Ang daming nangyari, parang tuloy feeling ko yung dalawang araw na nandito kami ay parang 2 weeks.
Ito kami ngayon, nagliligpit na ng mga gamit namin.
" Talaga bang sasabay ka samin katrina? " - sabi ko habang tinitiklop ko yung mga towel na sinampay namin kahapon.
" Oo nga! Bakit ba kanina mo pa ako tinatanong nyan? Paulit-ulit kana eh. Ayaw mo ba akong makasabay? "
Paulit-ulit ko na kasi syang tinatanong kung talaga bang sasabay pa sya samin. Kasi naman nangangamba ako sa kotse ni jellybean eh. Ayaw ko mang insultuhin yung kotse nya pero, hindi nya naman ako masisisi eh, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.
" Hindi naman sa ganun! Naninigurado lang " - ako
Naligpit na namin lahat ng gamit. Nasa kotse na ni Jellybean lahat, ready to go nalang kami.
" Hay, naku tapos narin ang so called camping nato! " - Katrina
" Tapos narin ang pakikisama ko sayo!! " - singit ni kenneth
" May sinasabi kaba? " - Katrina
" Wala! " - Kenneth
Umuusok na naman ang ilong ni katrina sa galit. Sus kahit kailan naman hindi sila nakisama sa isa't-isa eh.
" Hoy, Tama na nga yan! " - awat ni edjel. Buti laging referee si Jellybean sakanila.
" Sigurado ba kayong hindi na kayo sasabay samin? " - Jericho
Nagliligpit palang kasi sila echo, gising mayaman kasi ang mga mokong eh!
" Hindi na okay lang salamat :) " - sabi ni edjel na pumasok na ng kotse at inistart na nya.
" Bro, masaya na ako. Wag mo ng baguhin pa. " - Sabi kenneth. Sinuko lang sya ni echo ng sabihin nya yun.
Nasan kaya si cris? aalis na kami hindi ko pa sya nakikita. nakakainis naman sya. San naman kaya sya pumunta?.
" Hoy, pasok na !! ano pa bang nililingon-lingon mo dyan ha? " - Sabi ni katrina na nasa likod ko pala. Tsk papasok na kasi ako ng kotse eh.
" Kahit kailan excited ka noh. " - sabi ko na pumasok na ng kotse.
" Sino ba hinahanap mo? si cris? " - sabi naman ni katrina na nilagay na yung bag nya pagkasok ko. Sa unahan kasi sya, katabi ni edjel tss..
" Hindi noh? " - ako
" Si cris ba? ayun nasa sapa eh. Nagpapaalam pa ata." - echo
" Huwag ka ngang maniwala dyan sa katrina nayan. " - Ako
Bago pa kami umalis nagkaasaran pa. tssss...
So yun nga kami ang unang umalis, hay, parang gusto kong maulit ang nangyari nato. kasi ang araw na mga nagdaan ay naging maayos. Magiging okay pa kaya kami pagdating sa school? Tapos na ang deal namin, balik na kaya ulit kami sa dati na walang pinagkakasunduan, kahit maliit na bagay lang?.
O_O " Ano bang nangyari sayo? Tuluyan ka na bang nahulog? "
Biglang naalala ko yung sinabi ni katrina. Can this be love? Lagi ko syang iniisip, nitong mga araw. Nagiging abnormal ang puso ko pag nandyan sya. Hindi ko maintindihan! siguro itigil ko muna tong pag-iisip ko, baka nag aasume lang ako. Patagalin ko muna baka nagkakamali lang ako. Mama------
" HOY TRICIA?? GISING KA BA?? MUKHA NA KAMING TANGA DITO KAKASALITA ......... " - naputol ako sa pag-iisip ko ng sumigaw ng napakalakas si katrina. Pambihira talaga tong babaeng ito, parang nakalunok ng megaphone
" Huh? s-sorry, Ano ulit? "
" Hay naku tricia, may problema ka ba? " - edjel
" ah wala naman! " - ako

BINABASA MO ANG
Can this be Love ???
Teen FictionSa bawat pagbalik may istoryang nagaganap. sa balik ng pinas ni tricia, nya nakilala ang sisira o ang bubuo ng buhay nya ???