Chapter 5

36 0 0
                                    

Chapter 5

Liezel's POV

"Mine!" sigaw ko sabay spike nung bola. 

*Prrrrt* (tunog ng whistle ni sir bogs)

Boooom! Yes hindi nila natamaan. Hahaha. Galing talaga namin. Ang score ng dalawang team ay 24-24. Yeah it's a tie kaya kailangan naming manalo. Di kami papaurong mga girls noh.

Samin ang bola, si teph ang server. Drinibble niya muna yung bola tsaka isinerve. Nasalo ni Andrew yung bola, itinoss ni Boy 1 at inispike naman ni Boy 2. Nasalo naman ni nics ang bola, tinoss ni teph at ako sana ang magspa-spike. Kaya nga lang, masyadong malakas yung pagka-toss ni teph kaya hinabol ko yung bola, di ako papayag na matalo kami. 

Ayan na maabot ko na, kaya nga lang na-out of balance ako kaya matatamaan ako nung post ng net. Pinikit ko na lang ang mata ko at hinintay na matamaan. Pero wala akong naramadan. Unti-unti kong binuksan ang aking mata.

(O____-)   (-_____O) (O______O)!!!!!!!

Oh my gaad ang natamaan ay si Andrew. Pero pano siya napunta dito. Eh samantalang, andun siya sa kabilang court. Niligtas niya ako. Tinignan ko si Andrew, halata sa mukha niya na nasaktan siya. 

"Ui. Andrew, ok ka lang" tanong ko sa kanya.

"I'm Okay." sagot niya. Weh di nga. Di ba siya nasaktan, eh halata namang natamaan yung likod niya. Tinignan ko yung likod niya. At nagalusan siya, may pasa pa.

Kasalanan ko to eh. Kung hindi lang ako kadesperada manalo, hindi mangyayari to. Ughhh. I feel bad. >___<

"Uhmm, ano.. Andrew. Tara samahan kita sa clinic, para magamot yang galos mo sa likod" alok ko sa kanya. 

"Hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko, uuwi na lang ako" aakmang aalis na siya pero pinigilan ko.

"Hindi, kailangan mo munang magamot bago ka umuwi. Total ako naman ang may kasalanan kaya halika na samahan na kita sa clinic." Hahawakan ko sana yung braso niya, pero iniwas niya ito.

"Di ba sabi ko, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng tulong mo. UUWI NA AKO." sabi niya sabay alis. Okay ang weird niya. Suuuuper! Inaalok ko lang naman siya na pumunta sa clinic para magpagamot. Ke-tigas ng ulo eh. Hmp. Bahala siya sa sarili niya.

"Edi kaya mo ang sarili mo, the heck I care." i murmured to myself. 

"Huy!"

"AY Tokneneng" sigaw ko. Waah nagulat ako dun ah. Nawala ako sa reality. Haha

"Tokneneng? Asan? Tara bili tayo" sabi niya. pagkain na naman? Mabatukan nga.

"Hmp" 

"ARAY naman Zel! Inaano ba kita ha?" sigaw niya habang hinahawakan yung batok niya.

"Eh, pagkain naman nasa isip mo eh. -________-" 

"Bakit ba?! pagkain naman yung tokneneng di ba? atsaka bakit nagsasalita kang mag-isa?  Nagpapractice ka ba ng sorry mo kay Andrew? Aguuuuy!" sabi ni teph. EW! Ako hihingi ng sorry sa cold na kapreng yun? No Way! -_____-"

"Hindi noh! Bat ako magso-sorry dun, kasalanan ko bang natamaan siya? Tinawag ko ba siya?  Hindi di ba? Inalok ko pa nga siya na samahan ko na lang siya sa clinic, siya pa ang may ayaw. kaya bat ako magso-sorry teph?" 

"Hm. I don't know. Basta mag-sorry at mag-thank you ka sa kanya sa pagligtas niya sayo." sabi ni teph. Wew, si teph ba ito. Nagbibigay na si teph ng words of wisdom? Hahaha! Well, tama rin naman siya, kailangan kong mag-sorry at mag-thank you kay Andrew. Bukas na lang pero. ^_____^V

"Zel, tara uwi na tayo, gutom na ako eh" sabi ni teph w/ matching hawak pa sa tiyan.

"Gutom ka na naman? O siya sige. Uwi na tayo. Pero teka, di ba bibili pa tayo ng gitara  mo?" tanong ko sa kanya.

"Bukas na lang. Hindi na kaya ng tiyan ko eh."

"K." sabi ko. At nagpasundo na kami kay manong.

Bukas mag-sosorry at magte-thank you ako sa kanya. Bukas. -_____-"

Hay. Kinakabahan ako bukas. 

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon