Mysterious Guy
Papasok pa lang ako hinarangan na ako ng dalawang babae. Ang kaninang babae na siniraan ko ng blouse. They're gonna do their revenge? Aww. I'm scared.
"Masyado pa atang maaga para magpasikat?" Tinaasan pa ako ng kilay.
"Anong gusto mo, mamaya?" Sarakatikong sagot ko sabay ngiti ng nakakaasar.
"You're getting into my nerves. Ugh." Nangkakalaiting tono niya.
"Who cares?" Pang-iinis ko pa.
"Ahh--" sasampalin na sana niya 'ko ng pigilin ko. "Hindi ka karapat-dapat para makahawak ng balat ko. YOU UGLY B*TCH." singhal ko tsaka padarag na binitiwan ang kamay niya.
Sasampal pa lang ako ng may pumigil din sa kamay ko. "Get in. We're going to start." Psh. Teacher lang pala.
Umirap ako sa ere tsaka padabog na naupo sa tabi ni Thea.
At dahil nasa unahan namin ang babaeng nagmamaganda, nagnanakaw pa siya ng tingin sabay irap. Ano yun? Kinaganda niya? Duh.
"I'm trying to recognize both of you.." Tinuro kami ng lalaking Teacher namin, "New student?" Tanong niya.
Tumayo si Thea. "Yes, Sir."
"Kaya pala." Tumango-tango pa siya. "Kindly introduce yourself?" Ngumiti pa ito.
Tumango si Thea. "Althea Craig, Thea for short." Sagot pa nito.
Napairap ako. Magpapakilala na naman. Tss.
Sa'kin naman siya tumingin. Nagkibit-balikat ako tsaka tamad na tumayo. Naupo naman si Thea.
"Gayle." Simpleng sagot ko tsaka naupo ulit.
"Nice name but..." Hindi pa ba sila nakuntento? "Can I know your last name?"
"Nah. We're not even close." Pagtataray ko.
"Okay." Mapait siyang ngumiti. Hindi ba siya magagalit? Di ba nga Teacher siya?
Tamad akong nakinig sa kanya. Hindi nga siya nagpakilala e. Ano bang itatawag ko sa kanya? Hmp.
Pagtapos ng klase nagkagulo na naman sila at maingay na lumabas. Wala ba silang manners? Parang nakawala sa kulungan e. Hindi ako tumayo.
"Hindi pa tayo aalis?" Tanong nitong katabi ko.
"Makikigulo ka sa kanila? Ikaw na lang." Bulong ko.
"Lunch break na. Gusto niyong sumabay sa'kin?" Unti-unti ko siyang hinarap.
"Ayoko." Tumayo ako nilagpasan siya.
"Gel-- What I mean is Gil. Sorry talaga sa attitude nitong bestfriend ko huh? Hindi lang talaga siya basta-basta nakikipag-usap sa ibang tao. She's too protective to herself kaya hindi basta-basta nagtitiwala." Nag-uusap lang sila sa likuran ko habang nakasunod sa'kin. Pag-usapan ba naman ako. Tss.
"Ah, kaya pala." Aniya.
"Kaya sana intindihin mo na lang." Hindi niya kailangang makiusap. Kung ayaw niya edi wag.
Nagtungo kami sa cafeteria. Mabuti na lang madali itong marecognize dahil lunch break which means maraming tao. Nanaman.
"Ayokong makipagsiksikan diyan." Pumihit ako pabalik.
"Saan ka pupunta?" Nilagpasan ko kasi silang dalawa.
"Kahit saan." Sagot ko.
Hindi sila sumunod sa'kin. Masyado na ata yun? Close agad at pinagpalit na ako? I hate that gay so much. Ugh.
Sinipa ko ang batong nakita ko sa daan. Nakakainis. Pinagpalit ba naman ako. Buisit.
"What the!?" Sigaw sa hindi kalayuan sa'kin. Hindi ko 'yon pinansin, patuloy lang ako sa paglalakad habang sinisipa ang daan.
YOU ARE READING
"Darker Academy"
Mistério / SuspenseNo rules. No command. Date Started: Jan. 4, 2017 Date End: ~
