I have sea foam in my veins, for I understand the language of waves.
Alam na alam ng dagat ang nararamdaman ko, ito ang isa sa mga dahilan na pumipigil sa akin.
Tinutulak ako nito papalapit sa dalampasigan. Ano namang gagawin ko doon? Dito ang bahay ko.
I was born and raised right here in the ocean.
Itinaas ko ang aking ulo upang makita ang kaliwanagan at kagandahan ng mga ulap.
Bakit parang gumagalaw sila? Parang mga alon, na kahit anong gawin mo. Matatanaw kaparin ng mga ito, katulad ng pagtanaw ng alon sa aking katawan, ay ang pagtanaw ng mga ulap sa aking mga mata.
"Tara Mom! snorkling tayo doon,oh?" sambit ng isang batang babae sa kanyang ina.
"Wait! Sempre sama kami diyan" sabay sabay namang sigaw ng ama nito, at dalawang nakakatandang kapatid ng bata.Napaiwas ako ng tingin. Ano ba ang aking pipiliin? Iiwanan ko ang aking buhay at pupuntahan ang mga bumuhay sa akin? o Pupuntahan ang mga bumuhay sa akin at ako'y magiging isang buhay na patay?
Sigh.
Tumingin muli ako sa mga taong naguusap, nagkukulitan at nagtatawanan sa Dalampasigan.
Yung iba ang sabik na makatalon sa dagat, yung iba ay kumikinang ang mga mata sa asul na dagat.Parang wala man kaming pagkakaiba ng mga tao. Pareho lang naman kaming may damdamin, nagmamahal at hinahanap ang kaligayahan.
Kung ang mga tao ay sabik sa dagat, ang iba sa aking mga kalahi ay sabik naman sa lupa; Ako lamang ata ang hindi.
Napatingin ako sa gulat ng makita ko ang isang maliit na yate mabilis na umaandar papunta dito.
Mabilis akong lumangoy paalis sa aking kinalalagyan at nagtago sa may malaking bato.
Pinagmasdan ko ang yate ng tumigil ito. May mga tao na nandito na nagtatawanan." So much fun! " Sigaw ng isang babaeng maliit ang buhok.
Nagtawanan naman ang mga kasama nito habang may isang lalaki na seryosong nakatingin sa dagat.Mukhang ang lalim naman ng iniisip niya, kasing lalim ng asul na dagat.
But I hope that it's not as deep as the Mariana trench. 'Cause I swear it'll be hard for him to strive for breath.
"Sue, may naghahanap sayo"
Nabigla ako sa pagiging kabute ni Vina, kahit saan sumusulpot.
Tinignan ko ito at sumunod narin sa kanya.
Habang lumalangoy kami, nakikisabay sa amin ang mga mumunting isda.
"Sue, bakit ayaw mo ba kasi? Andaming gustong pumunta pero hindi maaari, pero ikaw kaya mo pero ayaw mo."
Biglang tanong ni Vina habang patuloy parin sa pag langoy.
"Bakit Vina? bakit hindi sila maaaring pumunta? Ganon din ang aking dahilan. Dahil ayaw mapalayo sa buhay"
Natahimik ito sa aking sinabi.
Ilang langoy at kembot pa ay nakarating nakami.
Pagkarating namin. Bumungad sa amin sina Mama, papa at shannon. Na nakangiting nakatingin pagdating namin. At mga iilang kalahi namin na nagkukwentuhan at nagtatawanan.
"Sue, anak namiss ka namen"
Tsaka sila sabay sabay na hinagkan ako."Sue, sumama ka na samen anak"
pag-yayaya ni papa."Oo nga ate sue, sayang naman yung mga damit na binibili nina mama tuwing binibili din kami"
Sabat naman ni Shannon, ang nakababata kong kapatid."Oh, asan pala si Seph?"
Pagiiba ko sa topic."Naiwan sa bahay, kasama mga kalaro niya. Namiss ka na ni bunso Sue." sagot ni mama.
Iniwas ko ang aking tingin, at hinanap si Vina. Pero wala na ito, katulad ng mga nadatnan namin na nagkukwentuhan ay wala na.
Hinarap ko silang muli.
