Chapter 15

174 6 2
                                    

Kim's pov

Pagkapark ko ng kotse bumaba agad kami.Naunang maglakad si Tin at syempre sabay kami ni Angela pupunta sa room.Habang papunta kami sa room nakasabay namin sila Althea.Tinignan ko agad yung kuko nila at walang nangyari ganun parin.Napailing nalang ako dahil alam ko na magagalit si D.O.Pagkapasok namin sa room pumunta agad kami sa upuan namin.Hindi ko nakita yung tatlo na pumasok.Baka mamaya pa yun.

"Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?"tanong ni Angela

"Oo naman nagpasundo ako kay Tin"

"Nabili mo ba yung bibilhin mo?"

"Oo naman"

Nagkwentuhan lang kami ni Angela hanggang sa mapansin namin na biglang tumahimik yung mga classmates namin kaya napatigil rin kami sa pag uusap.Tinignan namin kung saan nakatingin yung mga classmate namin.Nakita ko yung Exo na tahimik na umupo sa kanilang mga upuan.Nagulat ako dahil puro sugat at pasa sila.Lahat sila.Nanibago rin ako dahil ang tahimik nila.Madalas kasi na lagi silang nag uusap,nag aasaran,nagtatawanan basta hindi sila tahimik hindi katulad ngayon.

Pumasok yung tatlo at halatang nagulat rin sila.Nakita ko sa mukha nila na nag aalala sila.Ilang minuto rin ang nakalipas at pumasok na lahat ng classmates namin at si Ma'am. Napansin nya rin ang kalagayan ng Exo at napailing nalang sya.Nagsimula na syang magturo kaya nakinig nalang ako.Ilang oras ang lumipas at naglunch na.Tahimik parin ang Exo.Hinintay nilang makalabas ang mga classmates namin bago sila lumabas.

Agad na sumunod sa kanila ang tatlo at sumunod na kami ni Angela.Kanina pa lumabas si Tin at halata din sa mukha nya na nag aalala sya.Pumunta na kami sa canteen at kumain.Nakita kong nag uusap yung Exo pero hindi ganun kalakas.Hindi rin sila nagtatawanan yung simpleng ngiti lang.Pagkatapos namin kumain naglakad lakad lang kami ni Angela hanggang sa makasalubong namin sila Althea. Akala ko tatarayan nila ako dahil sa akala nilang ako yung nagsabi kay D.O ng ginawa nila pero hindi.

"Kim library muna ako"paalam ni Angela

"Sama ako"

"Baka maboring ka lang dun mahaba pa yung oras oh"sabi nya

"Hindi yan"sabi ko

Pumunta kami ng library.Naghanap si Angela ng mababasa at nagbasa sya.Ako naman naghahanap pa.Wala akong mahanap na maganda.

"Angela labas muna ako ah"

"Sabi ko sayo eh sige na"sabi nya na nasa libro parin yung tingin

Lumabas ako ng library sakto naman na pagkasara ko ng pinto nakita ko sila Althea na lumapit sa isang room na malapit dito sa library.Sumilip sila sa pinto pero wala ata doon ang hinahanap nila kaya nag abang sila sa pintuan.Dumaan ako sa harap nila dahil no choice ako pagdaan ko tinignan ko sila at nakatingin sila ng masama sakin.Dapat pala hindi nalang ako tumingin.Nakasalubong ko si Keyzie kaya ngumiti ako sakanya.Ngumiti rin naman sya.
Bigla nalang lumapit sila Althea sa kanya.

"Hi!"bati ni Althea

Tinignan lang sila ni Keyzie.

"Sorry nga pala sa ginawa namin sayo"sabi ni Althea na nakangiti pa

"Oo sorry sana mapatawad mo kami"sabi ni Nicole

"Alam naman naming hindi mo agad kami mapapatawad.. Oh bigay namin sayo sana wag ka na magalit samin"sabi ni Cheska na may binigay na box kay Keyzie

Aalis na sana ako kasi hindi naman dapat ako nanduon kaso nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.Pagtingin ko si Keyzie at nakatingin sya sakin.

"Dito ka muna"sabi nya at ngumiti

Nakita ko na nakatingin sakin yung tatlo at habang tumatagal yung tingin nila lalong tumatalas kaya umiwas ako ng tingin.Kinuha ni Keyzie yung box na binigay sa kanya.Ngumiti naman agad yung tatlo.

"Keyzie!"sigaw ni Chanyeol

Napatingin kami kay Chanyeol na papalapit sa direksyon namin kasama ang Exo.

"Hello!"sabi ni Keyzie na kumakaway pa

Nang makalapit ang Exo samin nakita ko ng malapitan yung mga sugat nila kaya naawa ako sa kanila.

"Ano yan?"tanong ni D.O habang nakatingin sa hawak ni Keyzie

"Bigay nila"sabi ni Keyzie na nakatingin sa tatlo

Agad na ngumiti yung tatlo nang mapunta sa kanila yung atensyon ng Exo.Si D.O naman tinignan agad yung kuko nila kaya nagtinginan yung tatlo.

"Ahh kasi D.O kakamanicure lang namin"sabi ni Althea

"Ano naman?"

"Iba nalang kasi yung iutos mo"

"Ano kayo utusan ko?"

"Hindi naman sa ganun"

"Paano kapag makasakit ulit kayo gamit yang kuko nyo?"

"Nag iingat naman kami eh"

"Sure kayo?"

"Oo naman... Ahh D.O napano yung sugat nyo?"tanong ni Althea na tinignan silang lahat

Hindi agad nakasagot si D.O.Tinignan ko sya dahil nag aabang rin ako ng isasagot nya nag aalala rin ako sa kanila kasi ang dami nilang sugat at pasa eh.

"Wala ka ng pakielam dun"sabi nya

"Pasok na ako ah hinihintay na ako ng kaibigan ko sa loob eh"sabi ni Keyzie

"Sige"sabi ni D.O

"Babye"kumaway sya sakin kaya kumaway rin ako sa kanya

"Umalis na kayo"sabi ni D.O sa tatlo kaya umalis na sila

"Kim nakauwi ka ba ng maayos kagabi?"tanong ni Baekhyun

"Oo nagpasundo ako kay Tin"

"Close kayo ni Keyzie?"tanong ni D.O

Close nga ba kami?Ngiti lang ang sinagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Teka anong nangyari sa inyo?Bakit may sugat at pasa kayo?"tanong ko

Hindi ko na talaga mapigilan eh.

"Wala toh"sabi ni D.O

"Ahhh"ang tanging nasagot ko

Ayaw talaga nilang sabihin.Pero okay lang yun hindi ko naman sila pipilitin dahil baka personal na yun.

"Sama ka samin boring kapag mag isa ka lang eh"sabi ni Chanyeol

"Sige"

"Nasaan ba si Angela?"tanong ni Chanyeol

"Nasa library sya eh lumabas na ako ang boring kasi eh"

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mag bell na.

---------------

12 Boys Falling Inlove With 1 GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon