2

2 0 0
                                    

There are a million fish in the sea.

But me, I'm a Mermaid.

Hindi ko man maramdaman na ako'y nagiisa ngayon sa aking pag langoy. Pinalilibutan ako ng mga milyon milyong mga iba't ibang uri ng isda. Iba't ibang kulay at disenyo.

But, theirs are nothing; compare to my tail.

And as I swim, tinatangay ng mga alon ang aking mahabang buhok.

Katulad nalamang ng pag tangay ng hangin dito sa tuwing pinapanood ko ang paglubog ng araw sa may dalampasigan.

Sa paglubog ng araw, makikita mo ang kadiliman.

Pero sa gitna ng kadiliman ay merong isang maliit na bilog kung titignan mo dito, pero ang totoo ito'y napakalaki. Ito'y sinisinagan ng araw upang mabigyan tayo ng liwanag sa oras ng kadiliman. Kasama nito ang kanyang mga kampon na may sariling taglay na liwanag, ang mga bitwin.

I'm a "look at the moon" and " look at the stars " kind of Mermaid.

Naniniwala ako sa salitang pag-ibig. Dahil nabuo ako ng dahil dito, ng dahil sa pagmamahalan ng aking mga magulang.

Nakikita ko ang paglubog at pag-gising ng araw dahil sa pagmamahal, nakikita ko ang pag liwanag ng buwan dahil sa pagmamahal.

Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig.

Love that gives life to each and everyone living in the world, in the Universe rather.

Don't you believe that, the moon has no light? Yes, you read it right.

But, because of the sun that gives light to the moon, we can see each other, we can see the gorgeous world every night.

That's how powerful love is.

Sa bawat pag-galaw ng aking mga kamay, ay siya namang pag parte ng mga isda.

Mga ilang minuto pa ay,
Hindi ko namalayan nandito na pala ako sa dalampasigan, parte ng dalampasigan na walang mga taong makikita. Lumangoy pa ako papalapit sa may lupa at umupo sa may malapad na bato.

Sa aking pagiisip ng ako'y lumalangoy papunta dito.

Nabuo ko na ang aking desisyon.
Buo na ang aking loob.

Inakay ko ang aking buntot paalis sa tubig.

The moment when my tail is no longer in contact with the water,
I feel this unfamiliar feeling,

Ang pakiramdam na ngayon ko lamang naramdaman sa tanang buhay ko.

Namangha ako sa unti unting paglaho ng aking buntot, unti unting pag laho ng mga kaliskis sa aking balat.

Para itong isang di kapanipaniwalang bagay, pero ito'y iisang katotohanan, katotohanan na hindi ko lamang ngayon nasaksihan.

Lumapad ang aking ngiti ng natapakan ko na ang lupa.
Nagtatalon ako sa tuwa,

Sa wakas.

This is life..

Parang nabuhay akong muli sa pagtapak ko sa lupa.

Napatigil ako ng napansin kong wala nga pala akong kahit na anong saplot sa katawan.

Tumingin ako sa aking paligid, wala namang tao.

Ng merong sumagi sa aking isipan.
Mabilis kong kinuha ang isang lalagyan na bigay sa akin nina mama at binuksan ko ito.

Sabi ko na nga ba, hindi ako pababayaan nina mama, alam na alam nila ang aking mga kailangan.
Merong isang damit sa lalagyan na may samot saring kulay na bulaklakin ito'y isang bistida ani Shannon. Alam ko naman kung paano mag suot ng mga damit, tinuro rin ako ni Shannon sa tuwing bumibisita sila, hindi lamang ang pagsuot ng damit dahil marami pang ibang tungkol sa mundo ng mga tao. Mga bagay na magagamit ko sa pagtapak ko dito.

La SirèneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon