RIA/ZICH POV
andito ako ngayon sa hallway at naglalakad mag-isa. Bwiset kasi yung mga kasama ko iniwan ba naman ako. Tss. Kaya eto bwisit na bwisit na ko."Sya ba yung bagong Royale Knights?.
Ang ganda ah! "
"Bitch! "
"Mukhang mahina yang bagong RK! "
"Tss.. Paepal"
"Attention seaker"
"Slut"
"Flirt"
"Feelingera"
Dagdag mo pa to! Tss. Mga inggetera! Walang magawa sa buhay psh.
Naglakad nalang ako ng naglakad hanggang sa mapad pad ako sa isang lugar na napakamisteryoso.
Hindi ko alam pero parang may nag uudyok saking pumasok dyan.
.
.
Sabi nga nila curiosity kills. Tss.
Kaya ayun pumasok ako sa napakamisteryosong lugar. Pano ba naman isang garden na puro lantang bulaklak. Tas yung fountain walang tubig.Napakadumi. Madaming dahon ang nagkalat.
Pagtapak ko palang papasok ay nagulat ako ng umilaw ang lugar. Kaya nasilaw ako.
Maya maya ay nawala na ito at laking gulat ko ng naging magandang garden ito! Para kang nasa kalangitan.
Maraming bulaklak na namumulaklak. Mababango at ang nasa gitna ng bulaklak ay ginto na napakaganda. At ang fountain ay may tubig na kulay asul at napakagandang pagmasdan.
May mga butterflies na lumilipad! Hihihi ang ganda. Napawi lahat ng inis ko ng dahil dito.
Naupo ako sa bermuda grass at dinamdam ang masarap na simoy ng hangin.
Nakakarelax. Tiningnan ko ang orasan at 2:30 na ng tanghali. Hindi na ako papasok dahil 30 minutos nalang ay magdidismiss na.
Nahiga ako sa bermuda grass at pinagmasdan ang kalangitan. Hanggang sa ako'y nakatulog.
------------
Paggising ko ay nagulat ako ng nasa ibang lugar ako samantalang nasa garden ako kanina.
"Nasaan ako?! "naguguluhan kung tanong.
"Nasa Encantadia ka Zich. "rinig kung sabi ng isang tinig na kilalang kilala ko. Si lorves..."Encantadia?!.. "naguguluhan kung tanong.
"Eto ang lugar kung saan naninirahan ang mga god and goddesses. "sabi niya na aking ikinagulat.
"I-ibig sabihin narito ang ibang God and Goddesses? "tanong ko.
"Oo. Kaya ka naparito ay dahil magsasanay ka kung paano kontrolin ang iyong kapangyarihan. "sabi niya habang may kung anong ginagawa
"Magsasanay?!. Sino magtuturo sakin? "tanong ko."Makikilala mo rin sila. "sabi niya at lumabas.
Kaya sumunod ako sa kanya at dumiretso kami sa isang malawak na field."Dito ka magsasanay"sabi niya at may biglang lumitaw na anim na tao.
Para silang anghel. Napakaganda't gugwapo nila.
Tatlong lalaki at tatlong babae.
"Mahal na prinsesa. Ikinagagala ka po naming makilala. Ako si Werios(wey ryus) ang Goddess of water. "sabi niya saakin. Ang ganda niya. Kulay dark blue ang buhok light blue naman sa mata.At dark light blue ang damit.
"Haha. Matagal na kong maganda"sabi niya. So isa siyang mind reader?! Ria shattap.
"Earthier(er tiyer) God of Earth. "pagpapakilala ng isa. Gwapo pero masungit
Kulay brown ang buhok mata at damit."Pfft--"rinig kung pagpipigil ng tawa nung isa. Sinamaan naman siya ng tingin nung earthier.
"Zeus God of Ice"pagpapakilala naman ng isa. Gwapo matangkad at kulay blue white ang mata at kulay puti ang buhok.
At damit ofcourse. Pero seryoso.
"Athelian Goddess of Air"sabi naman ng may pagkachildlish. Sya yung tumawa. Kulay gray ang mata buhok at damit.
"Dreyofe(dre yof) God of Thunder. "sabi naman nung isa.Kulay yellow ang mata buhok at damit.
"Fretrien(Fret riyen) goddess of fire. "sabi ng isa.
"Princess Kashmier Avrille Zichoria Froster. Zich for short"pagpapakilala ko.
"Ok. Sa ngayon ay magsisimula kaming turuan ka kung paano palabasin ang iyong kapangyarihan. "sabi ni werios."Una.. Umupo ka"athelian
"Tapos pumikit ka at damdamin ang hangin. "sabi ni Earthier.
Ginawa ko naman lahat at pinakiramdaman ang hangin."At pagkatapos ay magconcentrate ka. Isipin mo kung ano ang gusto mong palabasin. Gaya nito"sabi ni zeus at pinalabas nya ang isang bolang yelo.
"Ang galing! "manghang manghang sabi ko.
"Concentrate! "ay ang sungit naman ni Kuya Zeus.
"Zich you have so many powers and abilities. Daig mo pa kami. You have The 4 elements. Water Earth Fire and Air. You have also the other power which is Ice and thunder. Your special ability is a healer,mind reader, teleporting, telephaty and speed running. As for now. We will teach you on how to use and control your power. Understood? "ay grabe nagspeech si ateng. (Fretrien)"Yes"maikli kung sagot.
------------
Sa susunod nalang po yung continuation. 😁😁😊😊
BINABASA MO ANG
THE ENCHANTED ACADEMY
FantasySeason 1: Isang babaeng nawalay sa kanyang ina. Isang babaeng hindi mortal.Kumbaga siya ay isang nilalang na may kapangyarihan. Dahil siya ay Isang PRINSESA.. "A-ako?! Pri-Prin-Prinsesa?! " ...