"Ma,pa. Dito ang buhay ko. Dito ako komportableng matulog at gumising""Sue, kailangan mong lumabas sa comfort zone mo, for you to grow. Hindi lang tuldok ang mundo anak. Hindi lang dito ang mundo mo, napakalawak ng dagat. Napakalawak ng mundo."
saad ni mama habang diretsong nakatingin sa akin."Kung ayaw mo sue, hindi ka namin mapipilit, Paano namin mapipilit ang taong ayaw naman? "
"Pa, hindi naman sa ayaw ko." sagot ko.
Bago sila umalis ay pumunta muna kami sa mga kamag anak namin, at mga malalapit na kaibigan.
At may iniwan silang isang may kalakihan na nakasaradong lalagyanan sa akin.
"Kung sa kaling magbago ang pasya mo"
Ang huling katagang sinabi sa akin ni mama.
-
Pagkamulat ko ay nakita ko agad ang liwanag. Nakakatawa na kahit napakalayo dito ng araw ay nasisinagan parin kami nito upang gisingin kami para mabuhay. Para ipaalala sa amin na may pag-asa, may liwanag at para makita ang napakagandang dagat.
Alam niyo ba yung kwento ng Araw at buwan?
Sa sobrang mahal nila ang isa't isa. Handa silang mamatay para mabuhay ang isa. Namamatay ang buwan para mabuhay ang araw, araw-araw. At namamatay ang araw para mabuhay ang buwan, gabi-gabi.
Ewan ko,
Pero kakaiba ang gising ko ngayong araw.Parang natulog lang ako, binago nito ang aking pagiisip at desisyon.
Tama naman si mama, malawak ang mundo. Dito nalang ba ako sa dagat? Pinipilit ko na dito ang buhay ko. Pero ang katotohanan ay sa bawat umagang pag gising ko ay tinatamad akong tumayo. Dahil bakit naman ako tatayo? Para saan? Yung ganoong bagay.Kinuha ko ang isang lalagyanan na bigay ni mama, at iba kong mga mahahalagang kagamitan.
Tama sila, kailangan kong lumabas sa aking comfort zone. 'Cause no one grows in a comfort zone.
Lumangoy akong may ngiti sa aking labi at kasabikan sa aking puso.
Habang lumalangoy ako papalayo sa aking tahanan ng 17 years, napaluha nalamang ako dahil alam kong sa wakas ay may masusulat na ako sa aking libro na hindi lamang ito isang one-act play na nasa iisa lamang ang tagpuan. Malilipat ko na ang pahina ng aking libro na hindi nalipat ng 17 years.
Pumunta ako sa tahanan nina Vina upang sabihin sakanya ang plano ko.
"Sue, tama ang iyong desisyon. "
sabi ni Vina, at hinagkan ako."Salamat Vina" gumanti rin ko ng yakap sakanya.
"Mag-iingat ka doon"
pagpapaalala nito sa akin.
Sa lahat lahat, si Vina ang naging karamay ko, karamay ko noong umalis ang pamilya ko. Tinuring niya akong higit pa sa isang kaibigan."Vina, ayaw mobang sumama sa akin sa Lupa?"
Alam kong gusto ni Vina ang makapunta sa lupa. Bata palang kami ay pinapangarap na niya ito. Sa tuwing dadalhin kami ng agos ng tubig sa dalampasigan, sa tuwing may dadaan na mga bangka at barko. Kitang kita ko ang pag kislap sa kanyang mga mata."Alam mo namang gusto ko Sue, pero hindi maaari. Kaya ikaw, hindi mo alam kung gaano ka kaswerte at maaari kang makapunta sa lupa"
Ang huling mga katagang sinabi sa akin ni Vina bago ako nagpaalam sa kanya."Maswerte ba talaga ako? Wala naman mapapala sa lupa eh, Siguro dahil mas malaki ang populasyon nila kesa dito sa amin, yun lang wala na. Sigurado akong wala naman akong makikitang espesyal sa bilyon bilyong tao sa lupa"
BINABASA MO ANG
La Sirène
FantasyA mermaid has not an immortal soul, nor can she obtain one unless she wins the love of a human being. On the power of another hangs her eternal destiny. - Hans Christian Andersen