Kim's pov
Nakita ko si Tin sa di kalayuan at nakatingin sya sa isang direksyon.
"Tin"tawag ko
Hindi ako narinig ni Tin kaya lumapit nalang ako sa kanya.
"Tin"tawag ko ulit nang makalapit na ako sa kanya
Napatingin sya sakin at biglang ngumiti,pumunta sya sa table namin at naiwan akong nakatayo. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Tin kanina. Kaya naman pala sya nakatingin doon. Si D.O may kasamang babae.Hinanap ko yung table nila Althea.Nakita ko naman ito kaagad.Mukhang papatay ng tao si Althea haha kung makatingin dun sa babae kala mo may ginawang masama.Bumalik na ako sa table namin.Mga ilang minuto din at nagsimula na ang Party.
Tin's pov
Parang gusto ko nang umalis dito.Paano ba naman kasi si Kim at Angela iniwan akong mag-isa sa table.Si Kim nagpaalam na pupunta lang ng comfort room kaya naiwan kaming dalawa ni Angela sa table tapos si Angela bigla nalang tumayo sa table at hindi ko alam kung saan pumunta.Nakatingin lang ako sa mga taong masayang nag uusap hanggang sa may tumabi sa akin.Ang akala ko si Kim o si Angela kaya nanatili lang akong nakatingin sa mga tao.
"Antagal mo naman ang lungkot kayang maiwan sa table lalo na kung nakita mo yung gusto mo na may kasamang iba"sabi ko pero nakatingin parin ako sa mga tao
"Huh?"
Napatingin ako sa tabi ko kasi iba yung boses at nagulat ako dahil si D.O lang naman yung katabi ko.Hala ano yung sinabi ko kanina.
"Bakit mag isa ka lang?"tanong ni D.O
"Huh?Hindi ko alam.. Ay hindi kasi si Kim nasa comfort room tapos si Angela hindi ko alam kung saan pumunta.. Ikaw? Nasaan na yung babae este yung Exo?"
Hala anong sinasabi ko.Nakita ko si Kim na papalapit sa table namin at kasama nya si Angela.
"Kim!"sigaw ko
Ang awkward na kasi tapos kung ano ano pa nasasabi ko. Tuluyan nang nakalapit si Kim at Angela sa table.
"Sige Tin puntahan ko muna sila Kai"sabi ni D.O
Tumango lang ako at tumayo na sya.Umupo sa tabi ko si Kim at katabi naman nya si Angela.
"Saan ka pumunta Angela?"tanong ko
"Nakita ko sya sa comfort room naghuhugas sya ng kamay kaya sabay na kaming bumalik dito"sabi ni Kim
Tumango tango ako.Kinuha ko yung phone ko.Nag cellphone lang ako kasi parang mas masaya pa toh.May nakita akong message kaya binuksan ko yun.Galing sa bestfriend ko.Yung lagi kong kasama tuwing lunch.Nag usap lang kami hanggang sa malowbat ako. Hinintay ko matapos yung party.Antagal matapos.Yung kanina excited ako pumunta dito tapos ngayon gusto ko na umuwi.Nakakainis naman kasi kung alam ko dati pa yung totoong ugali nya ewan ko lang kung magustuhan ko pa sya.
Kim's pov
Tapos na agad.Ang bilis huhu si Tin hindi naman ata nag enjoy akala ko pa naman mag eenjoy sya kasi excited sya kanina pa at dahil sa nakita nya kanina nasira na ata gabi nya.Papunta na kami sa kotse ng biglang may humila kay Angela.Nakahawak kasi ako sa braso ni Angela.
"Chanyeol?"
"Ako nalang maghahatid kay Angela may itatanong pa kasi ako sakanya eh"sabi ni Chanyeol
"S-sige bye Angela"sabi ko at pumasok na ako sa kotse ganun din si Tin.
Ang bilis ng oras hind ko namalayan na nasa bahay na kami. Ginising ko si Tin kanina pa kasi sya natutulog at parang wala na syang balak bumaba.
BINABASA MO ANG
12 Boys Falling Inlove With 1 Girl
FanfictionMay isang babaeng transferee sa school na Exo University at nakilala nya ang Exo.Ang 12 na matatalik na magkakaibigan.Sa una ay hindi sila nagkasundo hanggang sa mahulog ang loob nila sa babae.May nakilala ang babae na nakakaalam ng sikreto ng Exo a...