Chapter VI - How To Move On

1.2K 37 1
                                    

6 MONTHS LATER - ILOILO

ALYSSA'S POV

Nandito kami sa isang resort sa Iloilo, dito kasi gaganapin ang Renewal of Vows ng mag-asawang suki namin sa stall na sina Mr. & Mrs. Garzo. Nakiusap kasi sila kung pwede kaming pumunta sa Renewal of Vows nila. Tatanggi sana kami dahil sa sobrang layo nitong Iloilo ay hindi namin kakayaning magsara ng stall for 4 days pero tinanong nila kami kung magkano ang kinikita ng stall sa isang araw at nung sabihin namin ay sinabi nilang willing nilang bayaran ang apat na araw na kita n stall at dodoblehin pa nila. Pumayag na rin kami kaya nandito kami sa Iloilo. Sila pa ang nagbayad ng two-way ticket sa plane namin. Sila rin sana ang magbabayad ng hotel accomodation namin pero tinanggihan na namin kasi nahihiya na kami.

Alyssa: Lau anong nangyari dito kay Von, ngingiti-ngiti ah.

Laura: Ewan ko ba rito, mula nung dumating tayo rito ay ganyan na yan. Bakit nga ba hon?

Von: Kasi hon, bestfriend ko ang may-ari nitong buong resort kaya kung di man tayo makakuha nang malaking discount ay baka free hotel accomodation pa tayo. 6 months din tayong pinagtaguan ng mokong na yun.

Laura: Whaaat? You mean ang may-ari nitong hotel ay si...

Von: You're right hon, Kiefer owns this resort.

Alyssa: Kiefer? Sino yun?

Laura: Kiefer Ravena, Ly. Isa sa pinaka-most after na bachelor sa bansa. Mayaman, gwapo, macho, maramng negosyo, mabait at matulungin, pero may kapintasan.

Alyssa: Ano?

Von: Playboy, pinagsasabay-sabay ang girlfriends. Pero may isa siyang girlfriend na hindi niya mabitaw-bitawan dahil bukod sa five years na sila ay lagi pa rin siyang tinatanggap sa kabila ng pagiging cheater niya. Nang mag-decide siyang magtino na at pakasalan ang girlfriend niyang ito ay tinanggihan siya nito.

Alyssa: Bakit daw?

Laura: Napagod yung girl sa kanya at nakatagpo ng bago. Isang taon na rin palang itinatago nung girl ang relasyon niya with another boy.

Von: Kaya ayon. Ang kawawa kong bestfriend, nagpakalayo-layo.

Alyssa: At dito siya pumunta?

Von: Yup dito siya sa province nila nagpunta at siya na personally ang namahala sa resort niya na dati pinapamahala niya lang sa mga pinsan niya. Matagal ko na ngang gustong puntahan dito kaya lang masyado tayong busy sa stall kaya hindi ko magawa until now. Finally makikita ko na rin ang mokong na yun. Sige guys hanapin ko lang.

Alyssa: Lau kilala ko ba ang Kiefer na yun?

Laura: Not sure eh, basta schoolmate natin siya sa Ateneo.

Alyssa: Ah baka pag nakita ko ay maalala ko.

Laura: Baka nga. Oh hon bakit ka bumalik agad?

Von: Nandiyan daw ang mga kapatid niyang sina Thirdy at Dani. Hintayin ko na lang matapos silang mag-usap.

KIEFER'S POV

For 6 months ay dito ako namalagi sa resort ko sa Iloilo. Pero nandito ang mga kapatid ko at kinukumbinsi akong umuwi.

Thirdy: Manong ano bang nangyayari sayo? Look at you? You look like a mess.

Kiefer: Eh bat pa ako magpapagwapo eh wala na si Tin? Kanino pa ako magpapagwapo?

Thirdy: Manong hindi lang si Tin ang babae sa mundo, marami pang iba d'yan. Manong hindi tayo ang umiiyak sa babae, tayo ang iniiyakan nila.

Kiefer: Kaya nga iniwan ako ni Tin eh kasi ang dami kong babaeng pinaasa't pinaiyak. Now i got a taste of my own medicine.

THEN YOU CAMEWhere stories live. Discover now