Chapter 25: Black Pearl

23 0 0
                                    

                      Chapter 25

Nakatayo ako sa harap ng mga larawan nila, alam kong isang pagkakamali ang ginawa ko pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil ganito ang tadhana ko.

Kaya dapat kong tanggapin ito patawad at niluko ko kayo dahil yon naman talaga ang layunin ko bago ako napunta dito bilang Eyan Bell.

Mga young masters ko nais kong malaman nyo na hindi ako ngsisisi na naging maid nyo ako dahil ang dami ng natutuhan ko dito sa mansion na ito, hindi lang pala pera ang mahalaga dahil ang tunay na mahalaga kung anong laman ng puso mo at yon ang dapat mong sundin bilang taong nasasaktan at higit sa lahat nagmamahal. Sambit ko habang nakatingin sa mga larawan nila, hindi rin naman magtatagal malalaman nila ang totoo.

"Oo ako nga si Shaine Bella Johnson at yon lang ang maaari kong sabihin sa inyo kung sakaling malaman nyo!"

Eyan namimiss mo ba kami agad?

May narinig akong nagwika sa likuran ko kaya agad akong humarap sa boses na narinig ko.

Eyan sana hindi kana umalis dahil mamimiss kita sobra!! Wika ni Darren

Wala na ring magtitimpla ng juice ko araw araw! -Ayron

Oo nga Eyan! Pati yong mga damit kong nasa ilalim ng kama wala ng kukuha? Tsaka ayaw kong may ibang kumuha non bukod sayo!! Pagsusumamo ni Jweol

Bakit pa kasi kailangan mong umalis diba sabi namin sayo dito kana mag-aral at kami na ang bahala sa lahat? Sige na Eyan?? Dagdag ni Keiz

Master Darren, Master Ayron, Master Jweol at Master Keiz, masaya ako dahil nakasama ko kayo pero may katapusan din ang lahat ng ito, gaya ng isang kwento kailangang tapusin upang makapagsimulan ng panibago.

Kung may magagawa lang ako para hindi ka umalis gagawin ko Eyan? Biglang sagot ni Darren..

Sana nga po!

Nakita ko si Jush, Syn at Xenon papalapit sa amin at parang may kung ano sa kanila dahil ang seryoso ng mga mukha..

Ngayon nakaupo sila lahat sa sala parang may importanteng pag-uusapan ako naman nagpupunas ng vase at ng kung ano ano marinig lang sila..

"Gusto kong malaman nyo na patatakbuhin ko ang Core Campany para tuparin ang hiling ni Dad"..-Wika ni Jush ng napaaformal

My Seven Pervert Young MastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon