Chapter 12
[Aerith's Heart]
"Kahit saan, Aerith?"
Renren is now looking at me. At sooobrang lapit ng mukha niya!!
"H-hoy D-darren wag k-ka ngang g-ganyan..."
"Anong 'ganyan'?"
"L-lumayo ka nga."
"Baket? Di ba dun rin naman tayo mapupunta?"
"A-anong d-dun?"
"Doon Aerith."
Parang feeling ko alam ko ang sinasabi niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Kaya sinusubukan ko siyang itulak palayo at hindi na ko makatingin nang maayos sa kanya
Pero mas lalo niyang nilapit yung face niyaaaaa.
Wahhhh nararamdaman ko na yung hininga niya sa may mukha ko.
Konting-konti na lang...napapikit na lang ako.
5
4
3
2
1
"Pfft! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Naramdaman kong lumayo siya sa kin.
Teka tama ba ang naririnig ko? Tumatawa siya??
Idinilat ko na ang mga eyes ko at voila!
Siya nga yung tumatawa!!
Ewan ko kung maiinis ako o matutuwa ako sa ginawa niya! Errrr...
Napatayo na rin ako at nagpameywang, wala naman tao masyado dito kaya di naman kami mapapansin.
"Hoy Darren Zak Valenzuela! Anong tinatawa-tawa mo diyan??"
Pero tawa pa rin nang tawa si Renren at nakahawak na siya sa tiyan niya!
Sa totoo lang ay medyo natutuwa ako ngayon dahil first time ko siyang nakitang tumawa.
Maya-maya medyo kumalma na siya at pinunasan na yung namuong luha sa gilid ng mata niya kakatawa.
*dug dug dug dug*
Umiling na lang ako dahil gusto kong iignore muna yung puso ko.
"Aerith, kung nakita mo lang kase yung expression ng mukha mo eh, priceless!"
"Hmmph! Pasalamat ka di ako inatake!!"
Nagwalk-out effect na lang ako at lumabas na sa cafe.
After 2 minutes, lumabas na rin si Renren.
"Aerith!" sigaw niya habang papalapit sa kin
"Che! Matutuwa sana ako Darren eh, kase nakita na kitang tumawa! Eh kaso... Nakakaasar ka talaga!"
"Peace na tayo Aerith. Sige na? Osige, ililibre na kita sa entrance fee mamaya."
"Entrance fee? Para sa'n?"
"Pwede ka ba sa amusement park?"
Amusement park? Wahhh gusto kong pumunta!
"Hayyy.... Fine. Pero 'wag mo na uulitin ah? Kung di, FO na tayo!" I said while rolling my eyes.
"Tss. FO ka diyan. Hindi mo kaya yun! Ako lang kaibigan mo 'no." sabi niya habang nakangisi, psh, Renren is really changing..
"Psh. Shut up Darren. Tara na nga bago pa magbago isip ko!"
"Okay." at nagkibit balikat na lang siya at naglakad na kami at naghintay ng mapaparang taxi na dadaan.
"Teka, pwede ka ba sa amusement park?"
"Oo naman 'no! Kaso bawal lang ako sa extreme rides."
Hindi na ulit siya nagsalita at after a few minutes ay nakasakay na kami sa taxi.
Tahimik lang kami buong biyahe, tss, ang bipolar talaga ni Renren, kanina tatawa-tawa na parang baliw na ewan tas ngayon tahimik.
Pero I don't hate that side of him. At least now, I know na nagiging open na siya sa 'kin.
But it's really making me weak, habang unti-unti siyang nagiging open sa kin, parang lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
Am I supposed to feel this way?
Something feels right but somehow, it also feels wrong.
BINABASA MO ANG
My Miracle
Teen Fiction[Status: On-Going] Sa isang storya kung saan walang kontrabida maliban sa mga PUSO nila at ang TADHANA. Can they win against destiny? Can love overcome destiny's challenge? Will they be able to witness a MIRACLE? ..... Samahan si Aerith at Darren sa...