Chapter I - Kiefer Ravena

2.1K 40 1
                                    

KIEFER'S POV

Hi I'm Kiefer Isaac Crisologo Ravena, 23 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid at pangunahing tagapagmana ng RAVENA GROUP OF COMPANIES. Ang pamilya namin ay maraming negosyo, chandeliers, furnitures, insecticide & pesticide manufacturer. Nag-coconduct din kami ng home services sa pagpatay ng insekto at peste. Ang mga negosyo naming ito ay pinagsikapang itayo at pagyamanin ng aking amang si Ferdinand "Bong" Ravena II. Ang amin namang inang si Melissa "Mozzy" Crisologo-Ravena ay may sarili ring negosyo na Jewelry Stores sa mga malalaking malls sa buong bansa. With this businesses ay masasabing isa kami sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas.

Maging kaming magkakapatid ay may sarili ring negosyo. Kami ng middle child naming si Ferdinand "Thirdy" Crisologo Ravena III ay may bar na ng aming mga kaibigan at ako naman ay may sariling resort sa probinsiya namin sa Iloilo kung saan nandun din ang rest house ko. Ang resort ay pinapamamahala ko sa aking mga pinsan na nandon. Ang bunso at only girl naman naming si Princess Danielle Theris "Dani" Crisologo Ravena ay may sarili ring Fashion Boutique at mina-manage ng ilan niyang malalapit na kaibigan.

Kung nagtataka kayo kami ang nagpapatakbo ng negosyo namin ay simple lang. Kami ni Thirdy ay tinutulungan si daddy sa company namin while si Dani naman ay tumutulong kay mommy sa Jewelry Stores at ginagawa namin ang lahat ng ito habang parehong nag-aaral sina Thirdy at Dani. Fourth year college na si Thirdy at one year more ay ga-graduate na siya, si Dani naman ay first year college na while ako? Well busy naman ako sa pambababae ko. Yes you heard it right, I'm a player. Maliban sa 2 to 3 girlfriends na pinagsasabay ko may mga flings din ako and i also do one night stands. Kumbaga sa pagkain, may appetizer, may side dishes, my main course at may dessert.

Kung nagtatanong kayo kung bakit may mga sariling negosyo na kami at a very young age aside sa mga family business namin ay dahil tinuruan kami ng parents namin to be a business minded, how to be wise in investing into a business and on how to keep our income for our future. Oh di ba ang busy namin? Pero kahit sobrang busy naming lahat, we still have reserved a family day and that is Sunday. We go to the church together in the morning and after that is family bonding na the whole day. Family outing, island hopping, mountain or wall climbing, swimming, biking, running together. Kahit na anong pwedeng gawin in a day ay ginagawa naming magkakasama. We are doing this eversince we were kids that's why me and my siblings grew up close to each other and close to our parents. Aside from being close, me and my siblings are also open to also open to each other and to our parents. We share our problems to each other and no secrets. Isa nga sa mga pinoproblema ng magulang ko ay ang pagiging playboy ko at lagi nila akong pinapaalalahanan na wag paglaruan ang pag-ibig. But i couldn't help it. Marupok ako sa tawag ng tukso.

As mentioned earlier, chickboy ako. I have a girlfriend for five years now at siya ay si Anna Christine "Tin" Patrimonio. Pero even though ganon na kami katagal ay di ko pa rin mapigilang maghanap ng iba kaya aside from her ay may mga isinasabay din ako na girlfriends sa kanya. Habang kami ni Tin ay naging girlfriend ko rin si Arie Reyes. So bali dalawa na silang girlfriends na pinagsasabay ko, hindi pa d'yan kasama ang mga flings at mga one night stand ko. Pero few months later ay naging girlfriend ko rin si Ish Tiu, pinsan ng mga kapwa Atenesta kong sina Chris at Charles Tiu. So that makes them 3 girlfriends at the same time. Pero nung malaman ito ni Arie ay pinapili niya ako sa kanilang tatlo which is pinakaayaw ko sa lahat kaya instead na pumili ay nakipagbreak ako sa kanya. Ilang months ding dalawa ang girlfriends ko hanggang sa nakilala at naging girlfriend ko si Trinca Diploma. So tatlo na ulit girlfriend ko pero hindi ulit nagtagal dahil nung malaman ito ni Ish ay siya na mismo ang nakipagbreak sa akin. Few months later, na-meet at nakilala ko si Mika Reyes. Pero bago pa man naging kami ni Mika ay nakipagbreak sa'kin si Trinca dahil gusto niya raw mag-focus muna sa studies, law student kasi siya. Naging kami rin naman ni Mika eventually so dalawa na naman girlfriends ko. At first na-excite ako sa relationship namin dahil first time kong magkaroon ng girlfriend na malayong kamag-anak ng isa sa mga ex-girlfriend ko which is si Arie. First time ko ring magka-girlfriend na playgirl. So a player dates a player which means open relationship kami. Pwede kaming magkaroon ng boyfriends at girlfriends separately while we are on a relationship. Okay lang naman sa'kin dahil i didn't took Mika seriously din naman like her relative Arie and also Ish. Purely sex lang talaga ang habol ko sa kanila. Gini-girlfriend ko kasi kapag magaling sa kama at kung hindi ako makontento sa one night stand. Sa case naman ni Trinca, i took her a little bit serious because i feel something for her but not as much as what i feel for Tin. Yes i really love Tin so much to the point that i promise to myself na 'pag sawa na akong maglaro ay papakasalan ko na siya. Alam kasi niya lahat ng mga kagaguhan ko sa babae pero paulit-ulit niya pa rin akong pinatawad at tinatanggap. So sabi ko sa sarili ko na ititigil ko na ang pakikipag-fling at one night stand and aside from Mika, hindi na ako maghahanap ng iba pang girlfriend at 'pag nag-break na kami ni Mika ay magpo-propose na ako kay Tin which is sa tingin ko ay hindi na magtatagal dahil later on, nakipag-break na ako kay Mika. Nagsisimula na kasi siyang mag-demand ng time at inaaway lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin. Pinagseselosan na rin niya si Tin kasi nga raw, mahal niya na ako at gusto niyang siya na lang daw dapat mag-isa ang girlfriend ko dahil ako na rin lang daw ang nag-iisa niyang boyfriend ngayon. No way! I love Tin so much at wala akong ni katiting feelings for Mika, so detouch na agar ako sa kanya. Kahit umiiyak at nagmamakaawa si Mika na wag ko raw siyang hiwalayan ay hindi ako nagpatinag at tuluyan ko siyang nilayuan.

Mika: Balang araw Kief makakatagpo ka rin ng katapat mo. Lahat tayong mga playboy at playgirl ay may katapat at ikaw ang katapat ko. Magkakaron ka rin ng iyo, mararamdaman mo rin ang sakit na pinaramdam mo sa akin. Sakit na dinanas ng mga pinaglaruan lang natin. Tatanggapin ko 'to gaano man kasakit dahil karma ko 'to. Maka-karma ka rin. Mararanasan mo ring masaktan ng todo.

THEN YOU CAMEWhere stories live. Discover now