Nakaalis na kami
ito ang pwesto namin sa loob ng kotse
driver seat
Jericho Edjel
Katrina Kenneth
Ako Cris
Grabeng bunutan naman to. Parang puro daya eh.... parang scripted!!
Buong byahe ang ingay sa loob ng kotse. Si Edjel at Jericho nagkukwentuhan, sila katrina at kenneth naman nag-aaway!! kami dalawa ni cris ayun nagsasapakan ....
.....
Joke, hindi kami nagsasalita ang tahimik nga namin eh. nakatingin ako sa labas, sya naman nakatingin din sa labas ng bintana ng nakaheadset pa. Ano kayang pinapakinggan nya?
psss... mga ilang oras narin kaming bumibyahe! Inaantok na nga ako eh... ng biglang
*crrrriiiiiiiiiiiikkkkk*
*pssssssshhhhhhhiiiiiiiwwwww *( tunog ng malakas na pag perno yan. Pagtyagaan na hehe ^_^V)
*boooogsh*
Bumangga yung kotse namin sa malaking bato sa harap. Bigla kasing may nakasalubong si jericho na sasakyan na ang bilis ng takbo. Umiwas sya pero ito tumama naman kami sa malaking bato. Nakaramdam kami ng malakas na pwersa. mabilis akong inakbayan ni cris at tinukod ang isang kamay nya sa harap na upuan namin, Para hindi kami tumama doon. Napayakap naman ako nun kay cris. ang lakas ng kaba ko. Akala ko may mangyayari ng masama samin. Buti nalang at hindi...
" Okay lang kayo ?? " - Tanong ni Jericho
" Anong nangyari?? " - nagaalalang tanong ni cris
" siraulong sasakyan yun. ang bilis magpaandar! " - Jericho
Kitang-kitang ang
laki ng sira sa kotse ni jericho. Lumabas kami para tignan ang unahan nito.
" F*ck SH*T --- $&#*%*#%* G*gong driver yun. sira ang kotse ko. " - Sigaw ni jericho at sinipa-sipa pa yung gulong
" HAAAAAAAAA!!!!!! BANAS ...... yari ako sa parents ko nito. "- dagdag pa ni jericho.
Halos hupi kasi yung harapan ng kotse nya. ang laki ba namang bato nun eh.
" Ayos lang ba kayong lahat? " - tanong ni edjel
" ako ayos lang ako. " - sabi ni Katrina
" ayos lang ako. " - ako
nakaabay parin sakin si cris.. Gulat parin ata sya.
" T*ng*nang driver yun, ni hindi man lang bumaba. " - Cris
" Bro, pano to?? " - sabi ni echo
" Ako bahalang mag explain sa parents mo. "- cris
" Hindi man lang natin naplakahan... " - kenneth
" pasalamat sya kung ganun. kaiiinisss.. " - echo
Pano na kami nito?? Paano kami makakaalis dito??
Nandito parin kami, pinapanood ang sasakyan ni echo.
" so, ano?? ano nang gagawin natin? " -katrina
" ...... " - walang sumagot sa tanong ni katrina. Lahat kami, tulala pa sa nangyayari!! Nakaakbay parin sakin si cris, napayakap naman ako sakanya sa sobrang gulat. Ano nga bang gagawin namin??
Nandito kami sa lugar na walang katao-tao, Lugar na bibihirang daanan ng sasakyan. Wala man lang nakatayong bahay namatatanaw malapit dito. Hindi magamit ang cellphone namin. Ano bang klaseng lugar to??

BINABASA MO ANG
Can this be Love ???
Teen FictionSa bawat pagbalik may istoryang nagaganap. sa balik ng pinas ni tricia, nya nakilala ang sisira o ang bubuo ng buhay nya ???