Sometimes you meet a person and you just click, you're comfortable with them , and you don't have to pretend to be anyone or anything.
New Friends, New Life. Eh?
Nakatingin lamang ako kina Nica at Sam na nagkukwento with matching sound effects daw ang tawag doon.
Sila ay mga dumalo dito sa pagdating ko, nagyaya kasi sila mama ng mga kakilala nila at mga kapit bahay namin dito.
Si Nica ay tabi lang ng bahay namin sa bandang Left. Si Sam naman ay katabi ng bahay na katabi namin sa Right.
Pumunta rin yung family nila pero umuwi na sila dahil,Seriously, Alas dose na ata ng gabi. Ayaw paawat ng dalawa habang ako kain lang ng kain dito. Naubos na namin ang handa sa kakakain.
"--Tapos sabi ko hindi pa ko ready ulit mainlove, sabi niya hihintayin niya daw ako. Diba, ang sweet? " pagkukwento ni Nica sa lovelife niya, sabay kilig kilig effect.
Natawa naman kami ni Sam,
Ano kayang feeling ng sinasabi nila? Yung magka lovelife?
napasimanot nalamang ako kase seriously hindi ko alam."Hala si Nics, naiingit mo ata Sue" sabay tawanan ng dalawa.
Napatingin naman ako sakanila ng nakasimangot.
"Hindi ah, iniisip ko lang naman kung ano kaya ang pakiramdam ng may lovelife" sagot ko sa kanila.
"Alam mo Sue, sa ganda mong iyan siguradong maraming taong magkakagusto sayo.Bakit ba kase tinago mo sa Dagat ang magada mong mukha!" grabi si Sam, maganda daw ako. Eh hindi naman, Teka? Nakita ko na ba ang itsura ko? Hindi pa pala!
Wala kasing salamin sa Dagat, at hindi ko naman alam na merong ganito, kanina ko lang nalaman ng tinuro nina mama ang mga gamit dito at sinabi kung para saan at saan gagamitin.
Tumakbo ako sa nakasabit na salamin sa dingding at pinagmasdan ang aking repleksion.
Katamtamang laking mukha at hindi kapayatang katawang maputi. Dahil siguro hindi kame masyadong nasisinagan ng araw. Nung ngang tumapak ako dito sa lupa at may araw nangintab sa puti ang aking balat. Hindi kalakihang mata na kakulay ng asul na dagat, mahahabang pilikmata at may kakapalang kilay na parang inayos ito.Matangos na may kaliitang ilong, maninipis at mapupulang labi. At ang mahaba kong buhok na kulay Light Brown.
Tumakbo na ako pabalik sa living room kung nasaan ang dalawa.
"Tinignan mo pa talaga ang itsura mo, huwag mong sabihing walang salamin sa dagat?" tanong ni Nica.
Napailing ako na sinasabing wala nga. Napatawa naman ang dalawa.
"Buti at pumunta ka dito, baka mamatay kang hindi mo nakikita ang maganda mong mukha" sabi ni Sam at nagtawanan na sila.
"Kaya hindi ko pinagsisisihan na pumunta ako dito. Marami pa pala akong hindi alam sa mundo na dito kolang malalaman. Atsaka kung hindi ako pumunta dito wala ako ngayong Nica at Sam!" masayang sabi ko sa kanila.
Masaya ako dahil nakilala ko sila, na kahit alam nilang isa akong nilalang na pinanganak at galing sa dagat kung ituring nila ako parang kauri nila ako. At least alam ko na hindi magiging 'boring' ang teenage life ko dahil may mga kaedad na akong makakasama.
Naalala ko tuloy si Vina, ayos lamang kaya siya doon? Knowing Vina my best friend, siguradong miss na ko non, miss korin naman siya eh.
Kahit na magkaroon pa ako ng mga bagong kaibigan hindi ko siya makakalimutan, dahil hindi ako ganoong nilalang.
There is only one thing better than making new friends, and that is keeping the old ones.
-
Tinutulungan namin ngayon ni mama si shannon na magligpit at maglinis ng bahay.
Kakaalis lamang nila Nica at Sam.Ayaw pang umuwi malapit lamang daw ng bahay nila dito, sabi ko naman 'may bukas pa'.
"Buti naman at may kaibigan kana dito Sue, i'm so happy for you anak.But don't forget, yung mga kaibigan mo dati." sabi ni mama sa akin habang nagwawalis ito at hawak ko naman ang pandakot.
"Oo naman ma, hindi niyo ko pinalaking ganoon. Dahil nakikita ko sainyo na kahit may mga bago na kayong kakilala dito, parang yung dati lang na doon pa kayo nakatira kung ituring niyo ang mga nasa dagat"
totoo ang sabi nila na ang mga magulang ang pinakamagaling na guro."Sakto ate sue, may makakasama kana sa pagpasok sa school, nakahiwalay kase ang mga Highscoolers sa mga college." sabat naman ni Shannon na nakaupo na ngayon sa sofa na mukhang pagod.
Teka, papasok ako sa school?
tinignan ko si mama at nagtanong."Ma, papasok ako sa school?"
"Ayaw mo ba anak?" tanong nito.
"Sempre gusto ma, kaso parang natatakot ako" natatakot ako na baka hindi ako makasunod sa kanila dahil hindi naman ako nabuhay dito ng matagal.
"Wag kang matakot, nariyan naman sina Nica at Sam. Tutulungan kanila. " sabi ni mama at hinulog ang kalat sa pandakot na hawak ko.
"Paano iyon wala akong alam ma? Hindi ako makakasunod sa kanila." naglakad ako hawak ang pandakot at tinapon ang laman nito sa trash can.
"Walang problema iyon ate, may 1 linggo at ilang araw pa naman bago ang pasukan, kaya tuturuan kita-kami nina mama at papa." Pagsabat naman ni Shannon na muntik ng nagpaiyak sa akin sa tuwa.
"Maraming Salamat Shannon at ma, sa inyong lahat nina papa at seph. Dahil nandito kayo para sa akin, hindi niyo ako kinalimutan"
Yinakap ko silang dalawa, si papa at seph ay tulog na, may pasok pa kase ng maaga si papa bukas sa hospital, kung saan ang gamutan ng mga tao.Pagkatapos naming naglinis at nagligpit ay nagsipunta na kame sa sari sarili naming kwarto.
Humiga ako sa malambot kong kama at tumingin sa kisame.
Nakakapagod ngayong araw pero sulit naman ang pagod, masaya.
Tumayo ako at umupo sa may veranda, napayakap ako sa sarili ko dahil nakabukas ito at nakakapasok ang malamig na hangin.
Napatingin ako sa mga nagiilaw na mga lugar, at mga bagay. Buti nalamang mataas ang bahay namin at nasa dulo ang kwarto ko kaya kita ko ito. Mukhang ito ang tinatawag nilang City. Napakaganda, mukhang abala ang mga tao doon kahit gabi na.
Nakakatuwa lang dahil ang bahay namin ay malapit sa mga magagandang lugar, ang dagat na nasa harap namin at ang City na nasa likod namin.
Sigurado akong maeenjoy ko ng lubos ang pagtira ko dito.
Excited na ako para bukas.
Sinara ko ang glass window sa Veranda at humiga na sa kama upang matulog.
Ang huling mga katagang nasabi ko bago pumikit ang talukap ng aking mga mata;
"New day, New Life "
BINABASA MO ANG
La Sirène
FantasyA mermaid has not an immortal soul, nor can she obtain one unless she wins the love of a human being. On the power of another hangs her eternal destiny. - Hans Christian Andersen