Nagtatayo kami ng tent. Medyo may pagitan kami sa mga boys. May advantages talaga yung places pag malawak. Para talagang garden lang ang dating. Pero Haist lang makakapagsaya pa ba ako nito ng nandito ang halimaw na laging sumisira sa araw ko. Badtrip naman eh .....
" Uh Tricia? " - Tawag sakin ni Edjel
" Bakit Jellybean? " - Sagot ko
" Sorry ha! Hinayaan ko na naman na awayin ka ng Cris na yun! " - Edjel
" Sus, ayos lang yun noh! sanay naman na ako na sa tuwing nagkikita kami ng halimaw na yan ay nag-aaway kami. " - Ako
" Uh! Tricia, pwede bang kalimutan nyo muna ngayon yung alitan nyong dalawa?? " - Edjel
" ...... ?? " - Huh? anung sinasabi ni Edjel? Kalimutan?
" Suggest ko lang naman. Kasi diba gusto mong magsaya? paano tayo magsasaya kung everytime kayo mag-aaway! " - Edjel
Napaisip ako. Oo nga naman gusto kong mag-saya pero paano yun mangyayari kung lagi kaming mag-aaway ni Cris. Baka madamay lang din sila, Baka hindi pa magawa ni Jellybean ng maayos yung project nya.
Teka nga, makikipag-ayos ba ako? No way, ako unang makikipag-ayos? Bakit wala naman akong ginagawa ha! sya nga yung laging nag-uumpisa ng away namin eh.
" Kung nahihirapan kang makipagayos, edi mag deal kayo na kahit ngayon lang mag kasundo kayo. Huwag lang masira ang camping nato at ang project namin. " - Edjel
Mind reader? nabasa nya lahat ng nasa isip ko eh! Anu bayan, nakakainis naman kasi tong Cris nato eh!.
"Girls! Kilala nyo ba sila? " - singit ni katrina sa usapan namin
" uh. Oo katrina. Sorry ha hindi man lang kita napakilala ng maayos. Yung pinalo mo ng bato kanina sa ulo yun si Kenneth. Tapos yung nakasigawan ni Tricia si Cris naman. --- " - Pinutol ko yung sasabihin ni Edjel at ito ang dinagdag ko.
" at yung katitigan nitong si Jellybean, si Jericho yun " - Singit ko :)
" uh! mga boyfriend nyo ba sila??? " - kagimbal-gimbal na tanong ni Katrina
" HA!! Hindi Noh!! " - Sabay na sabi namin ni Jellybean.
" Okay.Okay relax lang! para kasi kayong nasa LQ stage eh! " - Katrina
" Tumigil ka nga dyan at tulungan mo nalang kami dito ng matapos na tayo! Puro ka pahinga eh! " - Ako
" Ito naman biglang uminit ulo. " - Katrina
Tinapos na namin ang pag seset ng base camp. May dalawang large Tent kami yung kasya kami tatlo, isa sa mga boys at isa naman samin. Saktong 5pm natapos kaming mag-ayos. Si jellybean naglakbay, magpapahangin lang DAW? sus if I Know , makikipag-usap lang yun kay echo eh. Wala kaya si echo sa pwesto nila.
" Hoy, tricia! mga classmate bayan ni Edjel? " - Katrina
kawawa naman si katrina gulong-gulong nasa sa mga nangyayari.
" Oo, mga classmate nya yan! " - ako
" Eh! ikaw paano mo sila nakilala? " - katrina
" Ah .......... wala nakilala ko lang sila! " - ako
" Eh! bakit parang LQ kayong lahat? " - katrina
" ah! kasi .... ammm ..... hay teka nga ang dami mo namang tanong! Basta mahabang kwento. " - ako
" Ang daya mo naman! Edi ikwento mo sakin ngayon, makikinig naman ako ha. " - Katrina
" next time nalang " - Pagkasabi ko nun tumayo na ako at pumunta sa pwesto nila cris. Tumingin lang sila ni kenneth sakin ng makita nila ko dun sa pwesto nila.

BINABASA MO ANG
Can this be Love ???
Novela JuvenilSa bawat pagbalik may istoryang nagaganap. sa balik ng pinas ni tricia, nya nakilala ang sisira o ang bubuo ng buhay nya ???