3

2 0 0
                                    

Finally, I'm home.

Nandito ako sa harap ng isang bahay na kanina kopa linalakad ang direksyon papunta dito.

Ito'y nasa tabi ng dagat at palubog narin ang araw.

Napaka simple lamang nito, pero may kalakihan.
Ito'y gawa sa kahoy at nakapintura ng mga light colors, napaka ganda nito sa mata.

At marami itong ibat ibang bulaklak sa may garden nito sa tabing bahay. 

Lumapit ako sa nakasaradong gate nito, na may maliit na salilungan na kakulay ng bahay at may mga bulaklak na nakapalibot dito. At tinignan ang loob.

Mukhang walang tao dito.

Napagpasiyahan kong umupo muna sa may bato sa tabi ng dagat.

Inaasahan kaya nila ang pag dating ko?

Masisiyahan ba sila kapag nakita nila ako?

Ito yung mga salitang umiikot sa aking isipan.

Hindi ito Anxiety.

Minsan kase nasisira yung mood naten, nasasaktan tayo't nalulungkot dahil diyan.

We should stop thinking ahead from the real situation.

Take a deep breath.

It's better to be surprised than disappointed.

Nakatingin lamang ako sa palubog na araw ng may naramdaman akong ingay na nanggagaling sa isang sasakyan.

Napatayo ako dahil dito. 

Sa pag tigil ng kotse ay ang pagbaba nina Mama, Shannon at Seph na ngayon ay tumatakbo na papalapit sa akin.

"Ate Sue!!" sigaw nina Shannon at Seph.

Sinunggaban ko sila ng yakap.

"Sabi ko na nga ba,pupunta karin dito." sabi ni mama.

Kumalas ako sa pagkakayakap kina Shannon at Seph, at yinakap si mama.

"Pasensya na ma, hindi ako kaagad naliwanagan."
Nabulag ako ng aking sariling buhangin.

" At least ngayon nandito kana. Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo anak. "

Naglakad kami ng magkakahawak ang kamay papunta kay Papa na nasa tabi na ng gate ng bahay ngayon.

"Welcome home anak!" sigaw niya sabay yakap sa akin.

"Group hug!!" sigaw naman ni Shannon, at yumakap din sila.

Linibot ako nina mama sa bahay, sa gilid ng bahay ay ang garden, at sa likod naman ay merong isang swimming pool, ito yung kinukwento ni Shannon na kapag pumunta ako dito kahit hindi na ako lumabas dahil merong dagat dito, dahil ang tubig na nandito daw ay galing sa dagat.

Eh, ang lapit lang ng dagat sa bahay, nasa harap lamang ito.

At dito daw walang makakakitang tao dahil nasa looban at likod ng bahay.

Baka sumilip yung mga kapit bahay? Meron pa kasing mga ibang bahay na katabi ng bahay, yung katabi namin ay isang makabagong bahay. Na nakikita ko ngayon ang likod mula dito.

Lumapit ako at tumikad para makita yung nasa kabila.

Mukhang walang tao dito.

"Ate Sue, tara libot kana namin sa loob!!"  pagyayaya ni shannon.

Kanina kase ayaw muna nila akong papasuken, may suprise daw kasi sila.

Sumunod na ako dito at pag bukas ko ng pinto-

La SirèneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon