Chapter 1

143 1 0
                                    

Just a Dream

CHAPTER 1.1

(Liezel’s POV)

“Liezel, mahal na mahal kita.” sabi niya habang nasa ulan.

“Ako rin mahal na mahal kita.” sabi ko

At unti-unting naglalapit ang aming mga labi at,

“Zel, Zel Zel!” sigaw ni Teph.

“Ahhh! Konting konti na lang Teph eh. Konting konti na lang. Bakit mo ba ako ginsing ha? T__T” sabi ko na para bang natalo sa pustahan.

“Kasi naman po, unang araw po ng pasukan at male-late na tayo. At anong konting-konti na lang ha?” sabi niya

“Ay basta. Lumabas ka na lang kwarto at mag-aayos na ako. Ok?”

“Ano ba yan para namang hindi tayo magbestfriend ah. O sige, sige lalabas na ako. Basta kuwento mo mamamaya ah.”

“OO. Kaya lumabas ka na para hindi po tayo malate.”

“Ok.”

At lumabas na si Teph sa kwarto. Pagkalabas niya, naligo, nagbihis at nag-ayos na ako. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Teph na sandamakmak ang pagkain sa plato. Hindi ko nga alam sa babaeng ito kung bakit hindi tumataba eh.

“Good Morning Zel! Halika na at kain ka na.” sabi ni Teph na may pagkain pa sa bibig. Hays. Wala talaga tong manners.

“Good Morning din Teph.” Umupo na ako sa upuan at kumain na din. Tapos na akong kumain pero si Teph hindi pa. Hay naku, andami-dami kasing kinukuhang pagkain. So, habang di pa tapos kumain si Teph ay ipapakilala ko muna ang sarili ko at bestfriend ko.

Ako nga pala si Liezel Tamayo. 15years of age. Sabi nila maganda at mabait ako pero sa tingin ko hindi naman masyado. Kami ang may-ari ng East Horizon group of companies. Kung saan kami ang nagpoproduce  ng ilang mga advanced weapons and technologies na ginagamit ng mga reinforcements sa Pilipinas pati na rin sa ibang lugar sa mundo. Nagaaral kami ni Teph sa Daniel University.

Ipapakilala ko naman si  Estephanie “Teph” Smith ang aking payat, mabait at mapagmahal na bestfriend sa balat ng lupa. Sila naman ang may-ari ng Southeast asian group of companies. Sila ang nagmamamay-ari ng ilang mga eroplano na ginagamit sa NAIA. Sila rin ang nagmamay-ari ng ilang airports sa ibang bansa.

Siguro, tinatanong niyo kung bakit kaming dalawa lang ni Teph ang andito. Pero actually,apat kami kasama si manang at si manong drayber. Pinagsama kaming dalawa sa iisang bahay, dahil magkaibigan at magbusiness partners ang parents namin. At tyaka, they’re on a business trip, kaya kami lang ang andito.

“Uy zel! Tapos na akong kumain. Tara alis na tayo.” Sabi ni Teph na kakatapos lang kumain. Hay salamat at natapos din ang babaeng ito.

Kaya sumakay na kami sa kotse para pumasok. Habang nasa sasakyan kami kinukulit ako ni Teph tungkol doon sa panaginip ko.

“Uy zel. Kwento mo naman yung napaginipan mo. Sabi mo ikekwento mo sa akin. >3<” Sabi ni Teph at nag-pout pa ha..

“Oo na. Ang napaginipan ko kasi, ay tungkol doon sa lalaking nagsabi na mahal niya ako habang umuulan at sinabi ko rin na mahal ko siya.”

“O tapos?”

“Tapos unti-unting nag-lalapit ang mga labi namin at,”

“At?”

“Wala na.”

“HA! Bakit wala na. Hindi man lang ba dumampi yung labi niya sayo?”

“Oo. Eh kasi naman, ginising mo ako kaya ayun naudlot yung kiss namin.”

Just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon