Chapter 2

64 2 0
                                        

Gay

Nandito kami ngayon sa isang paglilitis. Paglilitis kung saan nahuli kaming pumasok sa isang lugar na hindi namin alam ang pupuntahan.

"Sabi sayo e. Dapat kasi umuwi na lang tayo." Sinisi pa 'ko. Siya nga 'tong kating-kati na buksan ang pader.

"Manahimik ka na lang." Suway ko. Kung gusto niyang abutin ng sikat ng araw dapat ngayon pa lang tikom na ang bibig niya. Psh.

Sabay kaming tumingin sa pagbukas ng pinto. Siya na siguro ang nagmamay-ari ng swivel chair dito.
Niluwa ng pinto ang isang maputi, matangkad at may brown na buhok na babae, mid 30's. Ang ganda niya.

"Headmistress Brown, sila ang sinasabi kong bagong pasok na mag-aaral." Nakangiting pakilala sa'min ng matandang babae na nakahuli sa'min kanina, hindi naman niya kami sinaktan.

Naupo muna siya sa swivel chair na nakalaan para sa kanya. Tama nga ako.

"Paano niyo tinahak ang paaralang 'to? May nakapagsabi ba sa inyo ng lugar na 'to?" Siniko ako ni Thea. Yeah, right.

Ako ang sumagot. "Narinig ko lang."

"Narinig? Kanino?" Hindi siya basta-basta. Maganda siya, pero may mali.

"I don't know. It's just an eavesdropping incident.." Walang gana kong sagot.

"Nakikinig ka sa usapan nang may usapan, kaya kayo napadpad dito? How pathetic." Natatawang sambit nito.

"Pathetic? Kami?" Naiinis kong tanong. "Pumasok kami dito ng walang paalam, yun ba ang Pathetic? Hindi ba't strong enough 'yon to proved ourselves?" Kainis siya. Subunutan ko kaya. Hmp.

"Hindi sapat 'yon para sabihin kong malakas kayo. Pumasok kayo dito dahil lang sa kuryusidad na meron kayo. Kung alam niyo ang totoong meron dito at hindi nag-alinlangang pumasok.. We're welcoming both of you." Tama. Sabi nga nila curiosity kills the cat.

"So, hindi kami qualified to enroll?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm not saying that. I'm just concerned." Walang emosyon niyang sabi. Concern? Wow.

"You don't need. Kaya namin ang sarili namin." Tumayo ako astaka muli siyang hinarap. "How much?" I'm referring to the tuition fee.

"You don't need. It's free." Tumayo rin siya at hinarap si Manang. "Ihatid mo na sila sa kanilang silid. Kailangan na nilang maghanda para sa klase."

"Agad?" Nanlaki ang mata ko. Hindi pa nga ako natutulog eh.

"Yes. You may go." Padabog kong hinila si Thea. Buisit. Ugh.

"Thea, hindi ka man lang umangal diyan." Kainis. Dapat nagsalita siya, kahit konti.

"Ayoko. Nakakatakot siya." Muli siyang humawak sa braso ko bago lumabas nitong office, Office of the Headmistress. Yun ang sabi ni Manang kanina.

Nagtungo kami sa ibang building kung saan lahat estudyante ay doon naninirahan. Dormitory.

Maliwanag na rin ng makalabas kami, pero hindi pa oras para sa klase. Hinatid kami ni Manang sa second floor, at tumigil sa isang mataas na wooden double door. Makaluma.

"Dito ang kwarto niyo. May isang estudyante na sa loob at siya ang makakasama niyo." Nakangiti pa rin siya. Siya iyong tao na hindi mo makikitaan ng kahit anong problema.

"Salamat po." Tugon ko.

Kakatok na sana ako ng magsalita si Thea. "Manang, wala po ba kayong ihahabilin?"

Oo nga. Muli ko silang hinarap.

Ngumiti lang ang matanda at umiling.

"Kahit ano?" Tanong ko rin.

"Darker Academy"Where stories live. Discover now