Chapter 28: Love is pain

28 0 0
                                    


Chapter 28

Nasa harap ako ng pinto ng office ni Chairman Mistress Lou para ibigay sa kanya ang nais niya..

Two days before pumasok si Bella sa mansion ng mga Montilla. Nadatnan niya ang dad niyang nakaluhod sa harap ni Mistress Lou nagmamakaawang iligtas ang companya nila. Kitang kita niya ang paghihirap ng ama nya na halos mamulubi na sa pagmamakaawa kay Mistress Lou. Nakatayo si Mistress Lou sa harap ng kinaluluhuran ni Mr. Johnson habang nasa likod naman ni Daddy ang mga bodyguard ni Chairman.. Agad kong pinatayo si Daddy pero tinulak nya ako dahil pinagpatuloy nya ang pagmamakaawa habang si Chairman nakasimangot sa Daddy ko. Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na yon dahil wala akong ibang alam gawin bukod sa pagmomodel..

Mukang nandito ang nag-iisang taong mahalaga sayo? Bakit hindi natin sya gawing pain? Mr. Johnson? Sabay tingin ni Chairman sa akin ng nakakatakot na tingin..

Chairman wag nyo syang idamay ako nalang po kahit patayin mo nalang ako maisalba lang ang buhay ng mga tao namin at ang anak ko! Parang awa nyo na?? Pagmamakaawa ni Mr. Johnson

Haha~~haha~~ talaga ang buhay mo? Dahil sayo at sa kapabayaan ng buong team mo hindi natin makukuha ang Core Company kaya ibabagsak ko ang walang silbing companyang ito!! Pagalit na wika ni Chairman

Hindi ko maatim na hindi sumabat dahil ayaw ko ulit mawala ng magulang nagbuwis na nga si Mommy ng buhay nya para sa companyang ito tapos si Daddy na naman hindi ako papayag..

"Chairman Ako po! Ako po ang gagawa ng paraan para mapatawad nyo kami!!" Matapang kong wika sabay harap kay chairman Lou.

Hindi anak tumigil ka!!! Pasigaw ng daddy ko..

"Hindi dad ako naman ang gagawa ng paraan para sa atin!!"

Mukang matalino ang anak mo! At gusto nyang gumawa ng paraan? Mga tanga! Hahahah~~ sabay tawa ni Chairman

"Chairman gagawin ko po ang nais nyo basta wag nyong pabagsakin ang companya namin ito na ang naging buhay ng daddy ko at hindi ko alam kung saan kami pupulutin kung mawawala ang companya namin, kaya parang awa nyo na isalba nyo kami?? Sabay luhod ni Bella sa harap ni Chairman Lou..

Pumatak ang luha ng aking daddy ng mga oras na yon pero alam kong pinipigilan ni Daddy na gumawa ng kung ano para sa kapakanan namin at handa akong gawin lahat para mailigtas lang sya at ang ibang buhay na maapektuhan...

My Seven Pervert Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon