Taeyong Lee
Online now09:32 pm
Magan Da: himala!
Magan Da: asan yung babaeng linta?
Taeyong: makapag salita ka -.-
Magan Da: pfft. Pero anyare mukhang wala siya ngayon?
Taeyong: dunno. You around?
Magan Da: yea
Taeyong: where r u? Galing mo naman magtago.
Magan Da: ako pa :P huwag ka kasing atat.
Magan Da: gtg.
Taeyong: so soon? Kala ko may daldal ka pa
Magan Da: hindi pa nga ako nakak log out namimiss mo na ako? :> sus.
Taeyong: leche -.-
Magan Da: hehe. sa dance workshop ka mamaya?
Taeyong: uhh yea. Malelate ako ng uwi.
Taeyong: don't you ever think to follow or stalk me around -.-
Seen09:38 pm
×
Ewan ko kung anong meron sa instincts ko pero may nafi-feel akong may masamang mangyayari mamaya. And it makes me nervous as fck.
Naghapon na't uwian na rin. Don't you ever think to follow or stalk me around. I'm sorry Taeyong, I need to. Kailangan kitang bantayan mamaya hanggang maka-uwi ka ng ligtas.
I wore my mask and went to the auditory room. Doon sila nagwo-workshop sa pagsasayaw. Sumilip ako mula sa malayo at nakita kong andun naman silang lahat. Saka mukhang wala yung Seoji.
Anyare dun? Sumuko na ba siya kakakulit kay Taeyong? Kung ganoon, ay mabuti. Huwag niya nang guluhin ang Taeyong KO. Pero kung may binabalak man siya, siya ang humanda sa 'kin.
Dumiretso ako sa locker room para maglagay ng tubig sa locker ni Taeyong. Ito lang naman ang routine ko pag nag-aattend sa workshop si Taeyong every Monday, Wednesday at Friday. Kasama niya din sa workshop ang NCT.
NCT― Neo Culture Technology. Sila yung magto-tropa na kilala sa school. Mga talented at kinababaliwan ng mga babae. Sila rin ang representative ng school tuwing competitions. Halos sa lahat kasi magaling sila, hindi lang basta sa sayaw at kanta― kundi pati sa sports.
'Di nagtagal ay kumagat na ang dilim.
"Taeyong! Mauna na kami! Diyan ka lang?" Sambit ni Hansol. Tumango lang si Taeyong bilang sagot.
"Umuwi ka agad sa dorm. Dumidilim na rin eh." Giit naman ni Johnny. Tumango lang ulit si Taeyong. Ba't hindi pa siya uuwi?
BINABASA MO ANG
stalker • ty
Fanfiction"magan da added you as a friend." fanfic | epistolary | nct series #1 2017 | smrookist