chapter 4: do it or you'll stay here?

26 0 0
                                    

JOYCE’S POV

Nak ng pating naman oh! Sa dinami dami ng pwedeng ipahuli..ako pa! sino ba kasing KJ na nagpahuli sa akin eh..naku! ang lakas ng trip nya ah. Pag about sa daga o ipis yung consequence ko..yari talaga yun paglabas ko..

Upo nga muna ako. Maghanda handa na ako sa consequence ko..infairness naman ah, madami-dami rin kaming pinahuli. Ako, si cassie, si ellaine, si jared (na dakilang playboy..yan buti nga para tumigil ka sa kalalandi), si warren, basta marami pa..yung iba lower year.

Infairness naman sa mga kasama ko, pa-easy-easy lang. okay! Pumasok na yung “warden” kasama yung mga assistants nya may dala-dalang boxes. Yun yata yung mga challenge / fear factor.

Inisa-isa na kami sa challenge..

Ellaine: sa loob ng isang box may 10 cockroaches, isa dun fake. Kailangan nyang kunin yung fake nay un habang kasama yung real cockroaches. Luckily nagawa nya.

Cassie: 3 worm racing. May 3 worms ang ilalagay sa kamay niya. Kumbaga gagawing race track yung kamay niya, from elbow to palm. Ewww! The sensation.

Jared: pinainom lang yung squash shake with 3 drops of fish sauce. Yuck! The taste…

And so on..kami na lang ni warren ang natira

Turn ko na..i choose box no. 3

Challenge: just put your hand inside the box for 3 minutes.

“Ahhhhhhhhh!” shemay! Puro daga..ayoko na..naiiyak na ako..tinanggal ko na lang yung kamay ko.di ko talaga kaya e.

Si warren naman..

Challenge: drink the shake. Your shake pa naman mixture ng ampalaya, 1tsp. chilli sauce, talong and bagoong .

Ganun si warren, di nya magawang inumin. Ang baho kasi eh. Ang pagkakaalam ko pa naman di mahilig sa veggies si warren.

Ayun, kaming dalawa lang ang naiwan sa jail. After nun, wala ng ibang nahuli. mga 5:00 pa naman na. medyo madilim na din. Di naman kami nag-uusap ni warren eh. Diba nga medyo suplado siya.remember nung natapon food niya. Kung ano anu pinagsasabi. Kaya nakaupo lang kami walng pansinan.

WARREN’S POV

Ang epal talaga nung nagpahuli sa akin. Kami na lang pala ni joyce yung naiwan. Gusto ko syang kausapin kaso nahihiya ako. Playboy ako, pero alam ko naman kung sino yung mga tipong karespe-respeto na babae at isa si joyce dun. Sa mga tulad ni joyce, ayoko kong pairalin pagiging playboy ko or flirt. So tahimik na lang ako, intayin ko na lang yung warden.

5:30 pm..bigla nalang nag-lights off.

JOYCE’S POV

Natatakot na ako. Takot ako sa dilim. Ayoko din naming tumabi kay warren. Ano ako feeling close? Napaparanoid na ako, balita ko pa naman haunted room to sa MSU. Di ko alam kung totoo o rumors lang. hala! Nasan na ba yung warden. Di ko na kaya. Takot na takot na ako. Di ko na kaya napaiyak na ako. Takot talaga kasi ako eh

WARREN’S POV

Umiiyak ba si joyce? Takot yata sya sa dilim eh. Naniniwala yata to sa mga multo eh. Lalapitan ko ba? Sige na nga.

Next chaptie 

A/N sorry po sa mga super gross na consequence. hihiihi

Just A Glance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon