Liezel’s POV
“Zel you’re home! ^____^” teph na akmang yayakapin ako. Kakadating ko lang kasi. Obvious naman di ba
“Wag kang lalapit -___-“ pinigilan ko na siya.
“Grabe zel ha. Halika ka na kain na tayo ^___^” pansin ko lang no, kanina pa yan nakangiti. Ano bang nangyari sa mall show nung wala ako.
“Huy, bat ganyan kalapad ngiti mo?”
“B-bakit m-masama na bang ngumiti ngayon?”
“Hindi. Pero bat ka nauutal. May nakasama kang lalaki no?”
“A-ano ka ba z-zel. K-kung ano-ano pinagsasabi mo. Haha. T-tara kain tayo”
“Hindi ka nagsisinungaling?”
“Waaah! Zel forgive me for I have sinned.”
“Tumigil ka nga, niloloko lang kita. Hahaha.”
“You’re so monster talaga zel :3”
Monster. Aish naaalala ko na naman yung monster na yun. Kaasar! Grrr. I hate him. Tinawag niya akong pervert. Sa ganda kong to, pervert ako? Manigas siya. Papalapa ko siya sa leon at tatapon sa out of nowhere.
“Zel, kaninong leather jacket yan?” natigil ako sa pagpa-plot ng mga gagawin kong pagpatay kay Andrew sa tinanong ni teph. Putek naman oh, nakalimutan kong ilagay sa bag yung jacket. Tss.
“Ah eto? Wala lang yan. Akyat muna ako sa kwarto ha, bihis lang ako.” Aakyat na sana ako ng..
“Aha, may kasama kang lalaki kaya ka nawala noh? Haha.”
“W-wala noh. Iniwan kita kasi ayaw kong makipagsiksikan sa mga mabahong babae kanina. At nagutom ako.”
“Aysus defensive si ate. Ahahaha.”
“Che! Tumigil ka nga!” at tumakbo ako pataas sa kwarto ko.
“AHAHAHAHA!” rinig ko pa yung tawa niya kaasar talaga yung babaeng yun. Gumaganti eh. Tss.
Nagdimpo na ako at nagbihis. Nilagay ko yung jacket ni monster sa paper bag para ibigay ko bukas.
“Zel! Baba ka na. Kain na tayo!” sigaw ni teph sa baba
“Okay!” papalabas na ako ng nakita ko yung DSLR na naka-on. Si teph talaga nanghiram na nga lang, hindi pa ibalik ng maayos. =___= Kinuha ko yung DSLR at akmang papatayin pero may nakita akong picure ni .
.
.
.
DASH?!
“Zel bat ang tagal mong buma---ba.” Teph
“Sino to?” ako na pinapakita yung picture
“Ah-eh a-ano”
“So totoo ngang may kasama kang lalaki. >:)) Kaya pala nagsabi ka kanina ng ‘Oh zel forgive me for I have sinned’ Hahahaha”
“A-actually s-sabihin ko naman talaga sayo eh. Hehe”
“Kaw ah, lumalandi na si ate! Hahaha!”
“Kaya ayaw kong sabihin sayo kakantsawan mo lang ako eh. T__T”
“Hahahaha. So ano nga nangyari? Kwento ka bilis!” oo ako na excited. First time ko kasing nakita si teph na may kasamang ibang lalaki bukod sa daddy niya. Hahaha.
“Ganito kasi yun…” Kinwento niya nga. Ah nung iniwan ko siya napahiya siya pero worth naman daw na napahiya siya kasi nakasama niya sin ash sa stage tapos pagkatapos nun. Teka, bakit ko pa kinikwento eh nabasa niyo naman na sa last chapter. Kung di niyo binasa, basahin niyo. Kung ayaw niyo, bahala kayo sa buhay niyo. Tsss. -___-
