Chapter 21: The Coldest Heart

30 1 0
                                    


                  Chapter 21

Nasa loob ako ng aking kwarto nakahiga parang tinatamad akong bumangon kasi naman parang magkakasakit pa ako imbes malapit na akong mag-end sa mansion na ito.

Bumaba ako para humingi ng gamot kay Manang Feey pero wala sya sa kusina, naglakad ako palabas sa mansion para hanapin sya ng biglang umulan ng malakas, hindi ko alam pero nang iinis ba itong panahon sa akin mukang magkakasakit na nga ako mababasa pa ako ng ulan...

Ayon nabasa na nga ako ng ulan, tumakbo ako pabalik sa mansion ng bigla kung naramdaman na ang sakit ng ulo ko sumasabay pa ang sakit ng katawan ko... Maglalakad na sana ako ng *booogsh* nawalan na ng malay si Eyan..

Naglalakad papasok ng mansion si Jush dala ang payong at ang dog na mula sa kabilang mansion, napatingin sya sa kwarto nya dahil hindi nya na close ang window sa balcony nya kaya agad syang tumakbo ng papasok na sya nakita nya si Eyan nakahiga sa sahig na walang malay... Napahinto sya at agad ba binitawan ang payong at ang white dog..

Eyan? Gising? Eyan? Manang Feey? Eyan? Hinawakan ni Jush ang noo ni Eyan at ang init nito kaya binuhat sya ni Jush paakyat sa kwarto nito, na sya namang pababa si Syn at Xenon..

Kuya what happened to Eyan? Pag aalalang wika ni Syn..

Parang hindi nakita ni Jush sila Xenon at Syn dahil dinaanan lang niya ito..
Sumunod agad sila Syn kay Jush sa kwarto ni Eyan.

Pinahiga na ni Jush si Eyan sa kama nya at kinumutan ito. Sila Xenon at Syn nakatayo lang sa gilid ng pinto ni Eyan.

Syn? Mainit si Eyan anong dapat niyang gamot?

H-ha? Ahh.. sabay lapit ni Syn kay Eyan at hinawakan niya ang noo ni Eyan.

Ang init nya, Teka! Pupunta lang akong library titingnan ko kung anong dapat para hindi lumala sa ngayon, Xenon kumuha ka muna ng tubig at ilagay mo sa noo ni Eyan para mabawasan ang init nya.. -Pagmamadaling wika ni Syn

Okay Syn! Sabay labas ni Xenon na nagmamadali~

Habang si Jush nakatitig lang kay Eyan. At napansin yon ni Syn kaya lumabas nalang siya at dumiretso sa library.

Hinawakan ni Jush ang kamay ni Eyan at ramdam niya ang init ng kamay nito. Napatitig siya sa mukha ni Eyan. Kahit hindi sabihin ni Jush na gusto niya si Eyan ipinapakita niya ito sa ibang paraan dahil hindi niya kayang masaktan ang mga kapatid niya lalo na si Syn.

Bumalik na si Xenon dala ang maliit na basin na may lamang tubig at maliit na towel pan-noo.

Jush ito yong utos ni Syn!

My Seven Pervert Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon