JOYCE’s POV
Totoo ba itong lahat?
Totoong nangyayari?
Baka naman isa na naman ito sa mga panaginip ko..
ito naka-higa na ako sa kama. Kakatapos ko na rin mag-shower para naman mawalawala ng onti yung init ng katawan ko..(*oi! Mga isip nyo..wag green!*) ito nasa bed ko..paikot-ikot sa sobrang kilig!yiee..
i just can’t barely imagine my daydreams turned into reality!!! Kung alam nyo lang yung itsura ko ngayon, super higpit ng yakap ko sa teddy bear ko tapos paikot-ikot na parang “eng-eng”.
Lalo akong na-iinlove kay warren. Is this the start of something new? Ayy wait, asan pala phone ko, ma-ichika nga kay cindy.
“HUWAAAT! 60 MESSAGES AND 10 MISSED CALLS LAHAT GALING KAY CINDY”
binasa lahat ng messages e parang halos pare-pareho lang messages niya. Hinahanap ako. Based sa texts niya, nag-aalala na. nawala na rin sa isip ko yung phone ko eh.
Tinext ko na lang siya na sabi ko nakauwi na ako and pinaalam ko na nalock kami ni warren sa jail booth. Di na rin siya nagreply. Baka tulog na siya.
By the way, thank you na rin pala sa nagpahuli sa akin kung hindi dahil sa kanya di ako makukulong.
Kundi dahil sa kanya di ako i-cocomfort ni warren.
Kung hindi dahil sa kanya di ako yayakapin, ihahatid at matagal na makakausap si warren.
Thanks talaga sa kanya…
Naalala ko lahat ng nangyari sa jail booth kanina. Napahanap tuloy ako sa panyo ni warren.
Ganitong ganito pagkakasabi ni warren sa akin
“joyce. Ito panyo ko. Punasan mo na yung luha mo”
kinikilig na naman ako. Inamoy-amoy ko yung panyo. I sniff the hanky as if I were a dog. Ang bango niya super. Nakaka-inlove yung amoy. Ohlala! Amoy pa lang niya parang biogesic na..nakakagaling!
WARREN’S POV
Nasa kwarto ko na ako. Hindi na ako tumuloy ng Antipolo. Di na rin ako makakaabot eh. Gusto ko ng matulog. Pero bakit ganun tuwing ipipikit ko mata ko palaging si joyce nakikita ko. Kakaiba talaga siya. Sa dami ng super magandang girls sa campus sa kanya lang ako nagka ganito.
Naging kami ni Beatrice pero parang trial lang naman yung amin eh. Minahal ko naman siya kahit papaano di lang tulad ng pagmamahal ko kay joyce. Parang dati medyo na weweirdohan ako kay joyce. Yung tipong nakakacurious yung personality niya. She drawn my interest. Then this interest grows into affection. Habang tumatagal im liking and loving her more. Sa totoo lang, di ko alam gagawin ko kanina nung narinig kong umiiyak si joyce. Gusto kong awayin yung taong dahilan ng pag-iyak niya. Gusto ko siya ipagtanggol. PERO KANINO? Im clueless.
INLOVE NA TALAGA AKO KAY JOYCE VILLAFLOR.
.
.
.
.
I LOVE HER.
Bitin yung pag-uusap namin ni joyce as in bitin…ang sarap niya kasing kausap eh. Buti na lang di ako nauutal habang kausap ko siya. Itulog ko na nga to, baka sakaling sa panaginip maging kami ni joyce..
VOTE AND LIKE PLEASE!!!!