Para Lang Sa'yo

93 4 0
                                    

PARA LANG SA'YO(Pangarap Ko Ang Ibigin Ka)

(Background song Pangarap Ko Ang Ibigin Ka)

Tuwing ikaw ay nariyan

Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya

Ang 'yong tinig wari ko'y di marinig

'Pagkat namamangha 'pag kausap ka

Nakakatawa sa tuwing kasama kita at kausap ka di na ko makapagsalita yung tipong natatameme ako kasi di ko akalaing makakausap ko ang isang tulad mo

Kaya nais kong malaman mo

Ang sinisigaw nitong aking puso

Gusto ko man sabihin sayo kung gaano kita kamahal pero sino ba naman ako sayo? para sayo isa lamang akong matalik na kaibigan, at sa pangarap ko na lang makikita na wari bay minamahal mo din ako

Pangarap ko ang ibigin ka

At sa habang panahon, ikaw ay makasama

Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito

Pangarap ko ang ibigin ka

"Ms. Anara may problema ka ba? Wala kong pakielam kung meron man nasa klase kita kaya dapat kang makinig naiintindihan mo ba?"

--Madam Victorina"I'm sorry Ma'am"

--Liza Hanna Anara

Hayy dahil sa pagiisip ko sa taong yun ito di na ko makapagfocus. Sana mapansin din niya ako sabagay napapansin naman niya ko bilang bestfriend niya kailan kaya magkakatotoo yung pinapangarap ko.

(siya si Liza Hanna Anara isang 4th year student sa St Bernadette matalino at simpleng tao lang siya, may mga talent din siya tulad ng pag-arte yung sa mga declamations, orations, pati nadin sa mga tulang tagalog, marunong din siya sumayaw at kumanta pero di niya ipinapakita yun since naghighschool siya naging mahiyain siya uhmm I mean mahiyain na siya pero lalong naging mahiyain sa classroom isa lng ang naging super duper close nya at yun ee si...)

"Shalom !!!!"

"Bakit na naman Liza? makasigaw naman ang BestieTuts ko""BestieTuts kailangan ko ng kausap"

Umiiyak na sabi ko di ko na kaya yung sakit na nararamdaman ko sana mapansin niya yung lihim na pagtingin ko sakanya

"BestieTuts tahan na wag na umiyak sabi ko naman kasi sayo wag ka nang umasa eh antigas din kasi ng ulo mo eh tahan na hah"

"Try mong pakuluan baka sakaling lumabot"

Nagulat ako nung nakita niya akong umiiyak or i must say humahagulgol dun sa prayer granden ng school namin dun sa may sulok at sumabat pa at yun si..

"Daniel bakit ka nandito?"

"Ano bang klasing tanung yan Shalom, syempre nandito ko sa St. Bernadette kasi dito ko nagaaral at napadaan lng ako dito sa prayer garden tas nakita ko kayo"

Ay pelosopo din tong taong to eh nuh, hayy nakita niya kong humahagulgol nakakahiya pwede bang maglaho ako ngayon at mapunta sa outer space?

"Liza bakit ka umiiyak inaway ka ba nitong si Shalom, anung ginawa niya reresbakan ko"

Kung alam mo lang ikaw ang dahilan ng pagluha ng mga mata kong ito.

"Hoy di ako ang nagpaiyak sa BestieTuts ko hah, Hoy kung alam mo lng hah ik..."

Para Lang Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon