Chapter 11: Day off Miss off

44 1 0
                                    


                    Chapter 11

Matapos ang nangyaring yon hindi na ako pinapansin ni Master Jush  parang hindi na nya ako nakikita, kung makikita man iniiwasan. Pero anong magagawa ko maid lang ako na pera ang habol sa kanila ayon sa sinabi nya...

Alam kong may mali akong nagawa pero hindi nila sinasabi pero kahit ganon may mahabang pasensya naman kasing haba ng "The great Hall of China" siguro naman mapapatawad rin ako ni master Jush...

Oo nga pala Day off ko ngayon kaya wala akong gagawin buti pa puntahan ko si Manang Feey baka may alam syang puntahan...

Pumunta ako sa sala wala akong nakitang tao maliban lang sa hardinyero na nasa labas..

Tumungo ako sa kusina nakita ko si manang nagluluto ng tanghalian..

Manang Feey? Mahina kong sambit..

Oh? Ikaw pala yan Eyan! Bakit may kailangan ka?

Day off ko po ngayon nais ko sanang pumunta sa isang lugar na pwdeng paglabasan ng mga sama ng loob..

Bakit may problema ba?

Wala naman po Manang..

Sa Villa sa taas ng bundok Shitu may site seeing doon at yon ang sikat na tourist attraction dito sa Montilla Village.. wika nya sabay lunod sa mga sangkop~~

Salamat po Manang the best po kayo! Sige po alis na ako!

Narinig yon ni Syn na nasa  likod pinto sa kusina...

Manang Feey?? Saan pupunta si Eyan?

Sa Villa mamamasyal ata yon!

Sige po Manang salamat..

--*

Lumabas na ako sa kwarto at ready to have fun mag-isa.. Naka-white T-shirt ako na may print na "Love this Boy" at Jeans at flat shoes para comfortable naman ako.. Tsaka ang Sling Bag ko..

Pababa na ako sa hagdan, lumabas sa mansion at naglakad na patungong labasan...

Nakita nila Jush si Eyan na naglalakad palabas sa gate, nasa pool area sila nagswiswimming...

Jush saan pupunta si Eyan??

Day off nya diba kaya hayaan nyo total pera lang naman pinunta nya dito!! Sabay langoy nito Jush

Si Xenon at Ayron napayuko nalang..

.

.

.

.

Nasa labas na ako ng Village, pumara ako ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako pupunta tumango naman sabay pasok ko sa taxi at umalis na kami...

POOL AREA

Aalis muna ako may bibilhin lang..
Ani ni Syn habang kinukuha ang cellphone nya sa table...

Syn?

Bakit Xenon??

Sasama ako may bibilhin din ako may bagong open na shop kasi...Ahon ni Xenon sa pool..

---

Nakarating na si Eyan sa Villa naglakad siya sa hagdan na patungong taas kung saan makikita mo ang magagandang tanawin..

Narating na niya ito namangha siya sa makita dahil kitang kita mula sa villang ito ang mansion ng Montilla..

Grabe!! Ang laki ng mansion kitang kita dito at ang gandang tingnan pero alam nyo kahit gaano kayaman ang isang pamilya kung hindi rin naman pala ito buo wala din itong saysay, dahil hindi nabibili ng yaman ang happiness na gustong gusto ng lahat.. Mayaman nga malungkot naman kulang parin.. Gaya ng sabi ng teacher sa Grade 11 na "ang pagiging masaya ay nagbibigay ng masayang kinabukasan at kahit kailan hindi ito mawawala at katuwang ng pagkabigo ang pagiging masaya ng isang tao."

My Seven Pervert Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon