Chapter 11

33 0 0
                                    

Chapter 11

[Aerith's Heart]

>>>8AM>>>

*Kriiiiiiiiing!!!*

Ughhh umaga na?

*Paaaak!!*

Pinatay ko na yung epal kong alarm clock tas bumangon na ko.

Pagkabangon ko syempre nagpray muna ako.

"Lord thank you for giving me another day."

Bumaba muna ako saglit para batiin ng 'good morning' sila mommy kaso parang wala sila.

Pumunta ako sa may kitchen at may nakita akong note:

"Aerith alis muna kami ng Daddy mo, may aasikasuhin lang na lupa sa probinsya. May lakad ka ngayon di ba? Mag-ingat ka anak, first time at ngayon pa lang namin kita papayagan dahil alam naman namin na katiwa-tiwala si Darren at dahil na rin siguro napapasaya ka niya. Pero siguraduhin mong mag-ingat ka anak. Nag-iwan kami ng 6000 diyan, panggastos mo, ibalik ang sukli ah?"

Napangiti at medyo natawa ako sa note ni Mommy.

Hayyy for once in my life, pinayagan din nila ako sa wakas.

Ay oo nga pala, kilala na nila Mommy si Renren dahil madalas na tumatambay ang barkadang lutang sa bahay, group study ang dahilan madalas. At kung minsan ay dahil trip lang nila.

Kinuha ko na yung 6000php sa dining table at umakyat na ko para makapag-ayos.

>>>9AM>>>

Pagkatapos ko maligo at magbihis, nagvibrate yung phone ko, meaning may nagtext, tinignan ko naman kung sino.

----

From: Renren

Malapit na ko.

----

Tch. Wala man lang talagang smiley?

Ganyan talaga si Renren=____=

Anyway after 10 minutes nakaayos na gamit ko at bumaba na ko dahil nagdoorbell na si Renren:)

Binuksan ko na yung pinto.

"Good morning Renren!"

"Tara na! Gutom na ko!"

Umagang-umaga ang sungit niya.

Pagtapos nun ay umalis na kami, syempre nilock ko yung pinto ng bahay namin.

Naglalakad na kami ni Renren palabas ng BF homes...

"San mo gusto kumain?"

Wow nagtatanong siya

"Ha?"

"Pancake House or Cafe Breton?"

Libre niya ba? Wahahahaha

"Libre mo?"

"Tss. Oo! Kaya san mo nga gusto??"

"Sunget! Hmmm.. Sa Cafe Breton!!"

"Tamang-tama, gusto ko dun eh."

"Eh di sana di ka na nagtanong!"

"Eh baka mamaya magreklamo ka pag ayaw mo eh. Nga pala, dinala mo gamot mo?"

"Of course!"

"Good."

Tas nagtaxi na kami papuntang Cafe Breton.

Medyo tahimik kase konti pa lang tao, umupo kami dun sa nearest na nakita namin na vacant table at inabutan kami ng menu.

Ako hindi ko na tinignan yung menu dahil alam ko naman io-order ko.

"Hindi ka kakain? Ba't di ka natingin sa menu?"

"Alam ko na kase io-order ko!"

"Ano?"

Ikaw! Jooooke! Yuuuck.

"Choco Mango crepe!"

"Sige."

Tas may lumapit nang waiter sa 'min.

"Ma'am, Sir, may I take your order?"

"Yeah, uhh, Choco Mango crepe, dalawa."

"Is that all sir? Drinks po?"

"Water lang."

"Okay sir. I will repeat your order, 2 Choco Mango Crepe and water for drinks."

"Yes."

"Ok sir."tas umalis na yung waiter

Ngumiti ako kay Renren

"Baket ka nakikigaya ng order?" tanong ko sa kanya

"Anong nakikigaya? Eh yun yung lagi kong inoorder dito eh."

"Psh. Eh ba't ka pa tumingin sa menu?"

"Walang basagan ng trip, Aerith."

Di na ko nagsalita. Psh. Kung gusto ko nga 'tong masungit na 'to, why oh why?? Anong nagustuhan ko dito??

Kumain na lang kami ng peaceful. Walang nagsalita...errr...awkward.

Pero naputol yung awkwardness na yun nang magsalita si Renren...

"Aerith."

"Hm?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa pagkain ko.

"San mo gustong pumunta?"

Parang ewan na nabigla ako at napaangat yung ulo ko

"Ha? Ehh...kahet saan."

"Walang lugar na 'Kahit Saan' ang pangalan, Aerith."

"Ehhh sa wala akong maisip eh! Ikaw bahala!"

Magsasalita ulet siya pero pinigilan ko siya "--At! Wag mo sasabihin sa 'kin na walang lugar na 'Ikaw bahala' ang name!!"

Nagbuntong hininga siya

"Eh baka mamaya pumunta tayo sa lugar na bawal ka kung ako yung pumili."

"Tch. Magbigay ka na lang ng choices."

After 5 seconds, bigla-bigla siyang tumayo pero di pa rin siya umaalis sa pwesto niya.

At bigla akong kinabahan sa sunod niyang ginawa.

His body went across the table at inilagay niya ang magkabila niyang kamay sa dulo ng table.

In short, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na may mapanlokong ngiti na nakapinta sa kanyang mukha.

Wahhh ngayon ko lang siya nakitang ganun at ang hot niyang tignan and what the hell am I thinking???

Kinakabahan ako ngayon sa kinikilos niya!!

"Kahit saan, Aerith?"

To be continued...

-----

A/N: Hahaha xD ang saya di ba^^ after ng midterms ko ang next UD okay?:)) Votes and Comments please!!

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon