H...